SIMULA

47 5 0
                                    

"TUMABI KAYOOO!" malakas na sigaw ni Rae. 

Tumatakbo 'tong mabilis dahil tinatakasan niya ang mga nambu-bully sa kaniya. Wala nagawa ang ilang estudyante na tumabi lalo't sanay na sila nakikita si Rae na tinatakasan ang mga mambu-bully nito.  

"Ang high school life ni Rae! Haha!" 

 "Iba si Rae, dami humahabol! Haba ng hair!" 

"Wohhh, takbo, Rae! Takbo! Haha!"

Nakahinga ng malalim si Rae nang makitang wala na sumusunod sa kaniya. Nakita niya ang paligid at napagtanto niya na nasa rooftop siya ng kanilang paaralan. 

Napabuntong hininga ito at naupo sa mainit na sahig. 

 "Hutek! Kailan ba nila ako titigilan? Palagi nalang. Hindi pa ba sila nasasawa?" inis niyang ani.

Dineretso ni Rae ang dalawang binti niya at hininga ang katawan. Hindi niya alintana ang sikat ng araw at ang mainit na sahig. 

"Anong masama sa pagiging mataba?" 

Linapat niya ang dalawa niyang kamay sa magkabila niyang mabibilog na pisngi. 

"Actually ang cute kapag mataba, diba?" 

Napabuntong hininga siya.

"Sino nagsabi?" walang emosyong boses ng lalake.

Dali-dali napatayo si Rae sa pagkakahinga ng makita niya ang lalakeng palayo sa kaniya. Hindi na niya ito nahabol dahil umalis agad ito.Napahawak si Rae sa kaniyang dibdib dahil sa gulat na naramdaman. 

"S-Si G-Gideon ba 'yon?" tanong niya sa sarili. 

"Si Gideon nga!" malakas na sigaw niya. 

Natahimik siya ng ilang sandali habang nakatingin sa pintuan na nilabasan ng lalake bago siya sumigaw ng sobrang lakas. 

"Wah!! Si Gideon nga! Omygod! Kinausap niya ako!!!"Patalon-talon pa ito sa sobrang sayang nararamdaman. 

Si Gideon Wyatt Madris o mas kilalang Gideon na nag-iisang crush ni Rae. Apat na taon na niya itong gusto at ni minsan ay hindi siya nito tiningnan, pinansin at kinausap kaya ngayon na kahit saglit lamang ay hindi na niya mapaglagyan ang kasiyahan niya. 

Masasabing perfect guy si Gideon dahil lahat ng gusto ng mga babae ay nasa kanya. 

Matangkad, matalino, maganda ang porma, mabango, palangiti, magalang, at mabuting lalake. Hindi pinagsisihan ni Rae na gustuhin si Gideon ng apat na taon kahit hindi siya nito pinapansin. Ang isang tulad ni Gideon ay  hindi mapagpapalit sa kahit kanino. 

"Hoy! Huwag ka tumalon! Baka magiba yung lapag!"

Napahinto si Rae sa pagtalon nang marinig iyon.Nakita niya ang isang lalake na galing sa isang sulok. Pailing-iling ito lumapit sa kaniya. Si Rae ay napa-ngiwi nang makita ang lalake.At ang lalake ay si Logan, ang classmate niya simula pa noong grade 1 siya. 

"Ano nanaman, Luma?!" inis na tanong ni Rae kay Logan. 

"Rae, Logan pangalan ko, hindi Luma." kalmado nitong ani. 

Rae rolled her eyes, "so?"

"Mukha kang Luma, 'di bagay sayo yung Logan," she tsked. 

Pumalakpak sa hangin si Logan sa narinig niya kay Rae. 

Nagpamewang si Logan. "Wow! Hiyang hiya naman ako sa pagiging biik mo, Rae?" he chuckled.

"LOGAN!"

"Haha! Dapat ka pala galitin para lang tawagin mo 'ko sa pangalan ko, Rae."natatawang turan ni Logan kay Rae. 

"Tsk! Ewan ko sa' yo!" inis na ani Rae pagkatapos ay umalis na.

Siya si Raelynn Aislinn Doxon ang palaging usapan at gustong gusto ng mga kapwa estudyante niya. Gustong gusto siya asarin sa pagiging mataba niya. Sa edad na 17 ang timbang ay nasa 85 kilo. Hindi masyado pinapansin ni Rae ang mga pang-aasar sa kaniya ng mga kapwa estudyante niya dahil nasasanay na siya. Sawa na siya na pumalag sa mga iyon at magsalita ng mahaba kaya hinahayaan nalamang niya ang mga iyon. Alam niya sa sarili niya na titigilan rin siya ng mga iyon. Mapapagod rin.


Thank you~

EVENINGWhere stories live. Discover now