Chapter 4

3 1 0
                                    


Makalipas ng maraming oras ay bumangon na si Rae sa pagkakahiga at lumabas ng kwarto niya. Nakita niya sa wall clock na 2:30 am na. Dahil sa gutom na naramdaman ay dali-dali siya tumungo sa kanilang kusina at kumuha ng mga pagkain. Dahan dahan siya naghahalungkat, ayaw na niya makaistorbo pa. Dala ni Rae ang mga pagkaing nakuha niya pagkatapos ay pumunta sa veranda ng library nila na nasa 3rd floor.

Nilatag niya ang mga nakuhang pagkain sa bilog na lamesa. May 3 hamburger, 2 hotlog, egg rolls, spicy ramen, isang slice ng chocolate cake, at coca cola.

"Tapos na ako mag luksa, kailangan ko na kumain, I'm so hungry na," nakangiting turan niya habang nakatingin sa mga pagkain.

Nagsimula na siya sa pagkain, habang siya ay kumakain ay nakatingin siya sa labas na kung saan tanaw niya ang mga maliit na bahay sa labas ng kanilang village, maraming ilaw at iba iba ang mga kulay. Malakas ang hangin na mas nagpa ganda sa mood ni Rae.

Logan's POV

Hindi ko lang makita si Rae ng ilang minuto ay hindi na ako mapakali. Naiintindihan ko kung hindi siya pumasok ngayon. Pero hindi maintindihan ng puso't katawan ko. Hinahanap-hanap ko siya kahit alam kong wala siya. Nakakainis!

Nagising ako ng 3:45 am. Hindi ako makatulog sa kakaisip sa kaniya. Maraming tanong ang nasa utak ko at gusto ko ng mga kasagutan.

Kumusta na kaya siya? Nagka trauma kaya siya sa nangyari? Talaga bang kumalma na siya? Tumahan na ba talaga siya? Hindi na ba siya umiiyak? Ano?

"Puntahan ko kaya siya?"

Hindi naman masama kung bibisitahin ko siya, diba?

Nag aalala ako sa kaniya at hindi ko maitatanggi iyon.

Tumayo ako.

Oo, bibisita ako sa kaniya. Hindi ko na kaya ang sarili ko na maupo lang sa isang tabi.

Kahit maaga pa ay nag ayos na agad ako. Nag uniform na rin ako para deretso na ako sa school after ko bisitahin si Rae.

Na bumaba ako nakita ko si Mamita na nasa sala at nanunuod ng paborito niyang kdrama.

"Bakit nakabihis ka na? Papasok ka na ba agad, apo?" tumayo siya at nilapitan ako, "maaga pa," dugtong niya.

"Pupunta ako kila Rae, Mamita. Nag aalala pa rin kasi ako," sagot ko.

Dahil matagal na kami magkakilala ni Rae, kilalang kilala na rin siya ni Mamita. Actually gustong gusto ni Mamita si Rae, parang gusto pa niya maging apo si Rae kaysa sa'kin.

"Gano'n ba? Sandali lang apo," paalam niya. Nagtaka ako sa sinabi niya. "Sasama ako sa'yo, pero gagawa muna siguro ako ng paborito niyang egg rolls."

Tumungo sa kusina. Dali dali ko siya sinundan. Naghahanda na siya.

Mahal na mahal talaga niya si Rae, hindi halata.

"Mamita, pwede po ba na ako muna bumisita?" deretso ko.

"Bakit naman ikaw lang?" huminto siya sa paghahanda.

Napakamot batok ako.

Paano ko ba sasabihin sa kaniya na gusto ko masolo si Rae na hindi niya mahahalata? Kapag kasi sumama si Mamita, sila lang ang mag-uusap.

Ni minsan hindi ko nakakausap si Rae kahit isang minuto, baka chance ko na 'to, diba?

"Eh.. eh," hindi ko talaga alam ang sasabihin ko.

Bakit ba ang hina ko sa ganito? Hindi malakas ang loob ko tulad ng ibang lalake. Hindi ako marunong mag sabi ng nararamdaman, nagmamagaling ako at palagi nagyayabang pero ang totoo, lahat pagkukunwari. Inaamin ko na.

EVENINGOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz