CHAPTER 19: A New Year with You

1.9K 94 41
                                    

Hello

SPOILER: 

IF YOU STILL REMEMBER IN FROM, I TOLD Y'ALL THAT I WILL BE GIVING A GLIMPSE OF SAB AND STORM HERE IN SERIES 2 WHEN SAB GOT REALLY DRUNK AND STORM'S THE ONE WHO TOOK CARE OF HER. SO HERE IT IS. 

____________________________

JAYLA

"ATE, ayoko nang bumalik sa hospital," mahinang sambit ni Janine habang inaayusan ko siya sa harap ng salamin.

Janine underwent two phases and several sessions of chemotherapy. Natapos na niya ang induction phase and so as consolidation phase of chemotherapy for 5 months, and now, nasa 10th month na siya ng maintenance phase niya.

It's been more than a year since she started her chemotherapy, huminto muna siya sa pag-aaral dahil doon. Sa loob ng isang taon na 'yon, pabalik-balik siya sa hospital at ang daming side effects na naglabasan.

That includes weight loss, nausea and vomiting, ang dami ring naglalabasang pasa sa katawan niya, at nanlagas talaga ang buhok niya.

"Jaja, konting tyaga na lang ha? I know you're tired already, but we are always here," I said before wrapping a bandana worth 22,000.00 around her forehead, then I placed a cute ribbon sa likod as a finishing touch.

"I miss going to school, Ate. Next school year kaya makakapasok na ko sa school?"

I sighed. The maintenance phase of her chemotherapy is for two years, pwede naman siyang pumasok sa school kaya lang mahirap na, baka bigla siyang manghina sa school, who's gonna help her?

"Palit na lang tayo, Janine. Ikaw na lang pumasok sa Med school para sa'kin," sabat ni Nicco.

Janine giggled and I rolled my eyes.

Within that one year as well, Nicco never left. Nagmistula siyang pangalawang ama ni Janine everytime na hindi available si Daddy. And what he said was right, he's gonna pursue Med school and I'm gonna pursue Law school.

After ng graduation namin this College, sasamahan ko siyang mag-review and mag-take ng NMAT. It's an exam that you need to take before you can go to Med school.

"I told you naman...if napipilitan ka lang pumasok sa Med school, then don't enroll," I said while spraying perfume on Janine.

"Kapag hindi ako nag-enroll, mapipilitan akong magtrabaho. Hala, Bee! Mas ayokong magtrabaho!"

"Hay naku, Niccolo. Ambot sa'yo."

"Cute niyo po talaga," Janine commented.

Nicco made a pogi sign and I just rolled my eyes.

Maya-maya pa ay kumatok na sina Mommy since sila ang sasama kay Janine sa hospital for her routine check-up.

Anniversary kasi namin bukas ni Nicco and balak namin mag-overnight ngayon sa Antipolo for Anniversary salubong. Kasama naming mag-overnight ang mga friends ko.

"Mag-ingat kayo doon, ha? Message us if may problema," Dad said, Nicco and I nodded.

"Tara na sa baba," pag-aaya ni Mommy.

Nakaalalay si Dad kay Janine habang pababa kami ng hagdan. Janine became really weak and she lost a lot of pounds dahil sa side effect ng chemotherapy.

Pumunta sina Janine sa garage, kami naman ni Nicco ay lumabas na ng gate at isinakay namin ang gamit namin. Kuya Waldo and Ate Mira got married a month ago already kaya si Nicco na ang nagda-drive ng sasakyan niya and mag-isa na ko lagi sa condo ko.

A Victim's Aftermath [MEDICAL SERIES #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon