Future

107 14 2
                                    

"Tignan mo don oh," sabi ko na parang bata at tinuro ang mga bituin. Para kasi siyang gumuguhit ng simbolo ng Aries. Ang ganda naman dito tumambay sa labas ng bahay ng auntie niya dahil marami ang mga bituin ngayon.

"Anong nakikita mo?" tanong ko habang nakatingin pa din sa langit. Hindi lang muna ako uuwi sa amin bukas na kasi sasamahan ko na muna siya. Masakit pa din ang buong katawan niya pakiramdam ko nga ilang araw siya magtitiis sa sakit at hapdi na bigay ng papa niya. 

"hmm kahit ano lang don nga oh parang may nagtitinda ng ice cream." Natatawa niyang sabi at napangiti ako kahit hindi ko nakikita.

"Hindi mo makita noh?" Nakangisi niyang tanong mas umusog pa siya palapit sa akin, nakaupo lang kami sa isang bench na gawa sa kawayan, inakbayan niya ako tapos tinuro niya sa akin ang mga bituin na nakikita niya.

"Parang bata naman yong nakikita ko eh," sagot ko, grabe na itong imaginations namin.

"Oh ayon nakita mo bumibili siya ng ice cream." Natatawa niyang sabi tapos napanguso ako. Hindi ko kasi makita

"Niloloko mo ako," sabi ko na parang bata

"Hindi nga oh tapos may mga nagpapalipad ng saranggola." Napataas ang isang kilay ko, grabe na yang mga naguguhit niya sa langit. Simbolo lang naman ng Aries ang nakikita ko.

"Ay may isang babae don oh tinitignan yong mga bata." Napatingin ako sa kanya at napatulala sandali. 

"Nanay siguro nila." Nakangiti niyang sabi sa akin. Umiwas ako ng tingin tapos tumingin ulit sa langit.

"May lalaki din pala nakayakap sa babae," rinig kong sabi niya

"Gusto kong makita hindi ko makita." sagot ko

"Kasi gagawin natin yan sa future hindi mo kailangang makita  ngayon" Natigilan ako ulit sa sinabi niya. Future?

"Riceah?" Pagtawag niya sa pangalan ko

"Hmmm?"

"Nakita mo na ba ako sa future mo nong nagkaroon ka ng crush sakin?"

"Oo naman!" agad kong sagot pero bakit biglang kumirot ang puso ko.

"Talaga? yong pakiramdam na parang fast forward sa isang movie?" tanong niya at napanguso ako kasi hindi ko maintindihan. "Yon kasi yong nakita ko kanina habang naglalakad tayo." 

Huminga ako ng malalim at napaisip bigla, naisip ko na ba talaga siya sa future ko? Kung naisip ko man bakit parang hindi ko maalala ngayon pero ganon pa din naman ang nararamdaman ko sa kanya. Talaga bang may kulang?

"Isa lang nakikita ko sa langit." sabi ko

"Ano?" 

Iniba ko lang talaga ang usapan

"Aries yong simbolo ng Zodiac sign ko," nakangiti kong sabi

"Naniniwala ka ba sa mga horroscope o signs hindi noh?" tanong ko tapos sagot ko din. Parang napag-usapan na din kasi namin ito.

"Hindi ko alam, naniniwala ka bang may Diyos sa pinakataas. Lampas sa langit na nakikita natin?" Napatingin ako sa kanya

"Hmm hindi ko din alam," sagot ko

"Paano niya kaya tayo sinusulat noh?" rinig kong tanong niya

"Pero alam mo o napapansin mo ba lahat ng mga kulay, halaman at mga bagay na nakikita natin sa paligid ay tumutugma. Parang nasa tamang tono kung ikukumpara siya sa isang kanta," sabi niya

Hindi ko naman maiwasang mapatulala sa sinabi niya. Oo nga noh.

"Parang ako tugma sayo." Natatawa kong sabi

He's gaily dressed like a KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon