Follow

85 9 0
                                    

"Grabeh si Sister Candace oh."

Napalingon ako sa mga kaklase ni Candace, napangiti naman ako. Si Candace talaga, tahimik lang hindi man lang na-kwento sakin toh, kaya pala bongga ang 18 birthday niya. Sabagay hindi naman kami gaanong close, hinihila ko nga lang siya sa mga trip ko sa buhay.

"Woooooh!"

Napaawang naman ang labi ko nong nakita siyang bumaba sa mahabang hagdan, grabeh ang ganda ng gown niya nakakainggit. Kinuhanan ko agad siya ng picture gamit ang tablet. Parang kailan lang nong dinala ko siya sa party.

"Ang ganda gorl!" sigaw ko naman, feeling close na close talaga. Ang layo naman niya pero okay na yon. Lahat atah sa University invited. Nakita ko din si Luke ang best friend niya.

Bagay talaga silang dalawa, dati ko pa napapansin. Akala ko nga sila eh, pero wala namang sinasbaing best friend niya ang nakakatuluyan niya sa zodiac sign niya.

"Now, our debutant will be surrounded by 18 handsome mens!"

Napatingin lang ako sa harapan, excited na tuloy ako mag debut kaso, baka naman hindi ako payagan nila mommy na magkaroon ng bonggang party din katulad nong kay ate.

"The first dance will be her child hood friend and now the best friend, ladies and gentlemen, Luke Davis Varga!"

Kinilig naman ako bigla, tapos pinagmasdan sila na sumayaw, ako nga pala yong nag-ayos ng ibang kailangan niya para sa birthday niya. Yong sa sayaw mommy niya kasi nagtapos non.

" Now, the last dance is reserve to her loving and caring brother,"

Nawala naman ang ngiti ko at napakunot ang noo, loving and caring brother? Wala akong narinig na meron pala? Ano? nawawala ding kapatid o ano?

"Allen Jay Cinco!"

Napaawang ang labi ko, si Rave? napatakip ako ng bibig, hindi nga?!

"Mr. Cinco?"

Napalibot naman ang mga tingin namin, dahil wala kaming nakikitang Rave dito. Hindi lang ako nag nagulat buong estyudyante na nandito. Ay talagang ma-interview tong si Candace! Grabeh!

Naalala ko naman bigla nong nasa canteen kami, biglang lumabas si Rave sa likuran namin at nag-presenta bilang escort niya, nanlaki ang mga mata ko. Napasigaw naman ang lahat nong lumabas si Rave, nakapula lahat katulad sa color ng gown ni Candace.

"Waaah!" napatili naman ako dahil sa lapit nila sa isa't isa, nakakakilig din. Hustisya naman? Napalingon ako sa mga kasama ko sa table, napangiwi lang ako. Wala dito yung mga nakakausap ko sa University eh, kaya parang mag-isa lang din ako.

Saktong pagkalingon ko sa kaliwa ay nandoon si Elijah, napatulala ako sandali. Parang wala na tuloy akong naririnig na kahit anong ingay. Buong atensyon ko nakuha niya agad.

Hanggang sa nagsayawan na, nakita ko naman siyang may kausap ng lalaki, sino naman yon? hindi pamilyar sakin. Nagtatawanan pa sila.

Dati babae lang naman ang pinagseselosan ko ngayon pati na lalaki. Napanguso ako at sumayaw sayaw pa silang dalawa pero may mga kasamang mga babae, kaya mas lalo akong nainis. Hindi manlang niya ako hinanap!

Napatingin naman ako kay Candace na kasama ang mama niya tapos si Rave, marami talaga akong itatanong sa kanya, magkapatid sila ngayon? grabeh nakakagulat talaga ang mga nangyayari sa atin minsan.

Mas ikinagugulat ko pa din hanggang ngayon ay bakla ang crush ko!

Sumayaw sayaw ako habang lumalakad papunta sa kanila, tapos nakikisabay din sa mga sumasayaw. Nong malapit na ako sa kanila ay agad ko siyang hinila paharap sa akin. Mabuti nalang talaga na halos lahat ng shs student ay invited.

He's gaily dressed like a KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon