Kabanata 17

14.8K 326 2
                                    

Kabanata 17

Kiss

Hindi ko mapigilang ngumiti dahil nakita ko na ngayon si Grayson. Napalingon ako sa kanya at seryoso lamang itong nag mamaneho. Pupunta kami ngayon sa condo niya at excited na akong makasama siya ngayon.

Bumuntong hininga na lamang ako at napayuko ng maisip ko ang mga sinabi ko sa kanya, hindi ko maipagkakaila na nagsisisi ako sa ginawa ko. Nadala lang naman ako ng emosyon ko dahil sobra sa akong nasaktan noon.

"Are you okay?" Nag aalalang sabi ni Grayson kaya ngumiti akong lumingon sa kanya.

"Yes," sabi ko sa kanya.

"We're here.." Sabi nito kaya napatingin ako sa labas at namalayang nandito na pala kami kaya lumabas na kami sa sasakyan niya ng matapos nitong maiparada.

Napapitlag ako ng hawakan nito ang aking kamay at hinila na ako papasok sa elevator. Nahihiyang ngumiti na lamang ako.

Pagkarating namin sa condo niya ay hinila na niya ako papasok at pinaupo sa kanyang sala.

“What do you want to eat?” tanong nito.

“Kahit ano, mag luluto ka ba?”

“Yes, let’s go you need to change in my room baka naiinitan ka na sa suot mo.”

“S-Saan..?” kinakabahan kong sabi at tila napansin nitong kinakabahan ako kaya napangisi ito.

“Sa kwarto ko, relax.. mag bibihis ka lang naman, ano bang iniisip mo?” natatawa nitong sabi kaya namula ang aking pisngi dahil sa hiyang nararamdaman.

“W-wala..” nauutal kong sabi sabay iwas ng tingin sa kanya.

“Okay,” nakangisi nitong sabi at tila hindi ito naniniwala sa akin kaya napasimangot ako.

“Okay naniniwala na ako.” Natatawa pa rin nitong sabi at hinila na ako papunta sa kanyang kwarto. Wala na akong nagawa kundi mag pahila sa kanya.

Pagkarating namin sa ikalawang palapag ay binuksan na niya ang pintuan ng kanyang kwarto at pumasok kaming dalawa. Namangha ako sa ganda ng kanyang kwarto at malinis na malinis ito. Naka organize ang kanyang mga gamit at walang kalat.

“Ang linis naman ng kwarto mo, palagi ka bang nag lilinis dito?” sabi ko at lumingon ito sa akin.

“Minsan lang kasi si manang na ang nag lilinis dito kapag busy ako."

“Nasaan pala siya? Hindi ba siya dito nakatira?” tanong ko at umupo ako sa kanyang kama. Nakita kong sumunod ito sa akin at umupo rin sa tabi ko.

“Nandoon siya kila Mommy nakatira at minsan lang siyang pumupunta dito. I think twice a week.” Sabi nito kaya lumingon ako sa kanya.

“Bakit ka nga pala bumukod, may bahay naman kayo dito.”

“Mas malapit ang kompanya namin dito.”

“Ah.. wait.. Paano ka pala naging teacher, sa pag kakaalam ko ay iba yong kinuha mong course nong college.”

“Hmm.. Actually, lumapit lang sa akin si tita Sarah and she said kung pwede bang ako muna ang pumalit sa kanya kaya pumayag na ako.”

“Tita mo si Ma’am Sarah?” Gulat kong tanong.

“Yes,” sambit nito sabay tingin sa akin kaya agad akong umiwas sa kanya.

“Kaya pala…” mahina kong sabi at nagulat ako ng hawakan  nito ang aking kamay at tumitig sa akin.

“Are you still mad at me?" Seryoso nitong sabi habang tumititig sa akin kaya naiilang ako sa mga titig niya.

"H-hindi..." Mahina kong sabi sa kanya at napa titig ako sa kanya ng hinagkan nito ang mukha ko kaya napalunok ako.

"I'm sorry.." Paos nitong sabi.

"O-okay lang... Hindi mo naman kasalanan at matagal na 'yon kaya pinapatawad na kita." Nakangiti kong sabi at nakita kong ngumiti siya ng konti at sumeryoso ulit. Naiilang ako sa mga titig niya at kanina pa tumitibok ng mabilis ang puso ko.

Nanlaki ang mata ko ng bigla niya akong hinalikan at wala akong magawa kundi tumitig sa kanya habang hinahalikan niya ako. Nag init ang pisngi ko at hindi ko alam kung tutugon ba ako sa halik niya o hindi?

"Sh*t! I-I'm s-sorry..." Bigla itong lumayo sa akin ng mapansing hinahalikan niya na pala ako. Napatuwid ako ng tayo at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Nahihiya ako sa kanya.

"M-maiwan muna kita dito at aayusin ko lang muna ang kakainin natin mamaya." Naramdaman kong tila kinakabahan ito at hindi makatingin sa akin.

"A-ah.. S-sige.." Kinakabahan ko ring sabi at tuluyan na itong umalis. Nang maisara na nito ang pintuan ay bigla akong napahiga sa kama nito at napatulala na lamang.

"O-oh.. M-my.." Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko sa nangyari kanina. Hinawakan ko ang aking labi at hindi ko mapigilang mapangiti.

"Hmm.." Nakuha niya ang first kiss ko at hindi ako makapaniwalang si Grayson ang makakakuha nito.

Bigla akong napatayo ng bumukas ang pinto at nakita kong pumasok si Grayson.

"Let's eat now," nakangiti nitong sabi kaya napatayo na ako at sabay na kaming bumaba papunta sa kanyang kusina.

Habang kumakain kami ay hindi ko mapigilang mapailang sa titig niya kaya napasimangot ako. Bakit niya ba ako tinititigan, hmmp.. Naiilang tuloy akong kumain.

"Ano ba, Grayson!" Nakasimangot kong sabi at lalo akong naasar ng masilayan ang kanyang pag ngisi.

"What?" Nakangisi nitong sabi kaya umirap ako sa kanya.

"Wag ka ngang tumitig sa akin, kita mo namang kumakain ako eh.."

"Okay, okay, titigil na," nakangisi nitong sabi at napatingin ako sa kanyang kamay ng bigla nitong hawakan ang kamay ko.

"Are you mad at me?" Pag papacute nitong sabi kaya hindi ko mapigilang tumawa sa ginawa niya.

"Wag ka ngang magpa cute diyan, hindi bagay sayo." Natatawa kong sabi at umiwas ito ng tingin.

"W-what?" Nauutal nitong sabi habang umiiwas ng tingin sa akin kaya napangiti ako.

"Say ahh.." Sambit ko habang sinusubuan siya at agad naman nitong tinanggap. Sinubuan niya rin ako at wala na rin akong nagawa kundi mag subuan kami ng pagkain. Napangiti na lamang ako.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso agad kami sa kanyang sala upang magpahinga ng konti dahil uuwi na rin ako maya maya at baka hanapin na ako nila nanay.

"Are you tired?" Tanong ni Grayson kaya napatingin ako sa kanya.

"Ah.. Medyo, marami kasi kaming ginawa this past few days dahil malapit na rin ang finals namin." Sagot ko.

"Gusto mo bang mag pahinga? Dito ka lang muna at ihahatid na lang kita mamaya." Nag aalala nitong sabi at agad naman akong umiling.

"Hindi na, doon na lang ako sa bahay pag uwi ko." Nakangiti kong sabi. Hinagkan nito ang mukha ko at seryoso itong tumitig sa akin.

"Don't push yourself too much, wag kang mag papagod." Napangiti ako sa sinabi niya.

"Yes, Sir!" Nakangiti kong sabi at napangiti ito sa tinuran ko. Napansin kong unti-unting lumalapit ang mukha niya hanggang sa mag lapat ang aming mga labi kaya napapikit ako at pinaubaya ang aking sarili. Napansin ko na lamang na tumutugon na ako sa kanyang halik at mas bumibilis ang pag halik nito sa akin.

Naramdaman kong napahiga na ako sa sofa at nasa ibabaw na si Grayson na patuloy na humahalik sa akin.

"S-sariah..." Paos nitong sabi at humiwalay na ang kanyang labi sa akin.

"G-grayson.." Tugon ko at nakita kong ngumiti ito at yinakap ako. Nakaramdam ako ng kasiyahan sa ginawa ni Grayson at hindi ko na mapigilan ang sarili kong mahulog sa kanya.

***
MsGishLin

The Possesive Man (Del Faurico Series#1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now