Chapter 18

23.3K 767 660
                                    

Chapter 18

Supportive


"Ano ba 'yong nakalimutan mo?" tanong ni Mooze habang sinusundan ako pabalik sa condo. May naiwan kasi ako.

"My umbrella..." I answered and opened the door since I already knew the passcode of it.

Nasa basement na kami kanina kaso naalala ko 'yong payong ko. I want to bring it today since I'll be playing again for the interhigh. Kahit alam ko naman nang hindi kami mananalo, excited pa rin ako...

We had a practice match before. Natalo kami ng The Eagles kaya hindi ko nakalaro si ate Ate Kesian. I could even remember how Mooze cheered my name so loud even though we were competing on their school's girl volleyball team. Sana hindi siya gano'n mamaya.

"Umbrella? Why are you so sentimental? Ano ba ang maitutulong niyan sa laro mo? Lucky charm? Kulang pa ba ako?" Mooze asked and closed the door of the condo when I already got what I wanted.

I sighed while he was tailing me.

"This is from my brother..." sagot ko.

He bit his lip. He looked so apologetic.

"Oh, I am sorry... Hindi mo naman sinabi kaagad," aniya at nginitian ako. "I want to know you deeper. About your family in Japan, your childhood in Japan... everything. Will you allow me, though?" he asked while looking down at me since he's tall.

I nodded. "You can always ask questions about me. Sasagutin ko naman..."

Pinatunog niya na ang sasakyan niya. "Hindi muna ngayon. I want it to be romantic, so let's just postpone for the meantime. After this event I'll plan a date with you..."

I frowned because of his uncanny ways. He'll just know me deeper, why does he have to date me? We can do it over roadtrip or marathon-viewing. Uh, I forgot. Nanliligaw nga raw pala siya...

Madami nang tao pagdating namin sa campus kung saan gaganapin ang interhigh. Ito na ang huling taon ni Mooze sa basketball team nila. He's aiming to win this year and beat Kuya Vier's team.

"I'm sorry, Win, I'll have to beat that asshole. You know, cousin thingy," maarte n'yang sabi nang makita namin ang basketball team ng school namin.

Hindi ako sumagot dahil busy ako sa cellphone ko. Naglalakad kaming dalawa habang pinagtitinginan ng mga tao. Ganito sila mula noong naging malapit kami ni Mooze kahit sa publiko. I don't know why they're so curious about someone else's life.

"Hey, I'm talking... Bakit hindi mo ako pinapansin?"

Why is he so clingy? Sa tingin ko naman tama ang binigay na atensyon sa kan'ya ni Tita Mavie.

"I'm waiting for Mina's message since she'll join me everywhere I'd go just like the usual..." mabagal kong sabi nang nakatanggap na ng reply kay Mina.

Fr: Mira Nash

Your service picked me up! Inutos mo ba?

What? Hindi ko naman inutusan si Kuya Rovic... Napangisi tuloy ako kaya kinulit na naman ako ng katabi ko.

"Nagseselos ako... Sino'ng kausap mo?" Hindi seryoso si Mooze nang sabihin 'yon. It's like he's just mocking.

"Si Mina nga..." nagtitimpi ang boses ko.

"Galit agad si miss ma'am ko. Grabe na talaga ang mundo," aniya at malakas na tumawa. Hindi ko na inalis ang kamay niya na nasa balikat ko. I know he's so cocky right now again.

Fr: Mira Nash

Nasa labas na ako ng gate. Wait mo na lang ako sa harap ng gymnasium, bff. Na-stress ako sa driver mo. Gusto ba ako no'n? Tsk!

Firm Tenacity (The Athletes #3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon