Chapter 2

8 2 0
                                    

Dali dali isinara ni Rae ang pintuan ng rooftop. Gustong gusto niya ang lugar na ito dahil walang tao ang mananakit sa kaniya. Naupo siya sa sahig at binuksan ang emergency kit at itinuloy ang paglagay ng ointment. 


Habang nagpapahatid ay naalala niya si Logan. Ang bawat paglagay ni Logan ng ointment sa mga sugat niya, ang paghawak nito sa kaniya at ang pagtingin nito sa kaniyang mga mata. 

"Ahh! Ano ba 'tong iniisip ko?" 

Nang matapos siya maglagay ay sumandal siya sa pader at natulala. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at ninamnam ang init sa kaniyang mukha. 

"Bakit gustong gusto mo magpa araw?"

"para mamatay na," biro ni Rae. 

Napadilat si Rae nang mapagtantong may kumausap sa kaniya. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang nakita kung sino ang nasa harap niya. 

"G-G-Gideon?" 

Nakatayo itong deretso sa harap niya. Ang dalawang kamay ay parehong nakapamulsa sa suot nitong pantalon. Dahil sa tayo ni Gideon, nahaharangan nito ang sikat ng araw. Unti unti napangiti si Rae na masilayan niya nang maigi ang mukha ng pinakamamahal niya. Nakikita niya na tila isang anghel ito na bumaba para kausapin siya—muli. 

"Kalokohan," walang emosyong sabi ni Gideon. 

Dali-dali tumayo si Rae sa pagkakaupo. 

Hanggang kili-kili lamang ni Gideon si Rae. Nakatingin lang si Gideon kay Rae na walang emosyon, pero ilang saglit lang ay sumama ang itsura nito. 

"Bakit gusto mo mamatay? Alam mo ba na marami gusto mabuhay? Nag iisip ka ba?!"

Napaawang ang labi ni Rae sa narinig. Nakatingin siya sa lalaking bigla nagbago ang awra. Kita ni Rae ang galit sa mga mata ni Gideon. 

"Bakit?" tanong ni Rae sa isip niya. 

Umiling si Gideon pagkatapos ay umalis na. Sinundan ng tingin ni Rae si Gideon hanggang sa makaalis na 'to ng tuluyan. Nagtataka siya. Bakit nasabi iyon ni Gideon sa kanya. 

"May problema ba siya?" 

Napahawak si Rae sa magkabila niyang pisngi na may pumasok sa kaniyang isipan niya.

"Omugod! Hindi kaya concern siya sakin? Ayaw niya ako mamatay?" 

Nagniningning ang mga mata ni Rae. 

"HUAAAAHHHHHHH!!!" 

Nagtatakbo si Rae na paikut sa rooftop habang nakataas ang dalawang kamay. 

"WOHH! Iniisip niya ako!! Ayaw niya ako mamatay! Kasi gusto niya pa ako mabuhayyy!!!" sigaw niya na patuloy ang pagtakbo. 

Nakangiting umalis si Rae sa rooftop at ngayon ay naglalakad papunta sa classroom nila. Ang dalawa niyang kamay ay nasa likuran niya habang magkahawak. Pagewang-gewang pa siya. Iniisip niya si Gideon, wala ng iba pa. 

"Rae!" 

Napatingin si Rae sa likuran niya. Nakita niya si Logan at palapit 'to sa kaniya. 

"Bakit?" malambing at nakangiting tanong ni Rae kay Logan. 

Natulala si Logan sa nakikita niya. Napakunot noo siya ng saglit at maigi pinagmasdan si Rae sa harap niya. 

"Bakit?" mas malambing na ani Rae. 

Napatakip ni Logan ang bibig niya gamit ang kaliwang kamay at nanlalaki ang mga mata habang nakatingin pa rin kay Rae. Hindi makapaniwala si Logan na ang Rae na palaging nakanguso at walang emosyon ay ngayon ay nasa harap niya at nakangiti sa kaniya. 

"B-B-Bakit ka nakangiti? Magugunaw na ba ang mundo?!" 

Kitang kita sa kaniyang mukha ang pagkagulat. 

"Anong magugunaw ka diyan? Baliw ka ba? Hahaha!" 

Mas lalo nagulat si Logan nang tumawa si Rae sa unang pagkakataon. Dahil sa malakas na tawa ni Rae pati ang ibang estudyante ay napatingin sa kaniya. 

"Ayos ka lang ba?" nag aalalang tanong ni Logan. 

Kunot-noo tiningnan ni Rae si Logan. 

Nakangiti pa rin siya. "Ano bang sinasabi mo diyan? Sige alis na ako kita nalang sa room," nakangiting ani Rae. 

Bago umalis si Rae ay tinapik pa niya si Logan sa braso. 

"WoOh!"

Biglang sigaw ni Logan na makitang malayo na si Rae sa kaniya. Ang mga mata niya kaunti nalang ay lalabas na. Ganoon ang pagkabigla niya. 

Hanggang sa matapos ang klase ay hindi nawala ang ngiti sa labi ni Rae. Kahit nasigawan siya ni Gideon, kahit nakita niya ang galit ni Gideon, wala siyang pakielam. 

Patalon talon na naglalakad si Rae habang nasa kalsada pauwi sa kanila. Hindi alam ni Rae na nakasunod sa kaniya si Logan. Nakasunod lang si Logan. Si Logan ay hindi pa rin makapaniwala.

"Kanina pa siya weird ah, nung una bigla nalang ako sinigawan tapos pagbalik makangiti parang binigyan ng candy?" sa isip ni Logan habang pinagmamasdan si Rae sa harap niya. 

Logan's POV

Nakasunod lang ako sa kaniya. Masayang masaya siya ngayon kaya napapatalon pa siya habang naglalakad. 

"Binigyan kaya talaga siya ng candy? Tumatalon siya na parang bata." 

 Iling iling with smile 

Kakaiba talaga 'tong si Rae. Pero mas kakaiba ngayon. Ngayon kolang siya nakitang nakangiti na hindi peke. Ngumingiti siya sa lahat pero halata namang peke. Kanina, gag* laglag panga ko sa maganda niyang ngiti. Ano kaya talaga ang nangyari sa kaniya? Nakapamewang lang ako habang sinusundan siya. Gusto ko pa siya makitang masaya. Parang ayaw ko na matapos 'to kasi baka bukas bumalik nanaman siya sa pagiging biik na hindi pinapakain. hays. Huminto si Rae na makitang may dadaang jeep. Yung kalsada nila apaka dugyot, wala manlang pedestrian or traffic light. Kanya kanya ng tawid. 

Since elem naglalakad lang si Rae papasok at pauwi. May service naman siya, mayaman sila, super, pero bakit gustong gusto niya maglakad? At gustong gusto niya ang magpa araw. Kahit sa rooftop gustong gusto magpa araw. Mabuti 'di ito nangingitim. Weird talaga ng babaeng 'to.

Napakunot-noo ako. 

Si Gideon ba iyon? Nasa kabilang kalsada siya at nasa isang Milktea shop. Kahit nakatalikod ang lalakeng 'yon kilala ko pa rin. Tiningnan ko muli si Rae. Nakayuko siya at ang isang paa ay pumapadyak. Nakita niya kaya si Gideon? Nakita ko na lumabas na si Gideon sa milktea shop at nakaharap na siya samin. Tatawid siya? Napakunot noo ako na mapansin kong may tinititigan siya. 

Si Gideon tinititigan si.. Rae? 

 nakatingin lang kay Gideon 

"Miss tumabi ka!" 

"Miss gilid!!" 

Nabigla ako sa ilang sigaw na marinig iyon at nanlaki ang aking mga mata na makita si Rae na nakahinto sa gitna ng kalsada na kung saan may paparating na kotse na parang.. walang preno! 

Dali dali ako tumakbo at hinawakan sa braso si Rae palapit sakin. Pareho kami napahiga sa kalsada pagkatapos. Tiningnan ko agad si Rae at sumakit ang puso ko nang makitang lumluha siya. Hinawakn ko ang magkabila niyang pisngi. 

"R-Rae, ayos kalang? May masakit ba sayo?" natataranta ako sa kanya lalo na nung umiyak siya ng malakas. 

Niyakap ko siya at sinubsub sa dibdib ko at hinimas himas ang likuran niya. "Tahan na, ligtas kana, Rae." Habang pinapatahan ko si Rae, napatingin ako sa isang lalake na naglalakad palayo sa kinaroroonan namin. Si Gideon, naglalakad palayo. The heck! 


Thank you~

EVENINGWhere stories live. Discover now