CHAPTER 18: Better Person

1.9K 114 79
                                    


Hello

NICCO

"HINDI ka pa ba uuwi?" tanong ni Jayla.

We're in her couch. Nakaupo ako sa dulo at siya naman ay nakaupo sa tabi ko. Nakataas ang mga paa niya sa couch at nakasubsob ang ulo niya sa dibdib ko habang nakayakap sa bewang ko.

Mag-ex lang talaga kami promise.

"Ayaw. Dito lang ako. Dito lang ako sa'yo." Hinaplos-haplos ko ang buhok niya at saka hinalikan ang tuktok ng ulo niya.

"I'm okay na, Nicco, I promise. At least na-release ko na 'tong emotions ko. I don't want to be weak kasi in front of my parents and Janine. I want to be strong for them. Saka I'm really bothered sa nangyari kay na Trisha at Mikay, but now I'm kind of okay na."

Aside from the fact that she's really worried with her sister, she's also worried with Trisha and Mikay.

Jayla's so kind, hindi na dapat siya nag-aalala sa dalawang kupal na 'yon pero heto siya, iniisip ang kalagayan ni Trisha matapos ma-kick out sa school. Naaawa rin siya kay Mikay na naabutan niyang kumakain sa CR.

Humiwalay ako nang pagkakayakap sa kanya para matitigan siya. "Hindi ko kayang iwanan ka mag-isa dito."

"Parating na rin naman si Ate Mira so don't worry na."

Mas naging busy talaga sina Ate Mira at Kuya Waldo ngayon kaya madalas silang wala. Ako na nga rin nagmamaneho minsan papasok ng school.

"Baka worried na rin sina Tito sa'yo. Umuwi ka na."

Asa namang may nag-aalala sa'kin sa bahay. "Ayaw."

"You need to go home na, Nicco."

I heaved a sigh and hugged her again. "I'm home already," I whispered on her hair.

"Niccoooo!" kinikilig niyang hayag at saka pinisil ang abs ko. May abs naman talaga ko, mahiyain nga lang abs ko kaya nagtatago sila sa ilalim ng taba.

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa'kin at hinarap ako. "Sige na, umuwi ka na."

Tinitigan k'o siya. Hindi ko talaga siya kayang iwan dito.

"Promise, Nicco," she raised her right hand, "okay na ko."

Huminga ako nang malalim. "Fine. But Jayla, I'm only one call away."

She smiled. "Thank you."

"I'll be there to save the day. Superman got nothing on me."

"Nicco naman, eh!"

Tumawa kaming dalawa at muling nagkatitigan.

"Goodbye kiss ko?" pang-aasar ko.

"Goodbye suntok gusto mo?" she even raised her right fist and creased her forehead.

Cute.

Ganda.

"Sige na, uuwi na ko." Hinawi ko ang bangs niya to expose her forehead just so I can kiss it. Then I fixed her bangs again. "Ayusin ko na ulit. Hindi pwedeng matagal na ma-expose noo mo, baka may biglang mag-landing na eroplano, mahirap na."

"Bwiset ka talaga! Umalis ka na nga!" Kinurot niya ulit ako sa imaginary abs ko.

"Ouch!" natatawa kong giit.

"Alis na!" Pinalo naman niya ko ng unan kaya napatayo na ko.

"Sorry na!" giit ko habang tumatakbo papunta sa may pinto pero hinabol niya lang ako ng palo.

A Victim's Aftermath [MEDICAL SERIES #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon