Oppa

71 12 0
                                    

"Good morning class. Ahh Elijah? can you come here in front." napalingon naman ako kay Elijah na tumayo tapos sumunod sa sinabi ng teacher namin, bakit naman kaya? Napaayos nalang ako ng upo. Tapos may babaeng biglang pumasok sa classroom namin.

"Everyone, this is Janice Montero, your new classmate." nakangiting sabi ng guro namin, napatingin naman ako sa mga boys na alam niyo na, maganda kasi siya. Parang anghel, teka mukhang pamilyar din nag mukga niya.

"Galing anong University ka before?" tanong ng guro namin

"Hillarian University po." nakangiting sagot ng babae, kahit ang boses mahinhin at anghel din.

"Well, may bakanteng upuan pa sa likuran pero for now, Mr. Soriano will tour you around muna dito sa University okay?"  napanguso naman ako bakit kasi palagi nalang yung crush ko? napabuntong hininga ako.

"Ma'am may magseselos po." natatawang sabi nong isa naming kaklase, inirapan ko lang.

Nakita ko naman ang babae na parang kinikilig nong lumapit si Elijah, napalunok ako. Baka naman magustuhan niya si Elijah agad?

"Quiet!" sigaw nong teacher tapos bunalik si Elijah sa upuan niya para lang kunin ang bag niya. Napangiwi ako,

"Ingat ka crush." pabulong kong sabi.

Buong klase ng umaga ay wala akong gana dahil wala si Elijah. Iniisip ko din baka ano na ginagawa nila ngayon. Ngayon lang ako sobrang na-insecure sa mga magaganda. Dumiretcho ako agad ng canteen at nakita ko sila agad, nagtatawanan tapos parang may binabasa na libro.

Lumakad naman ako agad palapit sa kanila, hindi ko alam para maaga ang atensyon niya ulit?

"Sayang talaga na puno na ang Art club." rinig kong sabi ng babae

"Hindi na ba pwedeng isingit ako?" pa cute na tanong ng babae na mas lalong kinainis ko. Tumigil naman sila at napalingon sakin si Elijah, napasilip naman ako sa libro. Hindi pala libro yun, sketch book pala.

"Asan na lunch ko?" tanong naman bigla ni Elijah, at napagtanto ko na wala. pala akong nagawang pagkain para sa kanya.

"Bumili nalang tayo." nakangiti kong sabi

"Hindi mo ako ginawan?" tanong niya

"Ehh kasi akala ko hindi mo gusto." sabi ko, nasanay kasi ako na nasasayang lang din mga gawa ko.

"I know you." napalingon naman ako sa babae

"Ikaw yung drawing ni Elijah sa blackboard?" tanong niya, parang ayoko siyang sagutin. Parang nabwebwesit ako sa kanya.

"Girlfriend ka ba niya?"  tanong nong babae

"Ahh--"

"Sayang naman." hindi pa ako nakakasagot ay sumabat na agad siya. Anong sayang don?

"Kung ako sana nauna niyang nakilala." nakangiti niyang sabi, hindi ko alam pero medyo nakakairita.

"Just kidding." natatawang sabi niya. Gusto ko siyang sipain sa totoo lang. Hindi ko alam, naiinggit ba ako?

"Elijah! sabay na tayo." sabi niya bigla tapos linampasan ako tapos sumunod sa likuran ni Elijah. Alam naman niya noh na ako ang girlfriend? napabuntong hininga ako.

"Candace!" mabuti naman at nakita ko sila Candace at Luke.

"Sabay na ako saimyo ulit." nakangiti kong sabi tapos umupo sa harapan nila, sakto lang na yong jatabi nilang table, ay table nila Elijah.

"Nakabili na kami ng pagkain. ikaw ba?" tanong naman ni Candace

"Ay hindi na, diet ako." walang gana kong sabi

He's gaily dressed like a KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon