Kabanata 44

13.6K 246 0
                                    

(A/N: Hi! This is the final chapter and finally, matatapos na po siya. I'm so very thankful sa mga readers ko diyan for supporting me. I hope I can still see you on my next story. Once again, thank you!)

Kabanata 44

Happiness

7:00pm na kaya kailangan na naming umalis at pumunta na sa party.

Nasa loob na kami ng kotse habang si Grayson naman ay nagdadrive.

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko dahil malapit na kami sa pupuntahan namin.

"Are you nervous?" Bigla nitong tanong kaya nahihiya akong tumango sa kanya.

"Nahihiya ako, Grayson." Sabi ko sa kanya at tumawa ito ng bahagya.

"Wag ka ngang mahiya 'diyan. Nandito lang naman ako kaya wag kang mag-alala, okay?" Sabi nito kaya napatango na lang ako.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng nandito na kami sa lugar kung saan idadaos ang party ng company nila.

Pagkatapos nitong ipark ay agad na kaming lumabas ng kotse. Alam kong nagmamadali na rin si Grayson dahil kanina pa may tumatawag sa kanya.

Pumasok kami sa front door at nasiyahan ako ng wala palang masyadong media at puro mga photographer lang ang nandito.

Nagulat ako ng biglang hinawakan ni Grayson ang aking kamay.

"I think, malapit ng mag-start kaya kailangan na nating pumunta sa hall." Sabi nito at tumango ako.

Bumalik ulit ang kaba ko ng tuluyan na kaming nakarating dito.

Nanlaki ang mata ko sa laki ng lugar na Ito at ang mga disenyo ay super ganda at classy.

Napalunok ako ng makitang maraming tao ang dumalo dito at karamihan sa kanila ay puro mga businessman.

Ang ilan sa kanila ay tumingin sa gawi namin ng dumaan kami.

Minsan napapahinto kami ng may bumabati sa kanya at ilang oras rin ay narating na namin ay inilaan niyang lamesa para sa akin.

"Baby, okay lang ba na iwan kita dito?" Bulong nito sa akin at pinaupo ako.

"Oo naman, okay lang ako dito." Nakangiti kong sabi.

"Sige, babalik ako kaagad dito. Tawagan mo 'ko kung may problema ka." Sabi nito at tumango ako sa kanya.

Pagkaalis nito ay pinagmasdan ko ang paligid. Hindi ko nakita ang parents ni Grayson at sigurading nag-aayos pa ito.

Makalipas ang isang oras ay nagsalita na ang host para sabihing magsisimula na ang party.

Pinagmasdan ko ang mommy at daddy ni Grayson ng umakyat ito sa stage.

Sumabay ako sa palakpak nila at napangiti ako dahil sobrang ganda at gwapo ang mga magulang ni Grayson.

Nagkaroon ng konting speech ang kanyang mommy at daddy at pagkatapos nito ay ipinakilala nila ang kanilang anak na si Grayson.

Agad akong pumalakpak ng nasa stage na ito.

Ang gwapo talaga ng boyfriend ko.

Hindi ko mapigilang mamula sa iniisip ko.
Pagkatapos ng pagsasalita ni Grayson ay sinabi na ng host na pwede na kaming kumain kaya agad akong dumiretso sa buffet.

Kanina ko pa nararamdaman ang pagkulo ng tiyan ko kaya kakain na ako ngayon. Alam kong nagugutom na rin ang baby ko sa tiyan kaya kailangan ko ng kumain.

Pagkatapos kong kumuha ng pagkain ay dumiretso na ako sa pwesto ko kanina.

Napalunok ako sa mga pagkain na nakahain sa plato ko kaya excited na akong matikman ito.
Kakain na sana ako ng biglang sumulpot si Grayson.

The Possesive Man (Del Faurico Series#1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now