Chapter 5

25.4K 846 422
                                    

Chapter 5

Smile


"Mooze!" tumaas na ang boses ko dahil sa patuloy niyang paghila.

Even though I could notice how careful he was about us being caught, I still shouldn't let my guard down. I'm still afraid of what Senyor could do to me once he heard about this again...

He was seriously sneaking me out. Minsan ay humihinto pa kami kapag may taong makakasalubong. He'd hide me behind him, and when the way is clear, that's when we'll continue walking.

Hinihingal ako nang huminto kami sa isang abandonadong building. There were no people around, and the building seemed under renovation or something.

"Look, I don't really know what you want from me. But if you want to play with me, I can't participate. I was honest when I said I can't be seen with you..." I said, controlling my voice.

Sumandal siya sa isang dingding na may mga cracks.

"I am not playing you, Win," he said using his own nickname for me. Namumungay ang mga mata niya.

I sighed. "Okay. Let's say you're really not playing me---" I was cut off.

"I said, I am not," mariin niyang sabi at pinagkrus ang mga braso. "I am not playing you..."

I don't really know how to react to it. Mahalaga ba na nalaman kong hindi nga niya ako pinaglalaruan? Para sa akin kasi... mas mahalaga na hindi kami makita ng mga tao. Hindi lang naman 'to para sa akin. I know Senyor, and he's capable of doing something evil. Ayaw kong madamay pa siya, o ang pamilya niya.

He just wouldn't understand, kasi nga wala siyang kamalay-malay sa nangyayari...

"I want to hear you out..."

Kumunot ang noo ko. "Ano ba'ng gusto mong marinig?" tanong ko at nagpunas ng noo dahil sa pawis. Ang init dito.

Inabutan niya ako ng panyo. "I'm sorry. I forgot your skin is sensitive. Dito lang kasi ang alam kong pribado..."

I nodded and took the handkerchief. Ang kati kasi 'pag bumababa ang mga pawis ko. I wiped my sweats while still panting. Kahit nakaka-ilang ang mga titig niya, hindi ko na lang pinuna.

"Why can't I be seen with you?" he asked after waiting for me to finish wiping my skin.

"You don't know... anything?" Nagtataka ako.

His dark eyebrows hardened. It enhanced the beauty of his eyes... No doubt it's easy for him to hook girls.

"Know what? Ano nga? Sabihin mo na para maintindihan ko..." atat nitong sabi. Is he a spoiled son? Paang gano'n kasi...

"Ang hirap kasing sabihin... dahil involve Daddy mo. I think it's better if you hear it from him?" with my convincing voice, I said. Nakataas pa ang dalawang kilay ko.

He was biting his lower lip. Nilalaro niya gamit ang mga ngipin niya. I think he's weighing my expression if I am really saying something.

"What? Magkapatid tayo? Magkadugo? May something ang parents natin?"

"Hindi!" tumaas na naman ang boses ko dahil sa pagkabigla. Ang dami ko ng kapatid sa ibang lalaki, dadagdag pa siya...

May dumaan na mabilis na pagka-aliw sa kan'yang mukha. He smirked and nodded.

"Your lolo is Archibald, right?"

Tumango ako. I shifted my weight and sighed. Ang bigat bigat ng dibdib ko.

Firm Tenacity (The Athletes #3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon