Chapter 2

30.3K 922 479
                                    

Chapter 2

History


"Gwapo rin! And it's obvious he's from a high profile family. I saw him yesterday, and he was with his bodyguards. There were many!"

Kyla and my friends were talking about the japanese transferred boy just beside our classroom.

"I'm loyal to Franco, kahit snob siya. Sa'yo na kaya, Cess? Baka maagawan ka pa..."

"Paano kung si Franco ang gusto ko, Mina---"

"Patayan na lang!" si Mina at nagtawanan silang tatlo.

I'm eating a banana cue while sketching random buildings. I don't usually involve myself whenever they talk about boys.

"You can speak Japanese, 'di ba?" biglang tanong ni Cess sa akin habang inaayos niya ang kan'yang hoodie. Malamig kasi sa room namin, at tag-ulan na rin.

"Yeah..."

She smirked. "Kausapin natin mamaya 'yong hapon?" tuwang-tuwa na anyaya niya habang nakangiti nang malapad.

I sighed. Bago pa man ako maka sagot ay nagsalita na siya.

"Oo na, ayaw mo," sabay nguso niya at lagay ng paa sa armchair niya.

"Tayo na lang! English speaking din naman 'yon, e! Idadamay mo pa si Norwyn." Inakbayan na lang ni Kyla si Cess sabay kindat sa akin nang pa-sikreto.

I leaned on my chair while looking at my classmates. Nilalamig silang lahat kaya suot nila ang makapal nilang mga hoodies. I am just in my PE uniform, wala ng iba pa. Hindi naman ako nilalamig dahil sanay ako sa ganitong temperature. To be honest, mas gusto ko na ganito palagi, kaso hindi pwede dahil lalamigin naman ang karamihan.

"I'll just buy water," paalam ko sa mga kaibigan ko habang nagkukwentuhan pa rin sila.

"Sama ako!" si Mina.

"Pabili rin ako tubig!" sigaw ni Kyla nang nasa hamba na kami ng pintuan.

Grade ten na kami kaya nasa fourth floor kami ng building. Nasa baba ang canteen kaya dumaan kami sa spiral na hagdan na nasa gitna ng junior high department. Dahil magkakaiba naman kami ng break time, walang gaanong estudyante sa canteen pagpasok namin.

"Let's have a study date on Saturday, bff? Sa bahay niyo para makita ko si Franco!" Mina snaked her hand on my forearm while we're on the line.

"Okay lang sa akin. Pero baka wala rin ang mga kapatid ko sa Sabado. May picnic yata sila."

Kinuha ko na ang wallet ko sa aking jogging pants dahil malapit na kami sa counter.

"And they won't bring you with them again?! Grabe naman talaga!" she reacted. Ang lakas ng boses niya kaya siguradong may nakarinig. "But I think it's better. Kasi baka apihin ka lang nila roon! Let's just have a study date..."

I chuckled. "Study date, then..." and I winked at her. Gano'n din ang ginawa niya at bumili na kami ng tubig.

Pabalik sa classroom nang makarinig kami ng mga bulong galing sa lower grades. Mina forced me to walk slower since the students are just in front of us. Gusto ko sanang sabihin na huwag na, kaso baka marinig kami ng mga babae. She wants to eavesdrop, and I feel bad about it.

"Oo, nandito sina Kuya Mooze sa school natin! Nandito kasi ang lolo nila ngayon at may pina-pirma yata..."

Kumunot ang noo ko nang marinig ang pangalan niya. It's almost a year since my encounter with him. He's not interacting with me personally, but frequently on social media. Hindi ko naman binibigyan ng oras ang mga message requests niya.

Firm Tenacity (The Athletes #3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon