Memory #2 ~ Yes or No or... ~

6 1 0
                                    



3 Weeks Ago...

Isang linggo na ang nakakalipas noong umamin bigla si Romeo kay Sandy, ngunit hindi pa rin sila nag-uusap. Kakabalik lang ni Romeo sa hotel, galing sa library dahil kumuha siya ng mga libro para sa kaniyang pagre-review. Nakasalubong lang niya si Miyuu na nakaabang para sa kaniyang pagbabalik.

"Miyuu!!" Bati sa kaniya ng pagong.

Ngumiti na lang si Romeo sa kaniya dahil naisip niya na buti pa ang pagong ay sinasalubong siya pag-uwi.

"Buti ka pa, Miyuu sinasalubong mo pa ako. Mukhang ikaw lang ang nakakaintindi sa akin." Kinuha niya si Miyuu at umupo sila sa bakod sa gilid ng mga puno.

"Yari! Male-late na ako!!"

Narinig ni Romeo ang boses ni Sandy na nasa loob ng pinto kaya siya'y nagtago sa likod ng puno para hindi siya mahuli. Lumabas si Sandy ng hotel at siya'y naglakad pababa ng mga hagdanan, na may dala-dalang mga libro. Mukhang pupunta siya ng review center.

Ever since na pumunta ako rito, hindi pa rin talaga nawawala ang kagandahan ni Sandy.

Pero noong umamin ako sa kaniya, hindi na niya ako kinausap!! Naging awkward kami sa isa't isa!!

Kung alam ko lang na ganoon ang mangyayare, dapat hindi ko na ginawa!!

"Kaya hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin!!"

Biglang pumasok ang mga posibleng rason kung bakit ayaw siya kausapin ni Sandy sa kaniyang isipan. Tatlo ang naisip niya kaya kinuha niya ang kaniyang notebook at isinulat ang mga iyon.

"May tatlong posibleng rason; A. 'Tanga ka ba?' Basag ako non!! B. 'I love you too, Romeo!' Ano?!! C. 'We're just friends.' Hindi ko rin alam kung paano ako magre-respond doon.

AA!! Sa tingin ko hindi mangyayare ang A pero hindi rin ang B. Siguro yung C..? Pero kung ganoon ang mangyayare, magiging awkward talaga ang mga bagay sa pagitan naming at imposible na magiging magkaibigan pa kami. Ano ba?!!"

Malapit na masira ang utak ni Romeo sa kakaisip kung anong rason ang posibleng mangyare sa kanilang dalawa. Nahihilo na siya sa totoo lang.

"Dapat letter B."

Biglang sumulpot si Claudia sa tabi niya at hindi niya alam na naririnig siya ng dalaga.

"ACK!!"

"Sobrang stressed ka ngayon, ah. Sige makikinig ako sa mga sasabihin mo." Sabi niya at may hawak pa siyang isang lata ng beer. Umupo siya sa puno na kinatatayuan ni Romeo.

"B-Bakit ka nandito? Bakit ka umiinom ng alak ngayong tanghali?"

"Huwag ka ngang ganyan. Hindi ka pa nga nakakapasa sa exams, eh. So ano bang mga problema mo? Sabihin mo iyan sa ate mo." Sabi niya na parang may pagka-seductive at nilapit niya ang kaniyang mukha kay Romeo.

"H-Hindi na kailangan..."

"Tungkol ba kay Sandy?"

Nabasag agad si Romeo nang malaman ni Claudia na tama ang problema niya. Halata naman para kay Claudia na ang magiging problema lagi ni Romeo ay tungkol kay Sandy.

Bago sabihin ni Romeo ang kaniyang problema ay pumasok muna sila sa kwarto niya at binuksan ang mga bintana. Sinabi ni Romeo kay Claudia ang mga nangyare sa kanila ni Sandy na hindi niya alam na alam din ni Claudia iyon. Pero hindi siya nakaabot kung paano nangyare iyon.

"U-Umamin ka kay Sandy?!" Gulat na sabi ni Claudia sa kaniya at hinawak niya nang maghigpit ang kaniyang mga braso dahil sa sobrang saya.

"Huh?"

Love Under Carolyn's DormitoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon