Chapter 11

4 1 0
                                    


Rae's POV

Bigla ako napabangon na may maaninaw akong tao nakatayo sa harapan ko.

"G-Gideon!"

Tiningnan ko ang paligid at study room ko ito.

"Gising ka na pala. Bumangon ka na, kakain na," walang emosyon niyang sabi sa akin.

Hindi ko siya pinansin. Nahiga muli ako, pero tumalikod ako sa kanya. Nakatingin lang ako sa labas.

Akala niya ba nakalimutan ko ginawa niya sa akin kanina? Hindi, never.

"Kanina ka pa hindi kumakain. Ano ba problema mo?"

Ang lakas niya magtanong kung ano ang problema ko. Siya ang problema ko.

Nagtalukbong ako ng kumot. Bahala siya sa buhay niya.

"Rae," tawag niya.

Naramdaman ko ang pag-upo niya sa kama ko.

Nanlaki ang aking mga mata. Siya ang unang lalake pwera kay papa ang naupo sa kama ko.

*dug dug dug dug*

Narinig ko ang malalim niyang buntong hininga.

"Umalis ka na, matutulog ako. Pakisabi kila mama wala akong gana kumain."

"Ayoko," agad niyang sagot.

"Edi don't."

Pakielam ko naman sa kanya.

Rae, matanda ka na. Buhay mo na ang nakasalalay dito. Huwag ka na maging marupok sa tulad niya. Sasaktan kalang naman niya. Ikaw lang ang nagmamahal.

"Sige," narinig ko sabi niya at naramdaman ko ang pagtayo niya.

Mabuti naman at aalis na siya.

"Tumigil ka na diyan. Hindi kita papakasalan, Rae."

Nawalan ako ng kibo na marinig  ko iyon.

"Sina mommy and daddy ang may gusto, hindi ako."

Pagkatapos ay narinig ko nalang ang pagsara ng pintuan.

Bumangon ako at napatingin sa pinto.

"Ano sinabi niya? Mommy and daddy niya ang may gusto at hindi siya?"

"Ano pa ba ang aasahan ko sa tulad niya?"

Umiling-iling ako. Nahiga muli ako at nakatingin sa kisame.

Unti-unti ay hindi ko napigilan ang aking mga luha. Hindi ko mapigil ang sarili kong masaktan. Ang mga bawat salita niya, sinasaksak ang puso ko na matagal ko na binigay sa kanya.

"Bakit ka ganyan, Gideon?"

Tinakpan ko ang aking mga mata ng braso ko at tahimik na umiyak.





Tatlong araw na ang nakakalipas ay hindi pa rin nakakausap ng maayos si Rae. Hindi ito lumalabas ng kwarto niya. Hindi nito kinakain ang mga pagkaing inihanda ng mama at papa niya.

Dahil sa nangyayari, hindi maiwasan ng lahat na mag-alala kay Rae, lalo na si Logan araw-araw ay pumupunta kila Rae para kausapin ito, pero nabibigo siya.

"Pasok kayo," nakangiting ani Mrs. Doxon  sa pamilya ni Gideon.

Pumasok ang pamilya ni Gideon, kasama na rin siya. Pinaupo sila ng parents ni Rae sa living room.

EVENINGDonde viven las historias. Descúbrelo ahora