Day 23 - Congratulations on the Acceptance?!

20 8 23
                                    

March 10th, Dhalia University Acceptance Posting Date.

Nakaupo si Romeo sa bubong ng second building, nang hindi pa rin niyang makalimutan ang mga sinabi sa kaniya ni Sandy noong papasok sila ng university.

"May pinangakuan ako sa iba. Nangako ako sa kaniya na papasok ako dito sa university."

At dahil doon, namatay siya mula sa isang maling akala kaya napatunganga na lang siya na parang bato, at hindi na niya maisip kung makakapasa ba siya sa exam.

Umakyat si Naomi para tawagin si Romeo ngunit pagkakita niya sa kaniya ay nakanganga pa rin siya na parang bato.

"Huy! Huy!" Sigaw niya habang kumakaway ang kaniyang kamay sa mga mata ni Romeo, tinitignan kung buhay pa ba siya. Ang dami na niyang nagawang kalokohan, tulad ng pagpapalabas niya ng palaka mula sa bunganga niya, ngunit wala pa rin talaga.

Bumaba si Naomi ng bubong at nandoon yung ibang mga babae sa may veranda dahil hindi rin nila alam kung bakit walang kibo si Romeo, mula noong pagkatapos ng kanilang exam.

"Wala talaga siyang kibo..." Sigaw ni Naomi.

Napabuntong-hininga na lang si Claudy sa sagot ni Naomi.

"Dalawang linggong nakalipas noong nag-exam kayo, pero ganyan pa rin siya." Sabi ni Naomi at nang mapahiga siya sa kama.

"Hindi ba ngayon yung araw ng results? Kaya ba siya nagkakaganyan dahil hindi naging maayos yung exam niya?" tanong ni Brianna habang nililinis ang kaniyang wooden sword.

Ngumisi si Claudy kay Sandy nang biglang na-curious siya sa nangyare sa kanilang dalawa.

"So Sandy... Ano bang nangyare noong araw na iyon?" Pa-curious niyang sabi.

"Paano ko ba malalaman? Pagkatapos ng exam ay naging ganyan na siya. Kahit anong sabihin ko ay hindi pa rin siya kumibo." Sabi ni Sandy na may pagkataasan ng boses sa kaniya. Kahit din si Sandy hindi rin niya alam kung anong nangyare kaya hindi na lang niyang pinansin si Romeo.

"Pero noong umagang iyon ay napaka-energetic niya, ah? Meron ka bang sinabing hindi maganda sa kaniya noong oras na iyon?"

"Wala nga!! Pocha naman, Claudy!!!" Inis na sigaw niya. 

"Meron na akong pinangakuan......."

Hindi pa rin matanggal sa isipan ni Romeo ang mga salitang narinig niya mula kay Sandy. Iniisip niya kung sino ba iyon?

Hindi siya yung babae na nakilala ko dati. Ibig sabihin ay wala talaga siyang kinalaman doon sa nangyare. Outsider lang talaga ako sa kaniya...

Napatawa siya nang konti at biglang humiga sa bubong. Hindi niya matiis na mapaluha nang konti at maramdaman ang pagbagsak ng sarili niya sa disappointment. Napabuntong-hininga na lang siya nang makita niya ang ma-asul na kulay na langit.

"Huy... Ano bang meron sa'yo?" Biglang sulpot ni Sandy sa mukha niya.

Umiwas siya ng tingin kay Sandy nang maramdaman niya ang tibok ng puso niya na malakas. Ayaw niyang pansinin ang dalaga dahil nahihiya siya.

"Alam mo... Huwag ka na mag-alala sa akin..." Bulong ni Romeo.

"Anong sinasabi mo? Ngayon yung posting date! Kailangan na nating makaalis ngayon!!"

"Kalimutan mo na iyon. Hindi naman din ako makakapasa..."

"Nako... Paano mo malalaman kung hindi mo titignan?!" Inis na sabi niya at napatayo siya bigla.

"Huwag ka ngang mag-alala sa akin!!" Sigaw din ni Romeo sa sobrang galit.

Akala ni Romeo ay nag-aalala si Sandy sa kaniya pero ayun pala, gustong makita ni Sandy ang results dahil nararamdaman niya na papasa na siya.

Love Under Carolyn's DormitoryNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ