Chapter 17

22.2K 831 263
                                    

Chapter 17

Almost


I calmed down when we're driving somewhere. He was still mad and he received a call just now. Tinanong yata kung saan na kami pupunta dahil ang sagot niya ay sa bahay.

He wasn't talking and his face was still dark and intimidating. Hindi rin ako nagsasalita dahil hanggang ngayon mayroon pa rin 'yong takot ko.

We stopped in front of a gigantic gate. Binuksan 'yon ng dalawang naka puting lalaki at dumiretso ang sasakyan sa isang hallway. There were coconut trees on both sides of the road. Mistulang resort ang pupuntahan namin. We stopped in front of a big mansion. Mas malaki pa sa mansion ni Senyor.

"This is your family's house?" I asked and looked at him. Wala na siya sa driver's seat at nakita ko na lang na bukas na ang pintuan ng upuan ko.

He didn't answer me. Pirmi ang hawak niya sa aking kamay. We entered inside the big double doors and we were welcomed by some of their maids. There was a swift shock in their eyes.

I was dazed when we passed by a familiar woman who looked like Hiraya. Gaya ng ibang nadaanan naming tao ay gulat din siya. I even saw her mouth open slightly before we walked upstairs.

"I think it's your mom, Mooze. Hindi mo ba babatiin?"

Ako ang nahiya dahil hindi man lang namin siya pinansin. Gulat ba siya dahil ang bastos ng ginawa namin?

"Why? Is her birthday today? Pupunta 'yan mamaya sa kwarto ko," masungit n'yang sabi at hinila ako papasok sa isang malaking kwarto.

Binitawan niya na ako. He looked so frustrated when he removed his shirt. I looked away and saw him entered on the other door. Nang nakapasok na siya ay saka ko lang nilibot ang mga mata ko. I think he'll change clothes.

His room is really spacious and spotless. There were no things that were out of place. Black and white ang tema ng kan'yang kwarto, at pati ang amoy nito ay panlalaki-panlalaki. There's a black painting above the headboard of his bed, and it's an abstract.

May malaking kurtina ilang metro malayo sa kan'yang kama. There was a slight opening, and I concluded that it will lead you to his veranda once you open it.

I screamed a bit when he pulled me quickly. Nakapalit na siya ng itim na shorts at puting v-neck t-shirt. He sat on his bed so I did the same. I noticed he was holding a box of first aid.

"Where's your wound? I'll clean it..." I said softly while examining his face. Mayroong maliit na cut sa gilid ng labi niya.

He still looked so pissed. Hindi pa rin yata nakakalma. Halos mapaigtad naman siya nang hawakan ko ang kamay niya na may sugat. If his fist bleeds because of punching, then Joseph must've been hurt so bad, too...

"I'll clean it..." sabi ko at naglabas na ng kailangan mula sa box.

"Did he hurt you? Did he say anything?" he asked abruptly and carefully made me look at him. "Win..."

Umiling ako. "Hindi ako nasaktan at wala rin s'yang sinabi, Mooze..."

He sighed. "But your chin was red earlier. Madiin ba ang pagakahawak niya?"

Ayaw kong magsinungaling pero ayaw ko naman na mas lalong magalit pa siya.

"No... My skin is just really sensitive." Umiwas na ako ng tingin dahil baka mahuli n'yang nagsisinungaling ako.

"I also held your chin so many times, but it never turned out like that. You are lying to me..."

Hindi na siya nagsalita pagkatapos n'on. Nagpatuloy naman na ako sa paglinis ng sugat niya sa kamay. Hindi naman malala pero may kaonting dugo. He seriously punched hard. Ang ganda at ang linis pa naman ng kan'yang mga kamay...

Firm Tenacity (The Athletes #3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon