Memory #17: The End of Carolyn's Dormitory Part IV ~ War at Carolyn's Castle! ~

6 1 0
                                    

Nagtipon silang lahat sa loob ng meeting room, para sa isang malaking announcement na ibabalita sa kanila ni Kali. Tungkol daw ito sa araw ng re-opening ng buong hotel. Hindi alam ng lahat kung anong mayroon, pero kinakabahan sila sa magiging balita.

"Sa unang araw ng opening ng buong hotel, pansamantala ko munang isasara hanggang makarating dito ang ating pinakaunang VIP guest natin."

"Ano? Bakit naman po~~" Biglang gulat ni Claudia dahil ilang araw silang naghirap doon.

"Let me finish." Biglang pigil niya kay Claudia. "Ang pinakaunang magiging guest natin ay ang Kuya ko. Kaya lahat kayo maghanda para sa kaniyang pag-uwi rito sa Dhalia."

Napuno ang lahat ng saya nang malaman nila ang bagong balita mula kay Kali. Naghiyawan ang mga babae, habang si Sandy naman ay napayakap nang sobra kay Kali. Pati si Kali ay nakakaramdam din ng saya sa balita.

"Sa wakas!! Babalik na rin siya!!" Sigaw nilang pito at niyakap nila ang isa't isa.

"Haha... Babalik na rin ang lalakeng iyon!!" Ngiting sabi ni Sandy habang niyayakap niya si Kali.

"Mukhang matutuwa si Romeo kapag makita niya tayo na nakasuot ng pang maid na dami." Sabi ni Claudia habang sila Vanessa, at Sandy at sumasang-ayon sa kaniya.

"So, mabuti nga siyang tao..." Mukhang nagdadalawang isip pa si Brianna sa kaniya.

"Girls, ayusin ninyo ang kuwarto ko. Doon kami matutulog ni Kuya." Utos ni Kali sa kanila at lumakad siya paalis ng meeting room.

"Ano???????????????????????????????"

Hindi sila makapaniwala na ang gusto ni Kali ay magkasama silang matulog ng kaniyang nakakatandang kapatid. Pero wala silang magagawa kundi ay sundin siya, para hindi sila mapagalitan. Inaayos nilang lahat ang manager's room, habang napansin nila Sandy at Claudia naglagay si Kali ng dalawang unan sa iisang kama.

"Psst..!! Sandy!!" Tawag ni Claudia sa kaniya nang pabulong, at nang makita nilang dalawa na masaya si Kali na inaayos ang kama.

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit gusto ni Madame ay magkasama sila ni Romeo sa iisang kuwarto? Tignan mo siya! Ang saya-saya niya." Tanong ni Claudia nang pabulong sa kaniya. Hindi maganda sa kaniyang paningin na magkasama silang matulog sa iisang kama.

"Anong problema ba? Magkapatid naman sila kaya okay lang." Banggit ni Sandy, mukhang masyadong marami lang iniisip si Claudia tungkol sa nangyayari.

"Pero..."

Ini-snap agad ni Kali ang kaniyang daliri nang matapos niyang iligpit ang kama. Nagtigil ang lahat sa kanilang ginagawa, at napansin ni Kali na maayos na ito. Napabilib siya sa kanilang cleaning skills, hindi ba dahil kay Romeo?

"Girls, umalis na kayo at ituloy ang mga preparations."

"Yes, Ms. Kali."

Umalis silang lahat ng manager's room, habang nagpaiwan si Sandy sa loob. Napansin ni Sandy na tinitignan ni Kali ang picture na ninakaw nila sa kaniyang cabinet, noong isang araw. Naisip niya na kung gaano niyang kamahal si Romeo, at kung gaano niyang ka-miss ang kaniyang kapatid.

"Bakit hindi ka pa umaalis?" Tanong ni Kali sa kaniya nang mapansin niya si Sandy na ngumingiti sa tabi niya.

"Wala naman po, Ms. Kali. Mukhang gusto mo talaga ang Kuya mo." Umupo siya sa tabi niya, dahil gusto niyang makipagusap sa kaniya. "Alam mo, naiinggit ako dahil wala akong Kuya~~"

"Tumahimik ka." Biglang sabi ni Kali at tinitigan niya si Sandy na may apoy sa kaniyang mga mata. Ayaw na ayaw niyang binabanggit ang mga bagay na tungkol kay Romeo. "Huwag kang magsalita na alam mo ang lahat. Hindi ko isusuko ang Kuya ko sa inyong lahat. Lalo na sayo, Sandra."

Love Under Carolyn's DormitoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon