Chapter 9

3 1 0
                                    


"Tara na, Rae. Para kana kayang bangkay. Kung may iniisip ka, pwede mo naman iyan isipin kahit kumakain ka e. O kaya sabihin mo sa akin."

Mga five minutes na akong inaaya ni Logan sa cafeteria para mag lunch.

"Wala talaga akong gana e," tamad na tamad kong sagot.

"Nako! Tumigil ka, kakain ka sa ayaw at sa gusto mo!"

Napahiyaw ako na bigla nalang ako buhatin ni Logan na pa bridal pa!

"Hoy! Ibaba mo ako! Luma!" pagpupumiglas ko pero parang wala siya narinig. Na makalabas kami ng classroom lahat ng atensyon napunta sa amin.

"Ano ba, Luma! Ibaba mo ako! Hindi ka nakakatuwa!"

"Ayoko! Kanina pa kita inaaya at nakakapikon ka na. Gusto ko lang naman na kumain ka pero ayaw mo! Hige idadaan kita sa paspasan!"

Nanlalaki ang mga mata ko sa narinig ko.

"Logan! Ano ba!"

Napayakap ako sa leeg niya na maramdaman kong muntik na ako mahulog.

"Huwag ka kasi magulo, huwag ka mag alala, kahit mabigat ka, kayang-kaya kita."

"Hanggat hindi ka kumakain, hindi kita titigilan. Wala akong pakielam kung isumpa mo ako. Hindi ko kayang nagkakaganyan ka nanaman. Wala tayo sa drama para mag emote sa buong araw."

*dug dug dug dug*

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya ng bigla bumilis ang tibok ng puso ko.

Ang mga mata niya, maganda pala..

Ano ba!

"Logan.."

Hindi niya ako pinansin. Kahit sinabi ko kakain na ako, hindi niya pa rin ako pinansin, ibaba nalang daw niya ako kapag nasa cafeteria na kami. Habang papunta kami do'n nakadukduk lang ako sa dibdib niya. Nakakahiya kaya!

Inilayo ko na ulo ko sa dibdib ni Logan na huminto siya. Siguro nasa cafeteria na kami.

"G-Gideon!"

Hindi ko napigilan ang gulat ko kaya malakas ang aking pagkakasabi.

Nakaharang siya sa amin ni Logan. Nakacross arm siya at masama ang tingin.

I'm sure matagal na niya alam kasi parents niya ang pumunta sa amin. Hindi ko sigurado kung siya ang may gusto na ikasal kami o gusto lang ng parents niya.

Natatakot ako sa kaniya. Baka kasi wala siya kinalaman sa desisyon ng parents namin at baka magalit siya sa akin dahil iniisip niya na sumipsip ako sa parents niya para maikasal sa kaniya. Tch! E hindi konga close parents niya kasi palaging wala sa kanila.

"Bakit ba? Tumabi ka diyan, Gideon," seryoso at may halong inis turan ni Logan.

Ibinalik ko ang ulo ko sa pagsubsub sa dibdib ni Logan. Nakakahiya at nakakatakot.

"Ibaba mo siya," walang emosyon sabi ni Gideon. Napatingin ako sa kanya. Masama ang tingin niya kay Logan at muntik na ako mapatalon na tumingin rin siya sa akin ng masama.

"Ano? Bakit ko naman gagawin iyon, aber?"

Naramdaman ko ang mahigpit na hawak sa akin ni Logan. Mas napalapit ang katawan ko sa kanya. Para akong one year old sa lagay ko.

"Rae," tawag niya sa akin.

"B-Bakit?" nauutal kong tanong.

"Ano ba ang ginagawa mo?!"

Bumilis ang tibok ng puso ko na marinig ko ang malakas niyang sigaw.

Napansin ko na lahat ng estudyante ay nasa amin na ang atensyon.

EVENINGWhere stories live. Discover now