Chapter 13

2 1 0
                                    


Na makita ni Gideon nakalayo na ang kotse na sinasakyan nina Logan at Rae ay dali-dali siya pumasok ng bahay nila.

Makakasalubong niya ang matanda nilang kasambahay. Binati siya nito na masigla.

"Hi, sir! Good afternoon!"

Hindi sana papansinin ni Gideon ang matanda pero liningon niya ito sabay abot ng box na dala niya. "Cake, sa inyo nalang," wala itong emosyon.

Kahit nabigla ang matandang kasambahay ay tinanggap niya ito at agad nagpasalamat.

Nakita ni Gideon ang magulang niyang kumakain sa dining room. Na makita siya ay tumigil ito sa pagkain at tumayo para harapin siya. Tinawag siya nito, hindi siya nagpatigil sa pagpunta sa taas hanggang sa tumaas ang boses ng daddy niya na ikinahinto ng paghakbang niya sa hagdanan.

"Gideon! Huwag mo kami tinatalikuran!" nanggagaliiti ito sa galit.

Ilang araw na rin sila na hindi maayos kinatutunguhan ni Gideon, dahil sa araw na araw na tanong kung bakit hindi matutuloy ang kasal.

Humarap si Gideon sa magulang at bumaba sa hagdanan. Tumayo siya sa harap ng kanyang magulang habang nakapamulsa ang pareho niyang kamay sa magkabilang bulsa ng suot niyang pantalon.

"Kahit ano gawin niyo sa akin, hindi ako makakapayag na ituloy ang kasal," walang emosyong ani Gideon sa magulang.

"Bakit?" malungkot at puno ng pagkagulat na mommy ni Gideon.

Tumingin si Gideon sa ina. "Alam mo ang dahilan, mommy. " Tumingin siya sa ama niya, "at ikaw rin daddy, alam mo rin."

"Gideon, ganyan ba ang itinuro ko sa'yo?! Hindi namin itinuro ng mommy mo sa'yo na manakit ng babae!" ang daddy niya. Dahil sa galit ay nangigilid na ang luha niya.

"Pero iyon ang ginagawa niyo, mom! dad!" nagulat ang mag-asawa na biglang tumaas ang boses ng kanilang anak.

Nilagay ni Gideon ang kaliwa niyang kamay sa kanyang bewang at ang isa ay inilalahad sa kanyang mga magulang at napapaturo sa sarili.

"Mom, dad, alam niyo na hindi na ako mabubuhay, alam niyo na hindi ako tatagal dito, at alam na alam niyo na mamatay ako anytime! So bakit ginagawa niyo 'to?!" kitang-kita ang mga ugat sa leeg ni Gideon dahil sa matinding emosyon.

"Gideon!Tumigil ka na! " saway ng ama niya.

Umiiyak na ang mommy ni Gideon. Hindi niya kaya makita ang anak niyang gano' n. Ang marinig ng mag-asawa ang salitang "mamatay" ay sobrang nagpapadurog ng kanilang puso.

"Ayoko, dad. Gusto ko malaman niyo na mali ang ginagawa niyo! Alam niyong mahal na mahal ako ni Rae, alam na alam niyo! Kaya.. bakit niyo hahayaan na masaktan siya?"

"A-Anak.. hindi iyon ang i-intensyon namin s-s-saka huwag ka magsalita na mamatay ka—" hindi naituloy ng ina ang sinasabi niya dahil sumabat ang kanyang anak.

"Mamatay na ako, mom! Mamatay na ako."

Napaupo si Gideon sa upuan at sinapo ang mukha niya gamit ang dalawang palad niya.

"Ano ang intensyon niyo?" tumingin si Gideon sa magulang.

"Alam niyo na diba?"

Tumayo si Gideon. Ang kaliwang kamay niya ay nakahawak sa lamesa.

"Alam niyo na mahal ko rin siya, kaya nag-isip kayo ng paraan para maging masaya ako sa mga natitira kong buhay, tama ako diba?"

Hindi nakapagsalita ang mag-asawa.

Dahil tama ang kanilang anak.

"Ano, isa-sacrifice niyo ang kasiyahan ni Rae para sa kasiyahan ko?!"

"Mahal na mahal ko si Rae at hanggang sa huling hininga ko ayaw ko siya masaktan! Sana maintindihan niyo," naupo muli siya.

Isinandal niya ang kanyang likod sa sandalan ng upuan.

At pinakalma ang sarili.

"Hindi ko kailangan maikasal sa kanya para maging masaya ako. Masaya na ako kapag nakikita siyang masaya."

"Pero si Rae, kahit kailan hindi magiging masaya."

Hindi pinansin ni Gideon ang ina.

"Naiisip mo ba na paano magiging masaya si Rae kung patuloy mo siyang sinasaktan. E ano naman kung mamatay ka, ha?! E ano naman?!" tumaas na ang boses nito.

Linalakasan niya ang kanyang loob para sa anak. Nararamdaman ni Mr. Madris ang emosyon ng asawa kaya inaaalalayan niya 'to.

"Ang makasama ka ang tanging hiling niya sa buong buhay niya. Wala siyang pakielam kung hindi mo siya gusto o kung wala kayong happy ending."

Napukaw ang atensyon ni Gideon do' n.

"Ginawa namin ng daddy mo ang lahat para matupad ang pangarap niyong dalawa! Ginawa namin lahat, Gideon! Tapos ibabasura mo nalang, ha?!"

"Hindi mo ba kayang pagbigyan ang hiling niya habang nabubuhay ka, anak ko.."

At sa puntong 'to, nagsimula nanaman magsitulo ang mga luha ni Mrs. Madris.

Naiintindihan ni Gideon ang kanyang magulang, pero hindi niya pa rin kaya magpakasal. Iniisip palang niya na iwan si Rae pagkatapos niya mangako sa harap ng altar ay nadudurog na ang puso niya. Hindi niya kayang umiyak nang umiyak ang babaeng mahal niya. Mas gugustuhin pa niya na lumayo ang loob ni Rae sa kanya, mapunta 'to sa ibang lalake at masaktan siya ng paulit-ulit.

Nakapag-desisyon siya. Hindi siya makakapayag na makapasok sa buhay niya si Rae. Mahal na mahal niya si Rae, kaya ayaw niya ito masaktan. Hihintayin na lamang niya ang kanyang pag-alis sa mundo.

Napaiyak ng sobra ang ina sa desisyon ng kanyang anak.

"Mark, kausapin mo ang anak mo! Hindi ako makakapayag na hindi sila magiging masaya!" pagmamakaawa ni Rose sa asawa.

"Hon, hindi na natin mababago ang desisyon niya saka may point si Gideon."

Hawak-hawak niya ang kanyang asawa sa magkabilang balikat nito para mapakalma. Dahil sa narinig ni Rose sa kanyang asawa ay nanghina ang kanyang mga binti. Naupo sila pareho sa upuan. Magkaharap.

Umiling si Rose. "Ayoko pa rin. Buong buhay ni Gideon tinago lang niya ang nararamdaman niya. Saksi ako kung paano niya mahalin si Rae ng patago. Paulit-ulit ko siya tinatanong pero paulit-ulit niya dine-deny. Kahit dine-deny niya, alam na alam ko kasi mommy niya ako! Kahit masakit isipin.. h-hanggat nabubuhay siya gusto ko maging masaya siya, gusto kong maging masaya sila ni Rae, gusto ko maranasan nila kung paano maging masaya sa piling ng isa't isa. Gustong-gusto ko, Mark, p-pero ba't ganito.."

Hindi na nakaya ni Rose ang emosyon. Isinubsub niya ang kanyang mukha sa dibdib ng asawa at doon umiyak.

"Puro hirap ang pinagdaanan ng anak natin, Mark! Gusto ko siyang maging masaya! Sobrang saya!"

Niyakap ni Mark ang asawa kasabay nun ang paghimas niya sa likod. Pinipigilan niya ang kanyang emosyon. Ayaw niya ipakita na kahit siya ay gustong maging masaya ang anak, ngunit naisip niya ang mga sinabi ni Gideon sa kanila.

Si Rae kahit hindi niya nakakausap alam niyang mabait ito. Isa itong crystal na kailangan ingatan at hindi pwede mabasag.

Hindi na niya alam ang gagawin.

Thank you~

EVENINGWhere stories live. Discover now