Appa

73 11 2
                                    

The next day, nagagawa pa ding magbiro sa akin ng tadhana. Kung kailan sobrang galit ako sa mga ginagawa nila, bigla namang naisugod si mama sa hospital. Nakatanggap lang kami ng tawag kay daddy na nasa hospital si mommy.

"Bilisan mo manong Lito!" inis na sigaw ni ate. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Dahil nalilito ako, ayokong magkaroon ng pakealam sa kanila dahil wala naman silang binibigay na pake sa akin. Parang gusto ko ngang sabihin na sana dalawa nalang sila nasa hospital. 

May mama at papa nga ako pero parang wala sila dito, parang mas daig ko pa ang mga namatayan o nawalan ng mga magulang.

"Mommy.." Napatingin ako ako kay ate na ngayon ay umiiyak. Gusto ko atang sumaya ngayon, dahil nakikita ko siyang umiiyak. Napatingin ako sa cellphone ko, huminga ako ng malalim hindi ko pa nakakausap ulit si Elijah. Parang ayoko na munang makipag-usap o makipagkita sa kahit sino.

Pagkarating namin sa hospital ay nauna ng lumabas si ate at tumakbo papunta sa loob. Sumabay lang ako kay Manong Lito. Alam ko din naman kasi na walang balak si daddy na sabihan ako, kung pwede nga hindi na ako pumunta dito. Para hindi na ako ulit malito o masaktan.

"Kung pwede ay wag niyo sana siyang bigyan ng kahit anong stress." Napatingin ako sa doctor na ngayon ay kausap ni daddy. Nasa harapan kami ngayon ng room kung nasaan si mommy. May sakit yata si mommy sa tiyan, hindi ko alam eh dahil nalulutang ako ngayon. Si Ate naman ay nasa loob na. Hinihintay ko lang na sabihan ako ni daddy na pumasok na.

"Thank you doc." Umalis na ang doktor at hinarap ako bigla ni daddy.

"Your mom wants to talk to you," sabi ni daddy. Napakunot ang noo ko. Baka nagkamali lang ako ng dinig eh. Huminga ako ng malalim at napatingin sa room door ni mommy. 

"Bakit po?" tanong ko

"I don't know." Tapos iniwan ako ni daddy at pumasok siya sa room ni mommy, sumunod nalang ako sa kanya. Nakita ko kaagad si mommy na nakangiti sakin. Inirapan naman ako bigla ni ate sa hindi ko malamang dahilan. 

"Kailangan ba talagang malaman pa niya?" Napalingon naman ako sa tanong ni daddy kay mommy. Huminga ako ng malalim, ano nga ba ang dapat kong malaman?

"Please, hayaan mo na ako." Pakiusap ni mommy at napabuntong hininga lang si daddy tapos sabay sila ni ate na lumabas. Nakatayo lamang ako sa harapan ni mommy, nailang naman ako bigla. Ano ba sasabihin ni mommy?

"Kamusta po kayo?" tanong ko

Para namang natunaw ang puso ko nang makita ko si mommy na ngumiti. Pero natatakot ako, baka ano na naman kasi ang kapalit sa mga bawat saya at ngiti na nararamdaman ko. Inabot niya bigla ang kamay niya,

"Halika anak." Napatitig muna ako sandali sa kamay niya, hindi ko alam kung tatanggapin ko ito.  Inabot ko ang kamay niya at humigpit agad ang pagkahawak niya sa kamay ko.

"Mommy ano po bang nangyari sayo?" tanong ko 

"Don't worry about me." Nakangiti niyang sabi sa akin. Huminga ako ng malalim at napaiwas ng tingin. 

"Siguro, masaya ka na nandito si mommy sa hospital?" natatawa niyang tanong. Nagbibiro ba siya, nakaramdam tuloy ako ng guilt sa loob ko.

"Mommy naman." parang bata kong sabi

"Cause I felt it, na I deserve to be here." Nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi niya. Binitawan ko ang kamay niya tapos umupo ako sa gilid ng kama.

"Mommy, wag niyo pong sabihin yan." Parang gusto ko tuloy umiyak

"At first nong malaman kong buntis ako sayo, I wasn't happy. I wanted to have an abortion," sabi niya at napayuko ako sa sinabi niya. Alam ko naman simula nong nagkaroon ako ng isip at kaya ko ng gumawa ng mga stupid na desisyon, naramdaman ko na yon eh. 

He's gaily dressed like a KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon