Kabanata 16

14.7K 316 2
                                    

Kabanata 16

Happy

Nag mamadaling bumaba ako ng trycle ng makarating kami sa University. Ewan ko ba  sa sarili ko dahil na late na akong gumising tapos may pasok pa kami ng 7:30am and guess what? 7:25 na, 5 mins nalang mag sisimula na ang klase namin.

Agad akong tumakbo papunta sa gate at dumiretso sa department namin.
Humuhangos akong nakarating sa room at nakitang nandoon na si Ma’am. Lagot talaga ako nito.

“Good morning Ma’am, I’m sorry, I’m late.” Bati ko at bumaling sa akin si Ma’am.

“Good morning, next time wag ka ng mag pa late.” Sambit nito at tumango ako. Agad akong pumunta sa upuan ko na katabi naman ni Leanne.

“Himala na late ka, ano bang ginawa mo?” usisa sa akin ni Leanne.

“Na late na akong gumising.” Bulong ko sa kanya dahil baka marinig pa kami ni Maam na nag uusap dito. Tumango naman ito at tumingin na sa gawi ni Ma’am.

Pagkatapos ng klase namin ngayong umaga ay nalaman naming wala kaming pasok mamayang hapon dahil mag kakaroon ng meeting ang mga teacher namin. Malapit na rin kasi ang aming finals kaya pati ang mga teacher ay abala na rin sa pag hahanda ng aming test.

“Sariah, tara umuwi na tayo.” Masayang sabi ni Leanne kaya tumango ako. Sabay na kaming nag lakad papunta sa parking lot pero napatigil kami ng tumog ang kanyang cellphone kaya napatingin ako kay Leanne.

“Wait.. sasagutin ko lang ito.” Nakangiting sambit nito at napansin kong nawala ang kanyang ngiti ng makita kung sino ang tumatawag. Nakita kong walang pangalan ang caller at hindi ito nakarehistro sa cellphone nito.

“H-hello..” nauutal niyang sagot at nakitaan ko ng takot ang mukha nito. Pati ako ay naguguluhan rin kung bakit ganito ang reaction niya. Hindi na sumagot si Leanne pero nasisiguro kong nagsasalita parin ang nasa kabilang linya dahil nakikinig lamang si Leanne.

“Sino ‘yon?” agad kong tanong ng ibinaba na nito ang tawag.

“A-ah.. K-kaibigan k-ko..” kinakabahan nitong sabi at umiwas ito ng tingin.

“Anong sinabi niya? Parang takot na takot ka?” Sambit ko at Nakita kong nagulat ito.

“Sorry.. pero may pupuntahan pa ako, ipapahatid nalang kita kay manong.” Sabi nito at umiling ako kaagad.

“Wag na, kaya ko namang umuwi. Pupuntahan mo ba ang kaibigan mo?” tanong ko sa kanya.

“O-oo..” nakayuko nitong sabi. Parang may nag iba sa kanya eh.. hindi ko lang alam kung ano.

“Sige, bye..” paalam ko sa kanya at nakangiti itong nag paalam sa akin. Tumalikod na ako at umalis sa parking lot. Akala ko pa naman ay sasabay kaming uuwi ni Leanne pero hindi pala. Di bale nalang may susunod pa naman.

Habang nag lalakad ako ay Nakita ko si Lucas at naisip na hindi ko pa pala siya natanong kahapon at ito na rin yata ang oras para tanungin siya tungkol sa kahapon.

“Lucas!” nakangiting sigaw ko at tumakbo na ako papunta sa kanya. Nakangiting lumingon ito sa akin.

“Anong kailangan mo Sariah?” nakangiting tanong nito.

“Pwede ba tayong mag-usap?” tanong ko sa kanya.

“Oh.. sure.” Nakangiting tumango ito at doon na lamang kami mag uusap sa labas.
Pumunta kami sa gilid at agad ko siyang hinarap.

“It’s about yesterday, bakit ganon ‘yong reaction mo? Tapos hindi ka na sumabay sa akin.” Sabi ko sa kanya at Nakita kong nag aalinlangan itong sumagot.

“I’m sorry, natakot lang talaga ako.” Sabi nito na nag pagulat sa akin. Saan ito natatakot?

“W-what..? wait.. naguguluhan ako, saan ka ba natatakot?”

“Ewan ko kung tama ba itong sasabihin ko pero kahapon kasi may Nakita akong lalaking may dalang baril at nakatotok pa sa akin.” Nag aalinlangan nitong sabi. Bumilis ang tibok ng puso ko at kinabahan ako sa sinabi niya.

“B-bakit.. P-paano..” nanghihina kong sabi. Konektado ba ito sa akin?

“Para kasing binabalaan niya ako at natakot lang ako kahapon.” Nahihiya  niyang sabi at napatingin ako sa kanya.

“Bakit hindi mo sinabi sa akin? Sana sinabi mo sa akin para ma ireport natin sa pulis.” Seryoso kong sabi.

“I’m sorry, naunahan na ako ng takot kahapon.” Sambit niya kaya bumuntong hininga ako.

“Kilala mo ba siya?  Nakita mo ba ang mukha niya.?”

“Hindi eh.. pero parang binabalaan niya ako sayo. May kilala ka bang taong kaya nitong gawin?” Tanong nito na nagpagulo sa akin. Napa isip ako sa sinabi niya at may naisip akong isang tao pero binura ko agad ito sa aking isipin dahil impossibleng gawin niya 'to.

"W-wala.." Nauutal kong sabi at nakita kong huminga ng malalim si Lucas.

"Uuwi ka na ba? Ihahatid na kita baka ikaw talaga ang target ng lalaking 'yun. Delikado para sayo." Nag aalala niyang sabi pero umiling ako.

"Wag na, kaya ko na ang sarili ko, maaga pa naman." Nakangiti kong sabi.

"Okay, kung may kailangan ka, just call me okay?" Sabi nito at tumango ako. Nag paalam na kami sa isa't isa at kahit umalis na si Lucas ay nakaramdam pa rin ako ng takot dahil hindi ko alam kung sino ba 'yong lalaking sinasabi nito at 'yong lalaking nakita ko kahapon.

Pagbaba ko sa trycle ay nag lakad nalang ako papasok sa eskinita ng bahay namin. Malungkot akong nag lalakad, ewan ko pero miss ko na siya. Napaangat ako ng tingin ng makitang may nakatayo sa harapan ko. Para akong natulos sa aking kinatatayuan ng makita siya.

Hindi ko mapigilang mapaiyak dahil nakita ko siya ngayon. Agad akong tumakbo sa kanya at niyakap niya ako ng mahigpit.

"Baby.." Malambing nitong bulong habang mahigpit ang yakap nito sa akin. Iyak lang ako ng iyak at parang wala na akong pakialam kung may nakikita man sa akin.

"Stop crying, I'm here now." Malambing nitong sabi kaya napakalas ako sa yakap niya.

"I-I'm s-sorry.." Nauutal kong sabi habang umiiyak. Nakita kong pinunasan nito ang aking luha at sinakop ng kanyang kamay ang aking mukha kaya napatingin ako sa mukha niya.

"I miss you." Nakangiti nitong sabi at napangiti na rin ako.

"I miss you too." Sagot ko sa kanya at niyakap niya ulit ako. Parang biglang nawala ang galit ko sa kanya at ang nararamdaman ko na lamang ngayon ay saya dahil nagpakita siya sa akin. Naramdaman kong humigpit ang yakap nito sa akin at kumapit rin ako ng mahigpit dahil miss na miss ko na siya.

***
MsGishLin

The Possesive Man (Del Faurico Series#1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now