Block

114 13 7
                                    

"Are you sure you'll be fine?" Napatingin ako kay Mike. Binigyan ko siya ng isang ngiti tapos tumango kanina pa siya dito sa akin sa balcony, sinamahan niya akong tumambay. Ilang araw na nga siyang nandito. Hindi na din kasi ako pumasok simula nong inaway ako ng baliw na ex ni Elijah.

"Okay pero babalik naman ako agad kasama na si dad." Nakangiti niyang sabi tapos lumakad na siya palayo at pinagmasdan ko lang siyang lumabas ng kwarto ko. Ayos naman kayna mommy at daddy na nandito ang kapatid ko kay daddy Park. Wala namang naging problema mas gumaan nga siguro para sa kanila.

Pero sobrang magulo ang isipan ko ngayon lalo na pag napapatingin ako sa cellphone ko ring ng ring kanina pa tumatawag si Elijah sa messenger pero hindi ko magawang masagot. Hindi ako nagagalit dahil sa ginawang eksena ng ex niya, nahihiya ako sa kanya. Sobrang nahihiya ako sa ginawa ko, bigla ko lang siyang sinampal dahil para sa akin para hindi ako mahirapan na sumama kay daddy Park.

Pwede namang pag-usapan diba pero bakit parang gusto ko wala lang muna siya kapag sumama ako kay daddy. Walang nakasabit na ewan hindi ko maintindihan ang sarili ko. Parang gusto kong makawala gusto kong makalaya.

Tinignan ko ang cellphone ko tapos tinignan ang mga posts, simula ang eskandalong yon. Biglang nag-viral ulit si Elijah maraming nagsasabi na malas siya, sayang daw siya tapos nakakadiri daw. Sobrang bata pa daw niya sana daw magbago siya. May iba naman humihiling na magiging lalaki pa siya. 

Ngayon ko lang din napansin na marami pala akong message requests yong iba galing sa viral na video ni Elijah yong ginuhit niya ako hinanap pala din nila ako. Pero nakakalungkot lang na meron ding nag-iiwan ng mga messages na sayang daw ako bakit sa bakla pa, yon yong mga recent na messages na natatanggap ko.

Yong iba naman ni-mention pa ako sa litratong kumakalat ngayon kay Elijah yong pinipiglan niya ang ex niya. Pero naisip ko din kung nakasira ba talaga ako ng relasyon o nasira ko din ba si Elijah dahil naalala ko ding sinabi niya na naguluhan siya sa sarili niya, ako din ba ang may kasalanan? 

Masiyado ko bang pinipilit ang sarili ko sa iba? sa iba na hindi naman kayang ibigay sakin ang mga hinihingi ko o pinipilit ang mga bagay na hindi naman para sa akin. Napahawak ako sa paint brush ko. 

Nakinig nalang sana ako kay Candace sa una palang? pumasok ako sa loob tapos kinuha ang tablet ko na nasa study table tapos humiga sa kama. Lahat naman ng sinabi dito sa Aries sign ko totoo naman zero love life. Zero nga ba? o kulang lang talaga sakin.

"Kung hindi ko ba nalamang bakla ka hindi tayo magiging close," inis kong sabi sa litrato ni Elijah. Namimiss ko siya pero hindi na katulad ng dati.

Hindi ko alam anong nangyayari sakin at sobrang bilis din. Tuwing hindi ko siya nakikita nababaliw ako ngayon parang kumakalma na ako. Hindi ko na siya gaanong hinahanap sa mga araw na hindi ako pumasok.

"Anong nangyayari sakin?"

Excited lang ba ako ngayon dahil nakilala ko sila daddy Park?

Grabe hindi ko pala talaga pwedeng itulad ang kwento ko sa mga palabas o sa kahit anong libro, walang pause at stop tapos rewind.

"Kung sinabi nalang sana sa akin ni mommy noon pa," bulong ko. Eh di sana hindi ko na hinabol pa ang atensyon nila. Hindi ko na rin sana itinuon ang buong sarili ko sa isang tao para lamang makalimot sa sakit at pasayahin lamang ang sarili ko.

Dahil tignan niyo ako ngayon nalilito na ako sa sarili at nararamdaman ko.

"Mabait naman sila daddy park noh hindi naman nila siguro ako sasaktan."

Huminga ako ng malalim nakabili na kami ng airplane tickets din eh. Napaupo ako tapos ginulo ang buhok ko. Para akong tinali na ibon tapos ngayon atat ng lumipad.

Napatayo ako tapos napatingin sa painting niya, napangiti ako tapos napailing-iling. Naalala ko tuloy yong LG namin, hindi na ako nakakapunta don ah pati din siya.

Sabi ni Mike hindi ko naman daw kailangang lumipad papuntang Korea para hanapin ang sarili ko. Dahil nasa sarili ko mismo iyon mahahanap. Nakakatawa nga eh dahil lahat daw sila naniniwala sa Diyos na nasa langit.

Ako kailan kaya? oo, naniniwala ako sa paraang alam ko.

Kinuha ko ulit ang tablet at nakita kong nag-send ng picture si Elijah siya na nagpapa-cute tapos hawak niya ang paint brush niya.

"I wuv you." Pagbasa ko sa bago niyang message na kasama ang litrato.

Napalunok ako at napaisip kung may sakit ba ako ngayon? Anong nangyayari sa akin? Pakiramdam ko naman ako yong na-hospital hindi si mommy.

Wala na siguro akong pakealam sa love story nila, hindi ko naman yon mababalik eh. Hindi ko naman mabibisita ang timeline nila.

Sa kakahabol ko ng pagtingin at atensyon sa iba hindi ko na kilala ang sarili ko minsan. Hindi ko alam kung masaya ako ngayon ay masaya talaga ako. Kung nalulungkot ako o nalulungkot talaga ako. Parang sira na din yata ang emosyon ko.

Napakunot naman ang noo ko nong biglang may nag-tag sakin sa fb agad ko namang binisita tapos tinignan, its Elijah.

A video

Napasinghap ako at napasapo sa labi ko.

"Hi Riceah Bernardo." Kumirot bigla ang puso ko nong marinig ko ang boses niya. His cold eyes sobrang sumisikip ang puso ko. Dahil ba sa kilig o lungkot hindi ko na alam.

"Sorry na, pwede bang replayan mo na ako?" Napangiti ako dahil biglang naging parang bata ang tono ng boses niya.

Tapos nakita ko siyang humawak sa batok niya.

"Pag ikaw hindi nag-reply, tignan mo." Tapos seryoso siyang tumingin sa camera. Nasa bahay ba siya ng tita niya sana naman hindi na muna siya guluhin ng papa niya. Sana din gumaling na mga pasa at sugat niya.

"Sabihan niyo naman girlfriend ko na mag-reply na siya oh,"

Napanguso naman ako pag ito nililinis lang niya pangalan niya sa. nga viral na photos. Naku talaga.

"Im sorry Rice," sabi niya at sabay yuko sandali.

Napapikit ako ng mariin.

"Riceah nga pala pangalan ng girlfriend ko wag niyo siyang tatawaging Bigas ah mahal yan eh" Napaawang ang labi ko sa sinabi niya

Parang naalala ko tuloy mga ginawa ko. It really all started when I choose to pretend to be his girlfriend. When we chose to lie.

"Maharlika, Mahalia Jackson," sabi niya pero  hindi ko alam ano sinabi niya, lugar ba yon at pangalan? ",kita" dagdag pa niya.

Anong ibig sabihin non? Marami na talaga siyang alam ah. Hindi ko tinapos ang video at nagbasa ako sa mga nag-comment agad yong iba hindi taga Worthsen parang fan lang siguro niya. Mabuti naman walang bashers na naunang nag-comment

"May forever sa bakla." Pagbasa ko sa unang comment, natawa maman  ako ng mahina. May forever daw.

"Ang swerte naman ng girl," sabi sa pangalawang comment. Pinagmasdan ko ulit siya habang naka-pause ang video.

Huminga ako ng malalim. May mga bagay talagang dumadaan sa atin na hinihingi at hinihiling lang natin dati pero nong hawak na natin bakit habang tumatagal parang naluluma na sayo?

Bakit din nga ba ako nag-iisip ng mga ganyan? Yan na ba ang nararamdaman ko ngayon?

Hindi ko alam kung bakit pero bumisita ako sa timeline niya tapos pumunta ako sa pangalan niya at sa options.

Blocked.

Huminga ako ng malalim at napailing-iling.

Crush na crush ko si Elijah pero ngayon parang naramdaman ko na sa kwento ko, ako lang dapat. Ako muna.

Dumaan lang siya sa bawat pahina ng buhay ko. Hanggang don lang,

Hanggang don lang muna.

--

He's gaily dressed like a KnightWhere stories live. Discover now