Chapter 13

22.8K 887 266
                                    

Chapter 13

Karma


Nalinis na ang kabilang kwarto kaya roon na natutulog si Mooze. The first week, I was really not comfortable alone with him because he's still a boy. Pero nang magtagal na, unti-unti na akong nasanay. He's not doing anything bad, and he also doesn't talk dirty so it really helped me get along with him.

"Ubusin mo," nguso niya sa gatas sa harap ko.

He has been cold since last week and I don't know why.

"Uubusin ko naman..." sabi ko habang nagsasagot ng assignment.

Madaling araw pa lang, naka-uniform na kami at naghihintay na lang ng oras. May isa pa akong hindi nagawa na assignment kaya ginagawa ko na bago kami umalis.

I looked at him, and he's busy with his phone. Biglang umalon ang mga kilay n'ya sabay tingin sa akin.

"Problem?" he asked with his eyebrow raised.

Umiling na lang ako. I feel like there's really something wrong. Gusto ko ngang ibalik sa kan'ya ang tanong kaso nahihiya naman ako. Tinusok ko na lang ang dulo ng pencil sa aking pisngi at nag-isip ng sagot.

We always wake up early. He's always the first one to wake up. Paggising ko ay laging may nakahanda ng breakfast. I can cook basic food, kaso hindi ko magawa dahil palagi s'yang nauuna. Kapag dinner naman, s'ya rin...

Hindi ako maka-focus sa sinasagutan ko dahil sa katahimikan. Ganito palagi kaya mas gusto ko na lang na maaga kaming pumapasok. Nakaka-pressure 'yong katahimikan. I don't even know why it's pressuring...

"Pasok na tayo..." sabi ko at nagsimula nang ayusin ang mga gamit ko.

"Why do you always want to go to school early? Are you meeting your step brother who's in love with you?" he asked frankly without moving on his chair.

I stopped what I was doing. Hindi ko inaasahan na sasabihin n'ya 'yon sa akin. He knew about Franco's feelings for me because Mina slipped her tongue when we were with him.

I didn't know why I felt offended at that. Para rin akong nasaktan sa paratang niya. I didn't explain. Tahimik na lang akong lumabas sa unit kasama ang bag ko.

I thought he will stay there, pero pumasok na rin siya sa elevator pagpasok ko. We were still silent. Sa repleksyon, halatang-halata ang pagka-irita sa kan'yang mukha. I feel like I'm such a burden to him now...

Tahimik pa rin kami sa sasakyan. I was just watching the cars passing by silently. Sinuot ko ang hood ko dahil malamig sa loob. Ber months na rin kasi...

Nakita kong hininaan niya ang aircon ng sasakyan. Pagtigil ng sasakyan sa harap ng gate namin, binuksan ko na kaagad ang pinto. I bowed a little after closing it and walked straight in the school.

Maingay si Mina sa upuan habang ako naman ay malalim ang iniisip. Mommy has never told me anything about her second marriage but I was never frustrated. Bakit kay Mooze... frustrated ako?

Hindi ko na sinabi kay Mina ang nararamdaman ko. It'll just get more complicated.

We were playing for our daily training when I saw Mooze with Thalia visiting our school. Alam ko naman na ako ang sadya n'ya, pero...

Nag-spike na lang ako. I shook my hand after doing it. Natawa ang teammates ko kaya natawa na lang din ako kahit medyo masakit. Nabigla yata...

Pagtingin ko kina Mooze, papalapit na siya kaya nanlaki agad ang mga mata ko. I shook my head and he stopped. Thalia went to him and held his arm. I was relieved a little. Seryoso naman ang tingin ni Mooze pero parang naiinis. He clenched his jaw and rolled his eyes at me. He kicked a stone when he turned his back. Umalis na sila ni Thalia.

Firm Tenacity (The Athletes #3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon