Kabanata 14

16.4K 320 7
                                    

Kabanata 14

Like

Nang makarating na kami sa condo niya ay pinarking muna niya ang kanyang sasakyan at lumabas na rin ako. Sumunod lamang ako sa kanya hanggang sa makasakay kami sa elevator. Kaming dalawa lang ang nasa loob kaya parang nakakailang na pansinin siya.

"Anong gusto mong kainin? Dito kana mag dinner." Sambit nito.

"Kahit ano nalang." sabi ko sa kanya kaya tumango ito sa akin at nakita kong may tinetext ito sa kanyang cellphone. Oorder na yata siya.

Agad kaming lumabas ng bumukas ito at pumasok na kami sa condo niya.

"Do you want to change?" sambit nito kaya napatingin ako sa kanya.

"Ah.. Hindi na.." Sagot ko sa kanya at tumitig lamang ito sa akin.

"I have your clothes in my room, you can change if you want." Sambit nito na ikinagulat ko.

"M-may d-damit ako dito?" Nauutal kong tanong.

“Yes, I brought it last time.” Sambit nito.

“Nag abala ka pa, hindi naman ako mamalagi dito.” Nahihiya kong sambit. Bakit niya pa ako binilhan eh.. hindi naman ako pupunta dito palagi at baka magalit pa ang girlfriend nito.

“Why? May pinag kaka abalahan ka ba? kaya ba iniiwasan mo ako?” masungit nitong sabi at nagulat ako sa tono ng boses nito parang nagagalit ito eh.. wala naman akong ginagawa.

“N-no.. hindi naman.” Mahina kong sabi.

“Starting this day, pupunta ka dito every day after your class since, mag tatrabaho na ako sa kompanya namin.” Sambit nito at naguguluhan ako sa sinabi niya.

“W-why..? wala namang dahilan para pumunta pa ako dito.” Sabi ko sa kanya at Nakita kong bumuntong hininga ito.

“Marami pa tayong pag-uusapan mamaya at dito ka na muna. I need to change my clothes.”

“P-pero..”

“Mag papaliwanag ako sayo mamaya, okay?” malambing nitong sabi kaya wala sa sarili akong napatango. Ngumiti ito sa akin at umakyat na ito papunta sa silid nito.

Hindi ko mapigilang mapaupo dahil sa nerbiyos na aking naramdaman kanina. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa sasabihin ni Grayson mamaya. May itinatago ba ito sa akin at may panibagong sakit na naman ba akong mararamdaman? Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko ngayon kung maganda ba ang sasabihin nito sa akin o hindi?

Napadako ang aking tingin sa hagdanan ng makitang pababa si grayson hindi ko mapigilang matulala sa kanya. Naka sando itong puti at naka jogger pants na pantulog. Hindi pa rin ako sanay na Makita siyang ganito ang ayos. Ang kanyang katawan ay halatang maskulado dahil bakat na bakat ito sa kanyang suot na sando, hindi ko mapigilang mapalunok at parang pinag papawisan ako sa aking nakikita. Napadako ang tingin ko sa bahagi ng kanyang legs at Nakita kong may nakabukol sa kanyang pants kaya agad akong napaiwas ng tingin at napapikit dahil sa aking katangahan. Nagiging wild na ba ko? Kainis.

“Are you okay?” nagulat ako ng makitang nasa harap ko na pala siya kaya hindi ko mapigilang kabahan. Ang halay mo na talaga Sariah!

“A-ah.. O-oo n-naman..” nauutal kong sambit.

“Let's go, pumunta si manang kanina at may niluto na pala siyang pagkain at ‘yon nalang ang kakainin natin ngayon, Hindi na ako nag order dahil nag text si mommy na pumunta pala dito sa manang kanina.” Sambit nito at tumango ako sa kanya. Sabay kaming pumunta sa kitchen nito at may nakahain ng pagkain. Agad rin kaming umupo and as usual, siya na naman ‘yong nag lagay ng pagkain ko at hinayaan ko na lamang siya.

The Possesive Man (Del Faurico Series#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon