Call

80 12 1
                                    

Ilang araw na din akong maagang nagigising dahil gusto ko ako magluto lagi ng almusal, dahil kasama na doon ang luto kong pangtanghalian para kay Elijah, kaso lang mukhang nabi-busy na naman siya sa school works at mga gawain sa Art club.

"Hmm sana naman tanggapin niya na toh.",inis kong sabi at sinara na ang lunch box, pang-ilang offer ko na toh sa kanya, minsan naman hindi ko na siya naabutan, minsan naman busog na daw siya. Pero kahit pa noh dapat tinatanggap niya, sayang effort ko dito eh.

Kailan ko kaya siya mapapa-in love, pakiramdam ko mauubos nalang ang 30 days hindi pa din.

Sinubukan ko naman itong mga nakaraang araw na maghanap ng mas pogi pa sa kanya, may mga nagcha-chat din naman sakin, pasok din naman sa mga specific na ideal ko talaga. Pero iba si Elijah eh,

Yung tipong, siya yong labas sa ideal ko pero siya ang gustong gusto ko.

"Bye Ate!" pagpaalam ko sa mga nasa bahay at lumabas na ako, lumakad ako agad na may ngiti sa labi. Siya nalang nagpapagaan ng buhay ko araw-araw.

Nong nakarating ako ng University ay dumiretcho ako agad sa upuan ko, inilagay ko naman sa upuan niya yong lunch box with love na gawa ko. Nakita ko naman siya agad, kinawayan ko naman siya.

Pero hindi niya ako pinansin kinausap lang niyabyung presentative ng class namin tapos lumabas, napaawang ang labi ko. Saan pupunta yon? nalungkot naman ako agad, pag magkaroon ulit ako ng time sa kanya na masolo siya, hmm lulubusin ko na talaga ng todo.

"Excuse daw ngayon si Elijah, may gagawin sa Art Club." sabi ng presentative namin tapos may hawak siyang letter. Napabuntong hininga naman ako. Masasayang na namna tong luto ko. Di baleh nalang.

Pagkatapos ng klase namin ay dumitetcho na ako sa LG. Umaasang makikita ko siya don pero wala siya. Napabuntong hininga ako, namimiss ko na siya.

Nakita ko naman si Candace na may kausap kaya hindi ko na muna nilapitan. Napanguso ako at napatingin sa mga litrato at kung gaano kalakas ang faith nila. Napabuntong hininga ako, kung hindi sumali si Elijah dito, hindi talaga ako papasok.

Nong wala ng kausap si Candace ay nilapitan ko na siya ay agad akong lumakad papunta doon,

"Gorl!" sigaw ko pero agad kong tinikom ang bibig ko kasi napalingon ang lahat sa akin, itong bibig ko talaga.

"Oh bakit?" tanong niya, parang galit naman agad.

"May party ulit." kinikilig kong sabi, narinig ko lang din sa paligid, yong 10 minutes kasi magpa-party, hindi ko alam kung alam ba ng Worthsen ang tungkol diyan o alam nila pero hinahayaan lang talaga nila dahil sa pera.

"Oh? ano naman?" mataray niyang tanong, napanguso ako

"Punta tayo, after nito sige na." sagot ko na parang bata, bored kasi ako wala si Elijah

"Ikaw talaga, sinasama sama mo na naman ako." sabi niya, eh wala akong makitang iba dito na pwede ko nalang mahila.

"Oy, ito naman 18 ka na dapat i-enjoy mo na, ako nga eh next next month pa ako mag 18" sabi ko naman, dapat lubusin na niya nasa legal age na siya eh.

"Sige na ha?" pangungulit ko

"Kailangan ko pang magpaalam kay mama." sagot niya, sana all may mama.

"Hay naku, amen." sabi ko at pinagtapat ang magkabilang palad ko.


Kinabukasan ay ganon pa din ang ginawa ko kahit pa sobrang sakit ng ulo ko dahil sa party, pagwala siya, wala talaga akong gana. Pagkarating ko ng University ay hindi na muna ako pumasok sa classroom namin. Dumiretcho ako ng Art club. Kasi baka dito maabutan ko pansiya at maibigay itong gawa ko.

He's gaily dressed like a KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon