CHAPTER 15: Empowered

2.3K 167 112
                                    


JAYLA

"PARANG hindi ako sanay na nagre-review ka last minute before the exam," sambit ni Kuya Burnik.

Nakapaikot ang upuan naming magkakabarkada dito sa classroom habang naghihintay ng Prof dahil nire-review namin ang isa't-isa. Today's the first day of our final exam.

"Oo nga, bb. Dati bago mag-exam nagfe-facebook ka lang or kaya natutulog."

"I need to redeem myself," sagot ko sa kanila habang naka-focus sa binabasa ko. "Third lang ako sa highest noong mid-term that's why I'm studying harder."

"At ako highest noong mid-term, bb. Pero okay lang! Aral ka lang diyan, bb! Bawiin mo first spot because that spot belongs to you!" she said happily.

I smiled to myself. Grabe ang suporta na binibigay sa'kin ni Sab mula nang una kaming magkakilala. Grabe ang tiwala niya sa kakayahan ko, so who I am to doubt myself?

I highlighted my reviewer using my pastel pink highlighter na worth 500.00

Nilubos-lubos ko ang natitirang 15 minutes, inaral ko nang maigi at bianasa nang paulit-ult iyong mga mahahalaga, hanggang sa dumating na nga ang Prof na magbabantay sa'min. Pina-one seat apart na niya kami at saka nagsimulang mag-exam.

I answered eagerly. As in binabasa ko ang question ng dalawang beses at nagco-compute nang paulit-ulit to make sure that I answered the questions perfectly. Noon kasi kapag nag-e-exam ako, isang basa lang sa question tapos sagot agad, hindi ko na binabalikan or what.

But this time it's different, talagang sobrang igi ko sa pagsasagot buong finals week.

Then Wednesday came kung saan Auditing ang exam namin, one of the most difficult subject. While we were silently answering, napatingin kaming lahat kay Mikay dahil paimpit siyang napamura ng "shit".

Our Prof got alarmed as well. "What's the matter, Natividad?"

Napansin kong lumikot ang mga mata ni Mikay at napalunok. "W-Wala po, Sir."

I just shrugged it off. Babalik na sana ko sa pagsasagot nang napansin kong may maliit na papel na parang nakabilot sa sahig malapit sa upuan niya. Tinignan ko ang Prof namin, he's also looking on the same paper.

Then tumayo si Prof at pumunta sa tapat ni Cherry. Lahat kami ay nakatingin sa kanila. Damang-dama ko ang kaba ni Mikay at kinabahan din ako ng pulutin ni Prof iyong papel at saka binuklat.

"What's this, Mikaella Natividad?!" Our Prof's voice echoed in the whole classroom.

Mikay's whole body is shaking in fear. She can't even look at our Prof.

"Nakasulat dito lahat ng sagot sa test A and B! This is cheating!"

Mas lalong yumuko si Mikay. She tightened her grip onto her armchair.

"Kanino mo 'to balak ibigay?!"

Dumako ang tingin ko sa nasa likod ni Mikay...si Cherry. She's shivering in silent and I noticed how her chest is rising and falling spontaneously.

"Answer me or I'm gonna rip your test paper into pieces!"

Mikay quivered. "S-Sorry po, Sir."

Cherry started biting her fingernails.

"Just answer my question! Kanino mo 'to balak ibigay?!"

"K-Kay Cherry po..." she answered before surrendering to her own tears. "I'm sorry po, Sir."

"That's not true!" sigaw ni Cherry at saka tumayo. "Sir, that's not true! She's lying! She's a liar!"

"Sir, hindi po ako nagsisinungaling." Tumayo na rin si Mikay. "Sir, I'm telling the truth. Binigyan niya po ako ng maliit na paper before mag-exam, sabi niya isulat ko raw po dito ang sagot pero hindi po ako pumayag. Kaya lang kanina pa po niya sinisipa ang upuan ko kaya napilitan na po ako."

A Victim's Aftermath [MEDICAL SERIES #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon