Too

80 11 3
                                    

Kay ganda talaga ng umaga ko, pagkagising ko ba naman ay nakita ko agad crush ko, pero bakit ganon wala siyang soot na shirt, ang hot. niya tuloy tignan habang nag-paint. Napanguso ako, tapos palihim na kinuhanan siya ng picture. Eh kaso may flash.

"Huli ka. i-delete mo yan ah!" sabi niya agad, napairap naman ako

"Ang ganda nga ng pagkakuha ko." sabi ko tapos na-realize ko naman na kagigising ko lang kaya medyo nahiya ako.

"Natulog ka ba?" tanong ko naman

"Mamaya," sagot niya napaawang ang labi ko

"Matulog ka na hoy, 6 am palang naman. dali opagluto kita ng paborito mong itlog." natatawa kong sabi, bakit ba kasi itlog.

"Tss." tapos bigla siyang nahiga sa higaan, tapos pumikit agad. Hays, kawawa namang bata. Bumangon ako at napatingin sa paintings niya, grabeh kahit gaano siya kapagod ang gaganda pa din.

Napatingin ako sa kanya, tapos napangiti. Inayos ko muna ang mga paint brush at mga ginamit niya. Tapos tinapon yong mga kalat. Pagkatapos ay nag-selfie ako habang siya ay tulog.

Oy, first selfie namin toh, tama ba? kung hindi kasama ang mga imaginations ko haha. Pagkatapos ay bumaba na ako tapos sinalubong si mama sa kusina na nagluluto na.

"Ipagluluto mo ba si Elijah?" natatawang tanong ni Mama, napangiti naman ako.

"Mama alam niyo na agad." sabi ko tapos mabuti nalang ay may itlog na sila tapos mga sangkap.

"Hay naku anak mabuti nalang nandito ka, nandiyan ka para kay Elijah, alam ko kasing magulo ang isipan niyan ngayon." napatingin ako kay mama habang hinihiwa ang kamatis, napakunot naman ang noo ko.

"May problema po ba?" tanong ko

"Hindi pa ba na-i-kwento ni Elijah sayo?" tanong ni mama, umiling naman ako

"Ma-sekreto talaga ang batang yon, nag-away sila ng papa niya, gusto kasi ng papa niya ay pumasok siya sa military."

Napatango lang ako sa sinabi ni mama

"Eh simula bata palang si Elijah, alam ko ng malambot siya, alam mo na. Hindi na nga ako umaasa na magiging lalaki pa siya hanggang sa makilala ka namin." pagkwento ng mama niya, nahiya tuloy ako.

"Wag mong iiwan si Elijah ah, hindi man kami nagkakasundo pero mahal na mahal ko siya." tumango ako sa sinabi ni mama

"Hindi ko po siya iiwan." nakangiti kong sabi tapos tinapos na ang aking pagluluto tapos nagtimpla din ako ng gatas.

"Baka mamaya pa po magising yon," sabi ko

"Oo masiyadong pinupuyat at pinapagod ang sarili." sagot ni mama

"Mamaya pa din yon uuwi si Elbert papa naman niya masakit ang ulo nalasing kagabi."

"Sabay nalang po tayo kumain ma." sabi ko naman at kumain na kami ni mama, tinabihan lang namin sila ng almusal tapos nakigamit na ako sa banyo nila ulit, para mag-ayos at makauwi na.

"Hindi ka ba magpapaalam muna kay Elijah?" tanong ni mama habang sinusuklay ko ang buhok ko, pagkabalik ko kasi sa kwarto niya tulog pa din

"Hindi na po, i-chat ko nalang po siya." nakangiti kong sabi, mahimbing pa naman ang tulog ayokong istorbohin.

Lumabas na ako at lumakad na papunta sa sakayan ang weird nga eh kasi bago ako makasakay ng jeep may tingin ng tingin sakin na lalaki, mukhang pamilyar pero hindi ko na pinansin pa kasi nakakatakot.

: nakauwi na ako, i wuuv youuuuu

Chat ko sa boyfriend ko tapos nahiga sa kama ko, mabuti nalang wala sila mama pagkauwi ko, si ate naman tulog pa daw. Nanghingi naman ako ng update kay Joberto sa video namin. Baka hindi ako makamoving up dahil sa kanya eh.

He's gaily dressed like a KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon