Pink

69 10 0
                                    

Hinintay ko lang na mag 1:30 pm at lumakad na ako tapos gumamit ng elevator papunta sa 6th floor, papuntang testing area. Pagkarating ko ay marami na ang mga contestant na nandoon, napatulala naman ako nong nakita ko si Janice, nagpapatulong pa atah sa canvas niya.

Binigyan naman ako ng number ng isang guro namin kaya pumunta ako sa canvas na merong number 6 na nakasulat. Umupo na ako doon sa harapan, kumpleto nga ang mga kagamitan namin. Ilan lang siguro ang magagamit ko diyan.

"You will be painting something or someone that makes you still in-love." napatingin kami sa guro na nasa harapan namin.

"Makes you inspired everyday. Gusto namin makita iyon sa paintings niyo."

Napalunok ako, ano nga ba? maliban kay Elijah. Napanguso ako at napatingin kay Elijah na nasa gilid namin.

"Judges will be roaming around para mag-observe sainyo at bigyan kayo agad ng scores."

Pwede bang mamaya nalang sila maglibot? nahihiya ako eh. Nahihiya ako sa pwedeng magawa ko.

"The timer starts now." sabi ng guro namin tapos nakakita ako ng scale sa harapan. Huminga ako ng malalim may limit time pa. Napanguso ako. Hindi kaya kami ma-pressure lahat tapos may manonood pa habang nagpipinta kami?

Napatingin ako kay Elijah na nag-umpisa ng maglibot, hindi ko napigilan ang ngiti ko. Naalala ko kasi ang mga araw na yon. Natigilan naman kami lahat pero sandali lang iyon dahil may narinig kaming announcement.

"The next entry song is Bumaba composed by Marycone Aora."

Tapos napakunot ang noo ko nong nakarinig ako ng tunog ng gitara, ito atah yung pa-contest ng Music club hindi ba kami ma-distract niyan? napatingin naman ako sa ibang contestant mukhang seryoso lang naman sila.

Huminga ako ng malalim at nagsimula akong mag-sketch at pinakinggan ang kanta,

"Kahit ang langit, pati na mga bituin
ay hindi sang-ayon sa akin"

Napasulyap naman ako kay Elijah, napangiti ako ulit. Nasasaktan na naman ako, sa hindi malamang dahilan. Masaya naman pero bakit masakit.

"Palaging hinihiling, bigyan sana ng pansin
pero bakit kailangan pang gawin.."

Binabalik na naman ako sa mga araw na nakilala ko siya, posible ba yon? na sa ibang tao mo maramdaman ang rason kung bakit ka nabubuhay? Ang tahanan na sinasabi nila, I've always felt home pag nasa tabi niya ako. Posible ba yon, hindi ko maramdaman sa mga magulang ko ay sa kanya ko nararamdaman. Yong saya kahit puro lang ako habol sa kanya?

"Sa sarili pilit lamang masasaktan,
Kailangan ng gumising sa katotohanan."

Mas hinabol ko ang atensyon niya kesa sa pamilya ko.

"Bumaba na sa kalilipad ng isip, na magiging tayong dalawa, bumaba na"

Natigilan naman ako nong nagtama ang mga tingin namin, at tuluyan na akong nahila pabalik sa mga araw na yon.

"You're such a disappointment!" sigaw ni daddy at halos mapaigtad ako sa lakas ng boses niya. I just got home with my 2.0 average. Halos punitin niya ang card ko. I did my best dad.

"Bakit hindi ka nalang tumulad sa kapatid mo?!" napatingin ako kay Ate at mommy na pinagmamasdan lang ako.

"Sorry dad Ill do better--"

"Just quit! Walang kwenta!" sigaw niya, iniisip ko nalang na baka mainit lang ang ulo niya ulit. Baka may nangyari sa business namin o di kaya sa palayan sa probinsya, tanggap ko na naman eh na oalagi saking binubuntong ang galit niya.

He's gaily dressed like a KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon