Diary Entry #11 ~ The Secret Passage! ~

6 1 0
                                    

Ininvite ni Sandy si Romeo sa kaniyang kwarto para ma-checkan ang kaniyang answer sheet. Hindi nila inaasahan na papayag siya dahil hindi naman nagpapapasok si Sandy ng ibang tao sa kaniyang kwarto. Hindi rin makapaniwala si Romeo sa nangyare. Nang mai-check ni Sandy ang kaniyang answer sheet, hindi niya in-expect na makakakuha si Romeo ng mataas na score.

"Wow! Mas gumaling ka na kumpara sa dati! Dahil dito, hindi na magiging imposible na makapasok ka sa Dhalia U."

"Ha Ha... Wala lang 'yun. Hindi ko naman magagawa iyon kung hindi dahil sayo." Tawa niya habang kinakamot niya ang kaniyang ulo.

"Ganon? Break muna tayo. Gusto mo ng kape?" Tanong niya at tumayo siya para kumuha ng kape sa lamesa.

"Sige... ...Mm?"

May nakita si Romeo na parang libro sa tabi niya at ito'y kaniyang kinuha.

"Ano ito?" Tanong niya at binuklat niya ito. Nagulat siya dahil photo album pala iyon at nakita niya ang mga picture nilang tatlo ni Gwen noong nag-trip silang tatlo.

"Photo album? Astig!" Masaya niyang sabi.

"Shems! Nakalimutan ko palang itago iyan!! Hindi mo pwedeng makita iyan!!" Sigaw niya at sinubukan niyang agawin ang photo album kay Romeo.

"Ano ka ba? Hindi ka naman mamamatay kapag may makakita niyan, eh!" Sigaw din niya at hindi niya ibibigay sa kaniya ang photo album.

"Oo! Ako!"

"Shesh! Titignan ko lang!"

Nagpaawat na si Sandy at hinayaan na lang niya si Romeo na buklatin ito. Nakita ni Romeo ang mga pictures nila Vanessa, Brianna, Naomi noong unang pasok palang nila sa hotel. Nakita rin niya ang mga pictures nila Sandy at Claudy noong mga middle school pa sila, as well as mga events na tradition nilang ginagawa sa hotel. Nagulat silang dalawa nang makita ni Romeo ang picture ni Sandy noong 7 years-old palang siya pero "no more bed-wetting victory".

"Ano? 7 years-old, no more bed-wetting victory?"

"Oh my gosh!!! Itigil mo iyan kung hindi papatayin kita!!" Hiyang sigaw ni Sandy at sinubukan niyang sakalin si Romeo.

"Ack!! M-Mercy....!!!"

Ang picture na iyon ay si Sandy na nakasuot na pang-Santa Claus at nakayakap siya sa isang pusang manika. Nakangiti siya sa harap ng camera.

"Hmm... Parang familiar ito...." Sabi ni Romeo.

"Eh?"

"Alam ko na!! Ayan yung manika na nasa picture, 'di ba?" tanong niya at itinapat niya ang picture na iyon sa pusang manika na nasa tabi ng kaniyang kwarto.

"Oo nga!"

"Wow... Ang tagal na ng manikang iyan sa'yo...." Sabi niya at hinawakan ang pusang manika.

"Naalala ko na sobrang sika tang manikang iyan dati noong 3 years-old ako. Noong naibigay ito sa akin, feeling ko naka-attached na ako sa kaniya. Dati nga hindi ako makatulog, unless yakapin ko siya, eh."

"Inalagaan mo talaga iyan nang mabuti. Wow, so 15 years ago pa iyan...."

Biglang naalala ni Romeo ang memory ng babaeng iyon noong 15 years at hindi pa rin siya sigurado kung tama baa ng hinala niya na si Sandy iyon.

15 years... 15 years... Ang babaeng iyon...

"Alam mo ba na kapag ang dalawang tao na nagmamahalan ay parehas na makapasok sa Dhalia U, magkakaroon sila ng happy ending?"

Hindi napansin ni Romeo na nakatulala na naman siya na parang ewan.

"Bakit ganiyan ang mukha mo?" tanong ni Sandy.

Love Under Carolyn's DormitoryWhere stories live. Discover now