Letter

79 11 0
                                    

"Last one." nakangiting sabi ng make up artist ko, napangiti ako sa harapan ng salamin. Napakaganda ko naman sana araw-araw.

"Mukha kang koreana ma'am" nakangiting sabi ng make. up artist. Natawa naman ako sandali tapos napailing-iling.

"Hindi po ah" sabi ko,

"Medyo chinita po kayo napansin ko lang." nakangitin niyang sabi, kinilig naman ako. Sana totoo. Pero walang intsik sa pamilya namin noh.

"Magaling lang po talaga kayong make up artist." sabi ko at napatingin sa buhok ko, pina-curl ko lang siya. Pagkatapos akong ayusan ay dumiretcho na ako sa isang silid kung saan nakita ko ang gown ko na kulay salmon pink. Kinikilig ako,

Maraming tumulong sakin para maisuot ko ang gown, medyo nalulungkot lang ako kasi wala si mommy. Gusto ko kasi nandito din siya, katulad ng ginawa niya kay Ate. Palagi siyang nandoon. Pero nandito na naman sila diba? ngayong espesyal na araw.

"Kamukha mo po mommy niyo." nakangiting sabi ng staff,

"Marami po nagsabi." nakangiti ko ding sagot sa kanya

Hinintay ko lang na tawagin ang pangalan ko. Finally Im 18, with a classic theme. Napatingin ako sa kamay ni Elijah, mabuti naman hindi siya late. Tinanggap ko ang kamay niya at inalalayan niya ako makapunta ng stage.

"Ang gwapo mo naman crush." pabulong kong sabi

"Nasaan sila mama?" tanong ko at nakita ko naman sila agad, kinawayan ko naman sila.

"Ako? hindi mo ba ako sasabihan na maganda ngayong gabi?" tanong ko, wala lang nangungulit lang.

"You're always beautiful." nakangiti niyang sabi, naramdaman ko naman na nag-init ang magkabilang pisngi ko.

"Pero mas maganda nga lang ako." napasimangot naman ako sa pahabol niyang sinabi, tumawa lang siya ng mahina.

"Wag mo akong binibiro diyan crush, gwapo ka lang dapat." parang bata kong sabi

"Paano yan? matakutin at malambot ako, ayaw. mo na sakin niyan?" tanong niya, pinagmasdan ko naman siya

"Ilang taon Elijah. Ilang taon." sagot ko lang, kasi itatanong pa niya. Eh di sana matagal na akong tumigil noh.

Narinig ko kaagad ang palakpak ng mga tao, nong nasa stage na kami ay inalalayan niya akong makaupo at ayusin ang gown ko, tapos tumayo siya sa gilid ko. Ang pogi ng escort ko.

"Here's Mr. Bernardo to welcome all of us to their lovely princess 18th birthday" Sabi ng emcee at nagsimula na akong kabahan, dahil lang minuto na ang lumipas hindi ko nakikita si daddy. Lumuhod sa gilid ko si Elijah at hinawakan ang kamay ko.

"Mr. Bernardo?" pag-uulit ng emcee, napayuko ako.

"Okay baka si mommy?! Mrs. Bernardo?" huminga ako ng malalim, napatingin ako sa mga tao na lumilingon lingon din sa paligid. Hindi ko din makita si mommy. Napalunok ako, hinawakan ng mahigpit ni Elijah ang kamay ko.

"Mommy? daddy?" pagtawag ng emcee, hindi ko na agad napigilan pa ang luha ko.

"Okaaay, so Tito, tita diyan?"

Mas lalo akong nainis sa emcee, huminga ako ng malalim, napalingon lang ako kay Elijah.

"Iiwan mo din naman ako diba?" tanong ko sa kanya, napakunot ang noo niya sakin.

"Hey, nandito lang ako. Inhale." sinunod ko naman siya tapos exhale. Pinunasan niya ang luha ko gamit ang kamay niya.

"After 30 days?" tanong ko.

"Hindi ko na nga naisip yan." sagot niya, hindi ko na kaya, tumayo ako at hinablot ang kamay ko. Tumakbo ako at narinig ko ang mga pagtawag ng mga tao sakin. Tinanggal ko ang sapatos ko at lumabas ng venue.

He's gaily dressed like a KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon