Chapter 10

4 1 0
                                    


Logan's POV

"Nasaan si Rae?!" galit na galit kong tanong kay Gideon. Nakasalubong ko siya at hindi niya kasama si Rae.

"Bakit mo tinatanong?"

Dahil sa galit na nararamdaman hindi na ako nagpapigil pa. Sinuntok ko siya sa pisngi na sobrang lakas.

Ayon, napaupo siya sa sahig.

"Gag* ka pala e! Ano yung pinagsasabi mo? Ano magpapakasal kayo?! Hindi ako naniniwala, gag*!"

Maniniwala na ako sa magnanakaw, hindi sa kanya.

Lahat ng tao dito sa paaralan na 'to alam na hindi gusto ni Gideon si Rae, kaya anong magpapakasal?

Tumayo siya at ngumisi sa harapan ko.

"Kung ayaw mo maniwala pumunta ka sa kanila. Para sabihin ko sa' yo, nakahanda na ang lahat. Next week, akin na siya, buong buo."

Sinuntok ko muli siya pero hindi na siya napaupo sa sahig.

"Sige lang, suntukin mo lang ako! Kahit naman bugbugin mo ako hindi mapipigil ang kasal."

Lumapit siya sa akin na parang hindi nasuntok ng dalawang beses.

"Bakit? Hindi mo matanggap na hindi ikaw ang makakatuluyan niya?"

Naguluhan ako sa sinasabi niya.

"Bakit ayaw mo pa umamin sa kanya? Ako sa'yo umamin kana hanggat maaga. Kasi kapag nakasal siya sa akin, hindi ko na hahayaan mapunta siya sa'yo."

Naglakad siya palayo sa akin pero huminto rin sa paglakad. Nagsalita siya na hindi na ako nililingon.

"Kung ikaw ang pipiliin niya, hahayaan ko siya sa'yo," he chuckled.

Gag* ka!

Hindi ko pinansin si Gideon, hinanap ko si Rae.

Naisip ko kung saan mahilig pumunta si Rae at iyon ang rooftop. Dali-dali ako tumakbo para makapunta, at hindi ako nabigo, nandoon siya. Nakasandal siya sa mainit na bato at nakapikit.

Ito ang pinaayaw kong ginagawa niya. Bakit gustong gusto niya i-prito ang sarili sa mainit na araw.

Pinuntahan ko siya. Hinarangan ko ang sinag sa kanya.

"Logan, ikaw ba iyan?" matamlay niyang tanong habang nakapikit siya. Tumango ako kahit hindi naman niya ako nakikita.

"Logan.."

Dali dali ko siya nilapitan. Ito ang unang pagkakataon na tinawag niya ang pangalan ko na hindi siya galit sa akin.

Itinayo ko siya at idinala sa lilim. Nakapikit pa rin siya.

Naramdaman ko ang mahigpit niyang yakap sa braso ko. Hinubad ko ang polo ko at inilagay sa binti niya na namumula dahil sa init. Naka t-shirt naman ako kaya walang masama.

Nagulat ako na bigla niya ako niyakap, niyakap ko siya bigla na marinig ko ang kanyang pag-iyak.

Hinayaan ko lang siya umiyak at hindi nagsalita. Hinimas-himas ko ang ulo niya.

Ano nga ba talaga ang nararamdaman ko sa kanya?

Una ko siya nakita noong grade 1 hindi na siya mawala sa isip ko. Dahil hindi niya ako mapansin, binubully ko siya. Nasasaktan ako tuwing nakikita ko ang pag-iyak niya pero natutuwa ako tuwing nakikita ko ang sibangot niyang mukha. Ang cute niya kasi. Gano'n ang ginawa ko sa buong elementary days namin. Nang mag high school kami, doon na siya unti-unti tumaba. Dahil sa katabaan niya palagi siya tinutukso. Nakita ko na araw araw siya umiiyak sa gilid dahil sa panunukso sa kanya. Naisip ko ang mga ginawa ko sa kanya nung elementary kami. Kapag ba binubully ko siya umiiyak rin kaya siya sa tabi? Ganoon rin ba ang pakiramdam niya? Nasasaktan rin ba siya? Simula nun hindi ko na siya binubully. Naisip ko na pwede naman niya ako mapansin kahit hindi ko siya sinasaktan. Gustong gusto ko makitang nakangiti siya. Gusto ko siya makita araw araw. Makita ko ngalang siya kompleto na ang araw ko. Dahil sa panunukso, hindi siya nakikisalamuha sa iba. Palagi siya nag so-solo. Nalaman ko na gustong gusto niya sa rooftop kaya palagi ako nandoon. Hindi ako nagpapakita sa kanya tuwing nandoon siya. Binabantayan ko lang siya kasi baka pati doon ay may manakit sa kanya. Noong nalamn ko na may gusto siya kay Gideon, nasaktan ako. Dumating panga ako sa point na binugbug ko si Gideon sa cr. Nagseselos ako. Oo, nagseselos ako. Mas nagselos ako na kahit hindi siya gusto ni Gideon, wala siya pakielam. Hindi ko nakita si Rae na masaya. Nangako ako na kapag nagkaroon ako ng pagkataon, araw-araw ko siyang pasasayahin. Gagawin ko ang lahat para sa ikaliligaya niya. Na dumating ang araw na hinahayaan na niya ako, sobrang saya ko. Nakakasama ko na siya. Nasasama ko siya sa lugar na gusto kong puntahan kasama ang taong mahalaga sa buhay ko. Palagi kami sabay kumakain. Nag kwe-kwentuhan ng masaya at higit sa lahat, napro-protektahan ng buong-buo. Akala ko kontento na ako sa ganoon. Masaya na kasi ako dahil binigyan niya ako ng chance na mapalapit sa kanya. Pero sa nagdaang panahon, naramdaman ko ang unti-unti pagbabago sa pagtibok ng puso ko tuwing kasama siya. Ang mga ngiti niya, ang tawa niya sadyang nagpapaligaya sa akin ng sobra sobra. Sumasakit ang puso ko kapag nakikita siyang malungkot, nag-iisa at umiiyak. At kanina, parang nadurog ang puso ko sa narinig ko kay Gideon. Magpapakasal silang dalawa. Mapupunta siya kay Gideon. Pero ang sakit. Sa sinabi niya kanina, alam ko na ang nararamdaman ko. Hindi lang kaibigan ang gusto ko makuha sa kaniya, pati na rin ang puso niya. Mahal na mahal ko na siya. At hindi ko kaya mawala siya sa buhay ko. Ngayon ko lang na realize na masaya ako sa kanya dahil mahal ko siya. Nagtago ako sa salitang "kaibigan" pero ang totoo "pagmamahal" ang nais ko sa kaniya.

EVENINGWhere stories live. Discover now