CHAPTER 23: Doubts and Whatabouts

1.3K 83 40
                                    

Trigger Warning:
Gore/grotesque content, mention of human cadaver, may cause nausea

Medical jargon ahead
_____________________

NICCO

"BEE, let's sleep na," pag-aaya ni Jayla na ngayon ay nakahiga na sa kama.
Alas-dose na ng hatinggabi pero heto pa rin ako, nag-aaral dahil first shifting exam namin bukas.

"Wait lang, Bee. Konti na lang." Pinilit kong unawain ang mga binabasa ko.

Kung pwede lang gayahin iyong sa Tom and Jerry na nilalagyan ni Jerry ng stand ang talukap ng mga mata niya para lang hindi makatulog, ginawa ko na.

Pinagtatampal ko na rin ang magkabilang pisngi ko para magising pero inaantok pa rin ako.

I remember studying Electrophysiology way back pre-Med, dalawang meeting namin itong topic. Tapos ngayong Med school, dalawang oras lang ni-lecture sa amin tapos exam agad.

Sumilip ako sa gc naming apat nina Storm at napansin kong si Mike na lang ang online.

Niccolo Yelo
Gising pa kayo?

Mike Enriquez
Hindi, tulog na.
Nag-i-sleep chatting ako.

Niccolo Yelo
Buset

Mike Enriquez
Pambihira 'tong sina Storm at Stephen, mukhang tulog na.

Niccolo Yelo
Tapos silang dalawa
highest bukas tignan mo.

Mike Enriquez
Hirap naman maging bobo.

Niccolo Yelo
Same vibes! Apir!

Mike Enriquez
Disappear!

Nagtimpla ulit ako ng kape hoping na mawala ang antok ko.

Kauna-unahang exam pa lang namin 'to pero ganito na agad. Paano pa kaya sa mga major exam? Baka kape ba dumadaloy sa ugat ko no'n.

Nang sumapit ang alas dos ng madaling araw ay tumabi na ako kay Jayla at niyakap siya mula sa likod. Ang bango bango pa rin niya.

Paulit-ulit ko pang nire-recite sa isipan ko iyong mga inaral ko hanggang sa makatulog na ko.

"HALA Bee, you're late na!"
Nagising ang buong diwa ko sa sinabing iyon ni Jayla.

Dali-dali akong bumangon at nakita ko sa digital clock na 7AM na! At 7:30 ang klase ko!

"Hala Bee, sorry. Hindi rin ako nagising," she said while scratching her eyes.

Bagong gising din siya pero ang ayos pa rin ng bangs niya, tapos ang bango ng hininga niya, tapos ang rosy cheeks niya rin.

I've been with her since we were babies and here I am, still in awe of her.

"Ano na? Habang buhay mo na lang ako tititigan? Hindi ka na papasok sa school?"

I came back to my senses and blinked continuously. "It's not your fault, Bee. Pinatay ko kasi iyong alarm ko kanina."

Bumangon na ko at mabilisang nag-toothbrush at nagbihis ng uniform.

"You're not gonna take a bath na?" tanong niya.

"Late na ko, Bee. May exam pa kami," sagot ko habang nagsusuot ng sapatos.

"Wait! I have waffle pa sa ref! Iinitin ko na lang para may makain ka while walking to school. This will be fast, promise!" Dali-dali siyang lumabas ng kwarto.

A Victim's Aftermath [MEDICAL SERIES #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon