CHAPTER 12: All over the Internet

1.9K 137 103
                                    


JAYLA

DAYS passed at walang pinagbago sa nararamdaman ko. I'm still scared, anxious, conscious, and always bothered. Even noong birthday ni Sabrina balisa ako. Napapansin nila 'yon pero hindi ko naman masabi ang tumatakbo sa isipan ko. They have their own problems and struggles, ayoko namang maging pabigat sa kanila.

Malapit na rin ang mid-term exam namin at hindi pa rin ako makapag-concentrate. Tinignaan ko ang study table ko sa mismong harap ko, it's almost empty. Tanging Taxation book ko lang ang nandoon. Mga ganitong panahon puno na dapat ng review materials ang table ko.

I massaged my forehead. That nightmare has been visiting me since that night at gabi-gabi ko na lang napapanaginipan ang nangyari noon.

"Beeeee!" bungad ni Nicco nang pumasok siya sa kwarto ko. "May dala kong merienda! Mainit-init pang pesto, malutong na waffle, refreshing na milktea, at isang masarap na Niccoooo!"

I threw him a single glance then just continued reading my Taxation book.

"Luh? Snob mo ko, Bee?"

Lumapit siya sa'kin at lumuhod sa tabi ko. "Merienda ka na, Bee." He placed the food on the table beside my book.

Hindi ba niya naisip na baka masagi iyong milktea at matapon sa libro ko?

"Bee, pansinin mo naman ako."

I looked at him. His chin is on the table and he's smiling slyly just to show me his dimples.

Inirapan ko lang siya. "Buhay ka pa pala?" walang gana kong tanong.

"Hala, Bee! Sorry na!" Nagulat ako nang ikutin niya ang swivel chair na inuupuan ko paharap sa kanya.

"The fuck are you doing, Niccolo?!"

"Hindi mo kasi ako pinapansin, eh. Sorry na kasi." He even pouted!

I heaved a sigh and glared at him. "Nicco, ilang araw mo kong hindi sinabayan pagpasok sa school. Tapos ang huling punta mo sa'kin dito noong isang araw pa. Sa text at call ka lang ganadong ganado pero wala kang paramdam sa personal!"

Unti-unting nagbago ang aura niya at nawala ang nakasilay na ngiti sa mga mata niya. Huminga siya nang malalim at dahan-dahang tumayo, tapos lumipat siya sa kama at doon umupo. Bars!

Sinundan ko siya ng tingin. Bigla talagang dumilim at lumungkot ang aura niya. Is he going to transform na ba as a titan?

"Sorry," aniya. "Naging busy lang talaga, Bee. Lalo na next week na mid-term natin. Ang hirap mag-aral kapag bobo, wala talaga kong maintindihan sa inaaral ko. Saka naisip ko rin na busy ka sa pag-aaral kaya hindi na kita pinupuntahan."

"Hmp! Kahit na, ano! Even though we're busy I still want us to be together. You're not ganyan naman before. Kahit exam natin lagi mo pa rin akong pinupuntahan. You won't let a day pass na hindi ako nakikita."

He chuckled. "Sorry." Saka ko lang napansin na may bitbit din siyang malaking plastic envelope, doon nakalagay mga reviewer niya.

Tumayo ako at tumabi sa kanya. "Review tayo?" tanong ko.

Ngumiti ulit siya pero hindi na kasinglapad ng kanina. Nagulat ako nang bigla siyang humiga at umunan sa hita ko. "Review-hin mo ko, Bee."

"Tapang, ah! Kapag ikaw walang nasagot!" Kinuha ko ang mga reviewer niya doon sa envelope.

Walanghiya, ang linis lahat! Wala man lang highlight o notes sa gilid. Wala ring bakas ng lukot.

"Kailan mo pa reviewer 'to?"

A Victim's Aftermath [MEDICAL SERIES #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon