Memory #22: Kingdom of Molmol Part I ~ Legend of the Blessing! ~

5 1 0
                                    

"Romeo! Malayo na narating natin! Ito na ang tadhana para sa ating dalawa!" Masayang sabi ni Sandy habang tumatakbo sila ni Romeo, at hawak ang kamay niya.

"Oo! Doon natin maitutupad ang mga pangako natin! Hawak-kamay, magkasamang papasok sa Dhalia U, at magkakaroon ng panibagong kabanata sa ating buhay!"

Masayang inaayos nila Romeo at Sandy ang kanilang sarili, para sa pagpunta nila sa Dhalia U. Hindi sila makapaghintay na maibigay ang blessing na kanilang tinatamasa, pagkatapos ng ilang taon. Ito na nga ba ang araw na sila'y magkakatuluyan?

Nang makarating na sila sa labas ng hotel, biglang may humarang na helicopter sa kanilang harapan. Bumagsak ito, at humarang sa hagdanan. Lumabas ang piloto ng helicopter, at nang magulat silang dalawa na si Charles pala iyon, sugatan as usual.

"Ha Ha Ha, nasaan si Romeo?" Tanong ni Charles at tumawa siya nang tumawa. Hindi niya alam na bad timing ang kaniyang pagpasok.

Nagsilabasan silang lahat dahil sa ingay mula sa labas. Nagulat silang lahat na pumunta roon si Charles, at nakasakay pa siya sa isang magarbong helicopter. Pero may napansin si Naomi na parang artifact mula sa bag ni Charles, sa sobrang familiar sa kaniya.

"Romeo! Anong nangyari sa'yo?! Okay ka lang ba?!" Biglaang tanong ni Charles sa kaniya at sobrang nag-aalala pa siya.

"A-Ayos lang naman ako... Mukhang dapat ikaw ang magtanong sa sarili mo kung ayos ka lang..." Sabi ni Romeo dahil mas nag-alala pa siya sa sugatang Charles.

"Anyways, kailangan ko ang tulong mo! Puwede mo ba akong samahan sa Para Para Tombs?" Tanong niya kay Romeo na parang humihingi ng tulong sa isang babae.

Hindi makapagsalita si Romeo dahil hindi niya alam kung ano ang kaniyang uunahin. Ang pangako nila na makakuha ng blessing sa Dhalia U, o samahan si Charles dahil may nakita siya na panibagong discovery.

"Well, alis na tayo!"

Biglang binuhat ni Charles si Romeo at pinasok niya sa loob ng eroplano. Mukha siyang nagmamadali kaya sinara niya agad ang pinto, at isinuot ang kanilang mga seatbelts. Naiinis si Romeo dahil palagi na lang may humadlang ulit sa kanila.

"Sandy! Anong gagawin ko?!" Iyak ni Romeo mula sa bintana dahil hindi niya mabuksan ang pinto. Alam ni Charles na mangyayari iyon kaya nilagyan niya ng super glue ang lock ng pinto.

"Romeo!!!"

Sinubukang habulin ni Sandy ang eroplano, ngunit nakalipad na ito palayo. Gaya ng pagkakainis ni Romeo, ganoon din ang nararamdaman ni Sandy. Akala niya ay wala nang hadlang sa kanila.

"Guys!!!"

Nakita nilang lahat na tumakbo si Daisy papunta sa kanila, at may dala-dala siyang sobre. Lumabas na rin ang mga nagtatagong babae, dahil mukhang seryoso ang mukha niya.

"Girls! May masamang balita! B-Babalik na si Grandma Carol!"

"Wha..... WHAAAATT!!???" Gulat nilang lahat dahil ang may-ari ng dormitory at ng hotel ay babalik na. Ang malas pa roon ay hindi pa sila nakakapagbayad ng renta.

"Mayroong ipinadala na sulat, galing overseas." Binuksan ni Daisy ang sobre at binasa niya ito nang malakas sa harap nilang lahat. "Sabi rito na ibibigay na niya ang lahat ng hotel kay Romeo! Wait—Pati yung mga lupain, ari-arian, pati yung mga bundok? Sobra-sobra naman iyon!" Biglang sumakit ang ulo ni Daisy dahil hindi siya makapaniwala na lahat na ng pagmamay-ari ng kanilang lola ay ibibigay kay Romeo. Kinuha ni Claudia ang sulat para mabasa niya ito.

"Pero may condition... Bago makabalik si Grandma, dapat makahanap si Romeo ng mapapangasawa niya. Therefore, si Grandma ang manghuhusga, kung sino ang magiging bride para kay Romeo..."

Love Under Carolyn's DormitoryWhere stories live. Discover now