CHAPTER 27: Fade to Black

1.3K 86 20
                                    

Trigger Warning: Suicide

________________________

JAYLA

BINUKSAN ko ang pinto nang marinig ko ang sunod-sunod na tunog ng passcode ng unit namin. I know it's Nicco struggling to enter the right code because he's drunk again.

Pagbukas ko ng pinto ay agad siyang bumagsak payakap sa'kin at sumubsob sa leeg ko putting his weight on me. He's deadass drunk again.

Ilang gabi na siyang umuuwing ganito kalasing. Umaalis siyang naka-white uniform pero umuuwi siyang lasing at ibang damit ang suot na sa tingin ko ay binabaon niya sa school.

"Jayla, my home..." he whispered with drunk and husky voice.

"Bakit lasing ka na naman?"

Instead of answering me, he just hugged me tighter before letting me go. I held him as a support because he can't stand up straight.

He smiled with almost closed eyes due to drunkenness, then he raised his right hand to show me what he brought." Pashalubong, siopao."

Pinagmasdan ko siya at hindi ko maiwasang maawa sa nakikita ko. He's smiling but his eyes are really really sad. Sa tinagal-tagal ng pagsasama namin Nicco, nitong mga nakaraang araw ko lang siya nakitang ganito kalungkot.

At hindi ko na alam ang gagawin ko...

"May exam ako bukas, Bee. Aral muna ko. Hehe." Inabot niya sa'kin iyong siopao at nilagpasan niya lang ako at sinundan ko siya.

Pinagmasdan ko siya habang kinukuha niya ang mga gamit niya mula sa bag niya at nakaupo sa kama. He's so drunk to move and function properly.

Kumuha siya ng isang reprint na libro, humiga at binasa iyon. "Bakit sulat manok 'to?" tanong niya sa sarili.

Bumagsak ang libro sa mukha niya at ang sunod kong narinig ay ang paghilik niya.

Mabilis na tumulo ang luha mula sa mata ko pero mabilis ko ring pinahid iyon.

Pinuntahan ko siya at tinanggal ang sapatos at medyas niya. Pinigilan kong huwag tumulo ang luha ko pero hindi ko kaya, tuloy-tuloy ang pag-agos nito habang pinupunasan at binibihisan siya.

This has been our routine for weeks already and I am so damn tired for cleaning up his mess. I want to talk to him about this pero kapag nagigising siya sa umaga, parang walang nangyari, parang hindi siya umuwing lasing. Nasanay na siya alak na hindi na siya tinatablan ng hangover sa umaga.

I have my own battles and struggles in Law school, with my family and friends, with myself, and I don't know how to handle him now.

I wanted to scold him, yell at him, but I can't. Because even if he's going home drunk, even if he's caring less with himself, he has always been so good to me...

Nang matapos ko siyang bihisan ay tumabi ako sa kanya at saka tumalikod sa kanya just so I can cry silently. Then the next thing I felt is his arm wrapping around my waist and his head buried on my neck.

Mahal ko si Nicco, but he's becoming more and more toxic.


THE next day I woke up with a scent of breakfast. Bumangoon ako at lumabas ng kwarto, then nakita ko si Nicco na naghahanda ng breakfast naming dalawa. Bagong ligo rin siya. He's topless at may nakasampay na towel sa balikat niya.

He started gaining weight again dahil sa madalas niyang pag-inom. His facial hair is also growing longer and may mga tumutubo na namang pimples sa noo niya.

A Victim's Aftermath [MEDICAL SERIES #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon