Diary Entry #9 ~ A Midsummer Night's Dream! ~

11 3 3
                                    

Author's comment: This chapter divides into 3 parts; Vanessa, Brianna, and Sandy.

~ Vanessa ~

Si Vanessa isang babae na mahiyain sa ibang tao at masyado siyang sensitive sa mga bagay. Kilala siya sa mga kasamahan niya na masipag at madali lang para sa kanila na malaman ang kaniyang mga sikreto. Pero may isang sikreto siya na hindi niya masabi sa iba. Iyon ang tungkol sa nararamdaman niya tungkol kay Romeo.

Nakatingin siya sa salamin sa kaniyang kwarto at inaayos ang kaniyang sarili. Napansin niya ang kaniyang pink lipstick na nakapatong sa kaniyang table at naisipan niyang maglagay, para mapansin naman siya ni Romeo. Napansin din niya kase na lagi silang magkasama ni Sandy at tingin niya ay bagay sila. Pero nung nagkita na ulit sila Sandy at Charles, naisip niya na ito na ang oras para siya'y umaksyon.

Kinuha niya ang pink lipstick na iyon at sinubukan niyang maglagay sa kaniyang labi. Hindi niya alam na nandon si Claudy na nasa likod niya.

"Bagay na bagay sa iyo, iyan, ha!" Ngiting sabi ni Claudy habang pinapanood siya. Nabigla siya at itinago niya ang lipstick.

"Ahh!! C-Claudia?!" Gulat niyang sabi at lumingon sa kaniya.

Napansin ni Claudia na hindi naman siya yung tipong babae na susubukang magpaganda. Unless... may lalake siyang napupusuan.

"A-Anong ginagawa mo rito?!" Natanong niya.

"Ah... Tatanungin ko sana kung maglalaba ka na ba ngayon. Para mailgay ko na mga labahin ko sa basket."

"..."

Hindi alam ni Vanessa ang kaniyang gagawin, lalo na't si Claudia pa ang nakakita sa kaniya. Pero, alam na ni Claudia kung anong ibig sabihin iyon.

"Gusto mo ako maglagay sa'yo ng lipstick?" Tanong niya at nilagay niya ang kaniyang braso sa kaniyang beywang.

Inayos ni Claudia ang kaniyang paglagay ng lipstick sa kaniyang labi at dahan-dahan niyang ginawa ito. Itinali rin ni Claudia ang kaniyang buhok, gamit ang isang itim na ipit na may yellow flower sa itaas nito. Nang makita ni Vanessa ang kaniyang sarili sa salamin, hindi niyang maiwasan na maging masaya. Kahit na alam niya na talo siya kay Sandy, pagdating sa kagandahan.

"Siguro dahil sa make-over mo ngayon, mahuhulog na si Romeo sa'yo" Ngiti niyang sabi habang pinamamasdan niya rin si Vanessa sa harap ng salamin.

"EHHH? Hindi!! Hindi ko iniisip..." Gulat niyang sabi dahil nalaman nga niya ang kaniyang sikreto.

"Huwag kang mahiya kase dalaga ka na. Hindi ka dapat magmadali. Masaya sa pakiramdam na mahalikan ka ng taong mahal mo."

Ano? Mahalikan ng taong mahal ko...

"Hindi ko pa kaya!!!!" Sigaw niya at tumakbo siya paalis ng kwarto. Siguro masyado niyang pri-nessure si Vanessa sa ganong bagay.

Pumunta siya sa rooftop at naisip niya na baka hindi pa siya handa. Hindi rin niya alam kung ano ang pakiramdam na mahalikan.

"Vanessa?" Lumingon siya at nakita niya si Romeo na nasa likod niya.

Marami ang pumasok sa isipan niya pati na rin ang imagination niya na hahalikan siya ni Romeo. 

"Aa!! Eh!!..."

"Okay ka lang ba?" Natanong niya dahil wala siya sa usual na sarili niya. Umupo siya sa tabi niya at hinubad niya ang kaniyang salamin para linisin ito.

Hindi na lang siya kumibo pero gusto niyang tanungin sa kaniya ang tungkol doon.

"Umm... Romeo... Na-experience ninyo na bang mahalikan?" Hiya niyang tanong.

Love Under Carolyn's DormitoryWhere stories live. Discover now