Boyfriend

86 10 0
                                    

Dati nasa panaginip ko lang na isang araw gigising ako na katabi ang taong gusto kong makasama, sa lungkot at saya. Hindi ko mapigilang mapangiti, mas pumogi pa siya ngayong natutulog siya ng mahimbing, kanina ko pa gusto tumili lalo na kung naalala ko ang nangyari kagabi, pero baka magising ko siya.

"Good morning crush" pabulong kong sabi habang nakatakip ang bibig ko, dahil bagong gising lang din ako. Bumangon na ako dahan-dahan at dumiretcho na ako sa labas, nakita ko namang gising na si mama. Nagpaturo ako agad kung saan ang cr at naghimalos na ako agad.

"Tulungan ko na po kayo." nakangiti kong sabi kay mama habang pinagmamasdan ko siyang nagluluto ng almusal.

"Ako na dito anak, hindi ka pa ba hinahanap sainyo?" nakangiting sabi ni mama, umiling naman ako.

"Nakatulog ka ba ng maayos? baka masakit yang ulo mo?" sunod niyang tanong at umiling ako ulit bilang sagot,

"Naku, gusto mo talaga tumulong noh?"

Natawa naman ako sandali at napatango, nahiya pa ako. Wala gusto ko lang din maranasan na ipagluto siya.

"Naku alam mo ba mahilig si Elijah ng prinitong itlog." natigilan naman ako sandali ni mama, napailing-iling agad ako. Iba kasi yong naisip ko, minsan kailangan kong i-reboot tong utak ko.

"May problema ba?" tanong ni mama

"Ahh wala po hehe." sagot ko kaagad

"Lalo na kung may mga sangkap gaya ng kamatis. Naku lakas kumain yon." dagdag pa ng mama niya, napangiti naman ako. Hindi ko alam yon ah, sa ilang taon ko siyang crush ngayon ko lang atah siya mas makikilala.

"Gusto mo ba siyang ipagluto?" tanong ni mama

"Ahh gusto ko po sana." nahihiya kong sagot

"Hmm sige, tulungan kita. Marunong ka ba?" tanong ni mama, marunong pero hindi din kagalingan.

"Pero wala ng itlog, kailangan pa bumili." natatawang sabi ni mama

"Ahh okay po, ako na po bibili." pagpresenta ko kaagad

"Sige, sa malapit lang na tindahan." nakangiting sabi ni mama at lumabas na ako agad tapos nakahanap naman ako agad ng malapit na tindahan.

"Itlog po ate." sabi ko kaagad sa tindera,

"Ilan?" tanong ng bantay at nag-isip pa talaga ako.

"Tatlo po ate." nakangiti kong sabi, ginagawa ko talaga toh noh, tapos bumili na din ako ng toothbrush tapos toothpaste. Pagkatapos kong bumili ay bumalik na ako agad sa bahay nila. Naghinfay lang naman si mama sa kusina,

"Sige pagmasdan lang kita." nakangiting sabi ni mama, tapos nagsimula ako sa pag mga itlog at naghiwa ako ng kamatis at sibuyas.

"Mabuti naman marunong kang magluto, gusto ko talaga pag pipili sila ng magiging asawa nila yong marunong magluto at syempre aalagaan sila, katulad ng ginagawa ko." nakangiting sabi ni mama,

"Hindi po ako magaling magluto." natatawa kong, sabi habang hinahalo ang itlog at mga sangkap.

"Gusto ko talaga magkaroon ng normal na buhay at pamilya si Elijah." natigilan naman ako sa sinabi ni mama, napalunok naman ako.

Inalalayan naman ako ni mama kung saan ako magluluto.  Madali lang naman siya lutuin, ito pala gusto niya. Ako kaya kailan niya magugustuhan?. May bond na kami ng mama niya. Pagkatapos ay tinulungan ko si mama na mag-ayos sa mesa, marami na nganv niluto si mama. para ngayong almusal, kaya sana kainin toh ni Elijah.

"Oh kumain na kayo mabuti naman at gising na kayo!" masiglang sabi ni mama tapos napatingin ako kayna papa, at tito niya

"Umuwi ba si Elbert?" tanong ni papa

He's gaily dressed like a KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon