CHAPTER 07: Future with You

2.9K 144 98
                                    

TW: physical violence, sexual trauma

JAYLA

I HAD goosebumps as the waves washed my feet and the breeze of the night touches my skin. I feel cold but Nicco's hand clasping mine makes me feel warm.

Nandito kami sa dalampasigan and we're walking on the shoreline.

"Nilalamig ka, Bee?" tanong niya.

I looked at him and I smiled. The brightness of the full moon is showering his face.

"Pogi ko ba?" tanong niya.

Napangiti ako at sunod-sunod na napailing. "Ikaw talaga." I linked my arm on his arm. "Medyo nilalamig lang."

Then he suddenly clapped and cheered.

"Ginagawa mue?"

"To make you feel warm. Kasi nga 'di ba? Warm round of applause."

I rolled my eyes. "Tarantado ka talaga. Ewan ko sa'yo." Kumalas ako sa pagkakahawak ko sa kanya at umupo sa buhanginan.

Maya-maya pa ay umupo na rin siya sa tabi ko. "Hindi ba mabenta joke ko, Bee?"

"Sayang joke mo, hindi mabenta. Hindi pwedeng patawan ng tax," pag-irap ko.

Bahagya siyang natawa kaya napatingin ako sa kanya. Malayo ang tingin niya na para bang ang lalim ng iniisip niya. His elbows are leaning on his flexed knees.

"Mukhang ang daming laman ng utak mo ah," puna ko.

Huminga siya nang malalim na para bang ang bigat ng dibdib niya. "Naol may utak."

"Naol may kwenta kausap!" sambit ko sabay irap.

Bahagya siyang natawa pero malayo pa rin ang tingin niya.

Pinagmasdan ko ang profile ng mukha niya at naalala ko ang mga sinabi niya kanina, na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam ang gusto niyang gawin sa buhay.

Inangat ko ang kamay ko para abutin ang buhok sa likod ng tainga niya at saka iyon pinaglaruan. "I'm sorry. I'm sorry for not knowing your hidden thoughts through the years we're together."

He chuckled. "You don't have to feel sorry about it, Jayla."

"And you don't have to feel less of a man just because you're uncertain of the things you wanted in life."

Dito na siya napatingin sa'kin.

"It's okay that even at this point of your life, feeling lost ka pa rin. Okay lang kung hindi mo pa sigurado ang gusto mong gawin sa buhay. It's okay. It's normal. Life isn't a race, Nicco. When the time is right, you'll get to know what your heart truly desires."

Napansin ko ang pagkislap ng mga mata niya. "Ikaw, Bee? Kailan naging fixed sa isipan mo na gusto mong maging abogado?"

This time ay ako naman ang napatingin sa malayo, then I suddenly remembered my main reason bakit nga ba gusto kong maging abogado. "I wanted to protect victims like me, Nicco, especially iyong mga batang biktima. I wanted to give justice to those who are abused kasi alam ko ang pakiramdam nang pinagdamutan ng hustisya."

A Victim's Aftermath [MEDICAL SERIES #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon