Chapter 14

22.9K 769 398
                                    

Chapter 14

Friend Fight


"Medical mamaya. Sa school namin ang venue," sabi ni Mooze.

Madaling araw at hinihintay lang ulit namin na lumiwanag nang kaonti dahil masyado pang madilim at malamig.

Tumango ako habang nag-i-scroll ng advanced appliances sa isang site. I was just really amazed with how they were created. Nasa kitchen kami at magkatabi sa harap ng countertop. He's busy... disturbing me.

"Don't you want to let your hair grow till your waist? When you were disguised with the wig I bought, you look more mature..." he said while staring at me. Sa gilid ng mga mata ko, kita kong nakapatong ang baba niya sa kan'yang palad.

"Gusto ko... pero naiirita kasi ako kapag mahaba," sabi ko habang seryoso pa rin sa pagtingin ng appliances. Ang high-tech kasi lahat. I think the company was based in Tokyo.

"Mahaba?" he asked and chuckled. "Mahabang buhok," aniya at umiling-iling. Nakita ko na humikab siya kaya nilingon ko.

"Do you sleep in your classroom?" I asked randomly and turned my phone off. Malapit na rin kasi kaming aalis. Nilagay ko na sa bag ko.

He huffed and raised his eyebrow at me. "I am studious, Win. Bakit naman ako matutulog sa klase?" mayabang ang tono n'ya.

"I mean, if you have free time... You're always deprived of sleep, kaya sa tingin ko nakakatulog ka kapag vacant niyo."

I looked away because his eyes are really seductive in nature. Hindi ko alam kung sinasadya n'ya, o talagang gano'n ang kan'yang mga mata.

"Are you concern?" he asked. "Sasagutin ko lang ang tanong mo kung aaminin mong concern ka."

I sighed and looked back at him. "Of course, I am. Dahil naman sa akin kaya ka napupuyat. You sleep late, and you wake up so early..." I pointed out.

I see him yawn so frequently. Hindi ko lang maiwasang isipin kung paano na siya sa kanilang training. Mahirap pa naman ang training ng basketball players base sa pinapanood namin ni Mina sa court ng school.

Ginulo niya ang buhok niya at nanlaki ang mga mata ko nang hilahin niya ang upuan ko palapit sa kan'ya.

"Mooze!" Then I glared a bit at him.

Nagulat ako sa ginawa niya. And now we're so close. Ayos naman na 'yong distansya kanina. Hindi naman sobrang layo. Wala pa ngang isang metro!

"Ang layo mo kasi," he murmured seriously like what he did was nothing! "To feed you information, hindi ako natutulog kahit may vacant. I have fun with my friends every time we have free time. Napapagod ako sa training pero ayos lang kasi gusto ko naman ang ginagawa ko."

Tumango ako. Ganito siguro talaga ang mga lalaki. They have so much energy compared to girls. Their endurance is really high. But it doesn't mean they don't get tired anymore. They're still humans.

"Ikaw? Natutulog ka siguro sa klase," tawa n'ya at pinasadahan ang ilong ko gamit ang kan'yang hintuturo. He laughed when I moved my face away.

"I don't sleep when the class is going on," sabi ko at inayos ang aking ipit.

"But you sleep when you have vacant classes?" he guessed like he's already sure of it. "Kaya 'di mo nasasagot mga messages ko?" he crossed his arms. Naningkit ang mga mata niya.

Tumango ako. I couldn't help but notice that every day we're getting closer to each other. Gano'n naman kasi yata talaga kapag lagi mong kasama 'yong tao. And to think that we live under the same roof, that made us even comfortable with each other.

Firm Tenacity (The Athletes #3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon