Day 9 - Hate, Hate, Hate!

27 13 22
                                    

Nang sinilip ko ang butas ng kisame, konektado pala ito sa kwarto niya at nasilip ko si Sandy sa loob. Nahuli niya ako at bigla niya akong sinakal. Pinagbintangan pa naman niya akong maninilip dahil do'n! Eh, hindi ko nga alam kung anong meron doon. Hiningi ko kay Tita Daisy ang list ng mga tenants at yung floor plan ng building para masuri ko ito.

Grabe! Hindi naman niya dapat akong sakalin nang malakas. Kaya pala na nakakonektado sa kwarto niya yung butas dahil nasa itaas siya. Binasa ko rin ang mga impormasyon ng mga tenants na naka-stay in dito.

Room 304, Sandria "Sandy" Alvarez, Age 19. Room 205, Claudia "Claudy" Dela Cruz, Age 19. Sa pagkakatingin ko, ang room ng manager ay nasa pagitan ng kwarto nila Sandy at Claudy. Well, moving on. Room 302, Brianna Dominguez "The Swordswoman", Age 15. Room 301, Naomi Lynn, Age 13. Room 201, Vanessa Evans, Age 12.

*wham!*

"YIIEEEKKKK!!!!" 

Nakita ko si Sandy na galit na galit pumasok ng aking kwarto. Ang lakas pa ng kalabog ng mga paa niya na papasok sa loob.

"Pwede bang humingi ng favor? MANAGER!?" tanong ni Sandy at hinablot niya yung damit ko na parang gugulpihin niya ako.

"S-Sige."

"Una sa lahat, pakilampaso po lahat ng floorings mula 1st floor to 3rd floor."

"Lahat niyan?!" 

"Trabaho PO niyan ng isang manager."

Sinunod ko ang utos ni Sandy na trabahuin ang lahat ng gawaing bahay. Mas malaki naman to kaysa sa hotsprings. Minop ko ang buong hotel at ilang oras ay natapos ko na rin ito.

"Magluto ka!"

"Yes, ma'am!"

Buti na lang at marunong ako ng magluto kahit papaano. Pinagluluto ako ni mama sa bahay at sa kaniya ako natutunan na magluto. Pero ibang level na ito dahil ihahanda ko ito sa kanila.

"Maglaba ka!"

"Opo, madame!"

Pati paglalaba ay ginawa ko na rin ayon sa utos niya. Kaya ko bang labahin itong sandamakmak na damit na ito lalo na damit nila ito?!

"Pinturahan mo yung outer wall ng hotel!"

"YES?!"

Gumamit ako ng tali at nag-ala Superman  ako sa labas na napakadilim. Sinubukan kong pinturahin ang outer wall kaso bigla akong na-choke ng tali. Don't worry, buhay pa naman ako. Walang hiya itong si Claudy, nagawa pa niya akong utusan na pinturahin yung kabilang dingding.

"Guys, handa na po ang gabihan natin." wika ni Vanessa.

Masaya silang kumakain ng hapunan pero ayaw nila akong makisalo sa kanila. Nagugutom na ako at wala pa akong nakakain ngayong araw. 

"Eto. Kainin mo yan." nang-iwan si Sandy ng cup noodles sa tabi ko na trinato ako parang isang pulubi. Umiyak ako sa sulok dahil sa sobrang sungit nga sa akin.

"Ang demonyo mo ngayon, Sandy!" maski pati si Claudy napabilib sa kanya dahil sa kademonyohan niya sa akin.

Pagbalik ko ng kwarto, may nakalagay na letter sa labas ng pinto:

"Pumunta ka sa kabilang kwarto. Mamaya ka na bumalik kapag ayos na ang kwarto mo!"

Siguro si Sandy nagsulat nito. Okay naman din itong kwarto at may mini hotsprings pa. Nasa drum nga lang. Sinubukan kong maligo at nag isip-isip ng maraming bagay. 

⳾*⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*⳾

Nakakalungkot namang isipin na hindi ko inakala na wala palang good points ang pagiging isang manager. Ang lahat ng ginagawa ko ay sundin ang mga utos nila. Sobrang busy na hindi rin ako makapag-aral. Tsaka si Sandy... ano bang meron sa kaniya at ang sobrang mean niya sa akin? Considering na nasilipan ko siya sa kwarto na hindi ko naman sinadyang mangyare.

Wait... may naririnig akong nagsasalita sa ibaba. Nakita ko silang lahat na nasa hotsprings rin, nag-uusap.

"Ang tapang niya."

"Baka nawala na sa sarili niya." wika ni Sandy.

"Ha ha, agree ako sa'yo, Sandy. Ayaw ni Romeo na ma-humiliate sa sarili niya despite na ang dami mong pinapagawa. Dapat sumuko na siya, eh." sang-ayon ni Claudy sa kaniya.

"Sana sumuko na siya sa lalong madaling panahon. Yung 'Operation Patalsikin' natin parang hindi gumagana according to the plans."

Operation Patalsikin? Ayan ba ang plinaplano nila kaya nila ginagawa iyon? So ayun pala. Sa ibaba pala nito ay yung hotsprings na nilinis ko kaninang umaga. Plinano talaga nila iyon.

"Hindi ko talaga nahahanap yung dahilan kung bakit ko siya papatawarin." wika ni Brianna.

"Owwss?? Bakit naman?" tanong ni Naomi na bigla niyang niyakap si Brianna.

"Bastos siya at sinungaling. Basura ang pagkatao niya at sa pag-kakaalam ko na kapag hindi pa siya sumuko, magagawa ko talagang patayin siya."

"Gano'n ba? Nakakatuwa nga siya and parang gusto ko siya. Kapag tinignan mo siya in another way, meron naman siyang mga good points. For one thing na gagawin niya lahat ng utos naten na walang reklamo! And no matter how we humiliate him, hindi talaga siya susuko." tugon ni Claudy.

"Huwag mong sabihin iyan na parang ang severe. Napaka-egotistic siya! Ang dami nga niyang pictures na paulit-ulit na umabot na ng 200! Ayun na ba ang good points niya?"

GACK!!! Hindi naman niya kailangan na sabihin sa kanila ang sikreto ko!

*snaps!*

Huh? Naputol ang fence na kinakapitan ko lang kanina...

"AAAAAAAAAAAA!!!!!!!"

Buti na lang at may puno na makakapitan ko! Muntikan na akong mamatay dahil doon! Crap! Na-stuck ako dito na nakahubad... Pero kapag humingi naman ako ng tulong sa kanila, sasabihin naman nila na nambabastos ako! Anong gagawin ko?

"Wow naman ang laki naman iyan, Sandy!"

"Sige na. Pinakita mo nga iyan kay Romeo, eh."

Eh? Anong pinag-uusapan nila? 

Biglang bumewang puno na parang masisira na ito dahil sa sobrang kapit. AHHHH AHHHHHHHHHHHH!!!!!!

*thud!*

Ouch!! Huh? Nakaharap ako kay Vanessa at nakita ko silang lahat na patapos na maligo. Paiyak na si Vanessa na hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!" sumigaw siya at tumakbo paalis.

"ANONG KATARANTADUHAN ANG GINAGAWA MO!?"

As usual naman ang mangyayare. Binugbog nila akong lahat hanggang sa napalayas ako sa lugar na iyon. Bumalik na lang ako sa kwarto para makapagpahinga. Grabe ang unang araw ko bilang manager!

"Gising ka pa ba?"

Huh? Sino iyon?

"Napakawala mong kwenta. Hindi lang walang kwenta, kundi bastos pa. Hindi talaga ako makapaniwala sa'yo." Tumingin ako sa kisame at nagulat ako na parang kinakausap ako ng manika na nakasabit doon. Si Sandy pala iyon nasa itaas ng kwarto.

"Hindi talaga pwede ang lalaki na maging isang manager sa dorm ng mga babae. Bakit ayaw mo pang sumuko? You suck with girls anyway. Pinaiyak mo pa si Vanessa."

"Huwag mo ngang sabihin iyan! Yung plinaplano niyong Operation Patalsikin na wala namang sense! Tsaka yung pagsabi mo ng sikreto ko sa kanila!"

Bigla akong binato ng ewan itong si Sandy sa mukha. Ang sakit iyon ha!

"Nakakahiya ka talaga. Maglagay ka na lang ng band-aids at matulog ka na. May klase ka pa bukas 'di ba?" sabi niya at tinakpan na niya ang butas ng kisame. Hindi ko alam na baka yung butas ng kisame ay ang way para magkausap kami.

Huh? Band-aid? Tinignan ko ito at ito rin ang itsura ng band-aid na binigay sa akin ni Sandy kanina. Hindi ko talaga siya maintindihan. Kanina ang sungit niya sa akin pero ngayon ang bait niya. Hindi ko talaga siya maintindihan.


Love Under Carolyn's DormitoryWhere stories live. Discover now