CHAPTER 26: Escape

1.3K 76 22
                                    

NICCO

I WENT out of our unit and brisk walked without any destination.
I don't have my exact destination, all I know is I just wanted to run away, I wanted an escape.

Habang sakay ng elevator pababa, nag-play sa utak ko ang sinabi nio Jayla. "Why are you comparing yourself to the the man I barely knew?"

And I answered her honestly, hindi ko rin talaga alam.

I don't have a car with me kaya naglakad ako nang naglakad, bahala na kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.

The next thing I knew, pumasok ako sa loob ng convenience store at dumiretso papunta sa counter.
I stared on the alcoholic drinks displayed on the wall.

My budget is tight especially I reserved two seats sa isang mamahaling restaurant para sana sa amin ni Jayla.

But I wanted to drink. I want to forget. I want to escape.

"Dalawang Heineken po."

The lady on the counter handed me the plastic with a seductive smile. If Jayla's here, baka dinukot na niya ang mata no'n sa imagination niya.

Palabas na ko nang convenience store nang mapaisip ako kung saan naman ako iinom gayong wala naman akong sasakyan.

"Owshi hindi man lang nag-aaya!" Nagulat ako nang may umakbay sa'king lalaki.

It was Zach, he's one of the many repeaters sa klase namin.

"Type pa naman naming 'yang binili mo!" Sumulpot naman sa kabilang tabi ko si Val, isa ring repeater.

Hanggang nakapaikot na sa'kin silang magkakaibigan: sina Zach, Val, Marco, Sheena, at Khaye. Three boys, one girl, and one gay. All of them are repeaters and kilala bilang mga sangganong rich kid na napipilitan lang mag-aral sa Med school.

"Where do you plan to go?" tanong ni Sheena.

Hindi ako nakasagot dahil ayan din ang iniisip ko kanina. Saan nga ba ko pupunta?

"Join us na lang, Daddy Nics!" I was startled when Khaye linked his arm on mine and even called me Daddy Nics! What the fuck?

Nagkatawanan sila at hinila ni Marco si Khaye palayo sa'kin. "Relax ka lang Khaye, binibigla mo naman si Nicco, eh."

"If I know you're just jellyyyy!"

Nagkatawanan ulit sila at binalingan ulit ako ni Zach. "Ano, Nicco? Sama ka sa'min. One time big time lang, o."

"H-Hindi na. H-Hinihintay pa ko ng girlfriend ko sa unit namin."

I realized I was being impulsive a while ago for walking out our unit and buying alcohilic drinks. All I want now is to just go home, apologize and cuddle with Jayla.

"Magka-live in kayo? Nice! Pero ngayon lang naman 'to, sama ka na sa'min," pangungulit ni Marco.

Ilang beses akong tumanggi pero wala na kong nagawa nang itulak na nila ko palabas ng convenience store at pumasok sa malaking sasakyan.

Then pumasok si Sheena sa driver's seat at nag-drive, katabi niya sa shotgun si Khay.

"Teka, uuwi na lang ako--"

"Oks lang 'yan, pre. Ngayon lang naman 'to, hindi na mauulit," sagot ni Val.

"Kaya lang--"

"Magtatampo ako kapag hindi ka sumama!" sabat ni Sheena at saka nag-pout na para ngang nagtatampo.

Nanahimik na lang ako at walang nagawa. Shit. Wala pa naman akong dalang phone.

If I know this would happen, hindi na lang sana ko lumabas. Hindi ko na lang sana pinairal ang insecurity ko at inaway si Jayla. Siguradong mag-alala na naman 'yon.

A Victim's Aftermath [MEDICAL SERIES #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon