Diary Entry #8 ~ I Love You!! ~

11 3 3
                                    

"K... Kuya Charles?"

"Eh? Sandria?"

Nakatitig si Romeo sa kanilang dalawa at nalaman niya na magkakilala pala sila. Nag-click lahat ng mga istorya na nalaman niya mula sa ibang mga tao at nagkaroon siya ng hinala.

"So... Siya ba yung lalake na sinabi mo sa akin...?"

Hindi alam ang gagawin ni Sandy dahil nakatingin ang dalawang lalake sa kaniya. Yung mukha ni Charles na nakangiti, at ang reaction ni Romeo na nag-aabang ng sagot. Ngayon na nalaman na ni Romeo na kung sino siya, paano na?

"Umm...."

Nakatingin sa kanila silang lima, kasama rin si Romeo at hindi niya mapigilan yung sariling nararamdaman niya. Kaya, bigla siyang tumakbo palayo.

"Aaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!!!" Sigaw niya habang tumatakbo siya nang palayo.

"Oy! Sandy!!!" Sigaw din ni Claudia pero hindi niya hinabol.

Bakit? Bakit? Kuya Charles...! Kuya Charles...!

Napaluha si Sandy dahil bumabalik ang mga memories na kasama siya. Yung mukha, boses, at lahat na nakay Charles ay bumabalik sa isipan niya. Iba ang nararamdaman niya na parang may energy na umaakyat sa katawan niya. 

Iyon pala ay hindi niyang maiwasang tumawa at tumulo ang mga luha niya. Mukhang naisahan tayo ni Sandy doon, ha XD

"Ang gwapo pa rin niya!! Matagal na kaming hindi nagkita pero solid pa rin ang pagkalalake niya at attractive talaga!!"

Hindi ko mapigilang tumawa!! Pero kailangan kong kumalma kase mukha na akong ewan! Pero hindi pa rin!! Ang sakit na ng panga ko HAHAHAHAA!!

Nakita niya silang lima na sinundan siya pero, nakita ni Claudia na umiiyak si Sandy. Nagkaroon bigla siya ng assumption na baka emotionally unstable siya.

"Damn... Nakikita ninyo ba si Sandy? Parang umiiyak siya!" Sabi ni Claudia sa kanila at itinuro niya ang dalaga.

"...!" Nabigla sila dahil nakita nga nila na hindi mapigilan ni Sandy na umiyak. Hindi lang naman nila alam na tumatawa lang siya.

"Guys! 'Wag ninyo akong lapitan!!" Sigaw ni Sandy at palayo siyang tumakbo.

Sa sobrang tawa niya ay sumakit na bigla ang tiyan niya. Ngayon nalaman niya kung ano yung nararamdaman ni Romeo kapag nakikita niya ang taong gusto niya.

Wait... Oo nga pala...

Naalala niya na hindi pa rin niya nasasagot ang feelings ni Romeo. Naisipan niya na kausapin siya pero biglang hinuli siya ng apat na babae by hugging her tightly.

"Sandy!!" Sigaw nilang lahat at niyakap nila si Sandy para bigyan siya ng comfort at hindi makatakbo pa.

Kahit nadaganan nilang lahat si Sandy, hindi pa rin nilang maiwasan na maging masaya. Lalo na si Sandy.

Lumapit si Charles kay Sandy at binigyan niya ito ng towel.

"Long time no see, Sandria..." Ngiting sabi ni Charles. Hinawakan niya ang kamay ng dalaga nang mahinhin at tinulungan niya itong makatayo.

Hindi pa rin makapagsalita si Sandy dahil sa sobrang nararamdaman niya na kilig dahil bumalik na ang taong gustong-gusto niyang makita ulit.

‧̍̊·̊‧̥°̩̥˚̩̩̥͙°̩̥‧̥·̊‧̍̊ ♡ °̩̥˚̩̩̥͙°̩̥ ·͙*̩̩͙˚̩̥̩̥*̩̩̥͙·̩̩̥͙*̩̩̥͙˚̩̥̩̥*̩̩͙‧͙ °̩̥˚̩̩̥͙°̩̥ ♡ ‧̍̊·̊‧̥°̩̥˚̩̩̥͙°̩̥‧̥·̊‧̍̊

Binisita ulit ni Charles ang hotel para ibigay ni Romeo ang lighter na naiwan niya. Tumuloy ulit siya sa kwarto ni Romeo, habang ang apat na babae naman ay nasa labas lang ng pinto. Eavesdropping.

Love Under Carolyn's DormitoryWhere stories live. Discover now