Chapter 1

17 3 0
                                    

"Lalala~" "Lalala~"


 Patalon talon na naglakad si Rae pauwi sa kanila. Hanggang ngayon ay hindi niya malimutan ang pagkausap sa kaniya ng crush niya kani-kanina. 

"I'm home, everybody!!" masiglang anito.

Nabigla ang mag-asawang nasa living room sa narinig at sa nakikitang nilang babae na sobra ang makangiti. 

"Ikaw ba 'yan, Rae?!" nanlalaking mga mata ng ina niya. 

"S'yempre naman, mama!" 

 "Weh, ba? Baka ibang Rae ka? Nako mali napasukan mong bahay, iha, " ang ama naman niya.

Napailing nalang si Rae sa mga magulang niya. 

Nagkatinginan ang mag asawa sa isa' t isa. Hindi sila makapaniwala na nakangiti ang kanilang anak. Totoong ngiti. Ang alam nila ay ni minsan ang kanilang anak ay hindi ngumiti ng totoo dahil sa araw araw na nabu-bully 'to. 

"Aywan ko sa'nyo. Akyat na po ako sa taas, ha. Goodnight!" masayang paalam ni Rae at walang ano ano ay umakyat na sa taas. 

Naiwan ang mag asawa sa baba na hindi makapaniwala sa kanilang anak. 

KINABUKASAN ay dali-dali bumangon si Rae para maghanda sa pagpasok sa eswela. 

"May dahilan na para pumasok akong masaya, at 'yon ay si Gideon!!!!!" anito sa harap ng kaniyang salamin. 

Ang kaniyang mga paa ay pinadyak niya ng paulit-ulit habang nakaupo at ang dalawang kamay ay nilapad sa magkabilang niyang pisngi. Hindi siya nakatulog sa kakaisip kay Gideon. Hindi talaga siya makapaniwala na kakausapin siya ng matagal na niyang crush. Ika nga niya, isang kpop star ang nagsalita kahapon. 

Tok! tok! tok!

Napahinto siya nang marinig ang mga katok. Bumukas ang pintuan ng kwarto niya at nakita niya ang mama niyang naka apron pa. 

 "Honey, bumaba kana. Kakain na tayo," nakangiting ani sa kaniya ng mama niya. 

Tumango si Rae sa ina na may ngiti sa labi. "Sige, ma. Sunod po ako," sagot niya. 

Nang nasa dining room na si Rae at naupo sa pwesto niya ay lumaki ang mga tenga niya dahil sa usapan ng mama't papa niya. 

"Ano tungkol kay Gideon, ma?!" usisa ni Rae. 

Siya at si Gideon ay nasa iisang village lamang nakatira at magkatabi ang kanilang mga bahay. Ang tapat ng bintana ng kwarto ni Rae ay tapat ng veranda ng kwarto ni Gideon. 

"Sinugod daw sa hospital kagabi. Nag aalala nga ako kasi baka ano nangyari na," bakas sa ina ni Rae ang pag aalala. 

Natulala si Rae sa narinig niya. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Naalala niya ang kahapon, ang kahapon na pinansin siya ni Gideon sa unang pagkakataon. 

Dali dali tumayo si Rae at kinuha ang bag. 

"Papasok ka na? Hindi ka pa kumakain," ang ama niya. 

"Ah, naalala ko may group activity kami ng classmates ko. Pasok na po ako," sagot niya. 

Pero ang totoo ay wala naman talaga. Nang makalabas si Rae sa gate nila ay tumungo siya sa harap ng bahay nina Gideon. Nag aalala siya. Alam niya na wala siyang karapatan na mag alala. Pero hindi niya kaya magtiis. Madalas niya naririnig na palaging sinusugod si Gideon sa hospital. Hindi niya alam kung ano ang sakit nito dahil hindi naman sinasabi ng mga magulang ni Gideon.

Nataranta siya nang makita ang kasambahay nina Gideon. 

"Oh, Rae! Bakit ka nandito?" nakangiting tanong ng matandang kasambahay. 

EVENINGWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu