Chapter 7

5 1 0
                                    


Gideon's POV

~One Week Ago~

"Kumusta ang pakiramdam mo, anak?" nag-aalalang tanong ni mommy sa akin. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kaliwa kong kamay.

Hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako sa kisame ng hospital.

Again.

Nasa hospital nanaman si Gideon Wyatt Madris.

Maya-maya ay dumating ang doctor ko, kasama niya si dad.

Naupo ako sa pagkakahiga ko.

"Kung may sasabihin kayo, please sabihin niyo na. Kailangan ko rin malaman ang sitwasyon ko." walang emosyong deretso ko sa doctor.

Bumuntong hininga sina mommy and daddy.

"It's hard to say since yung resulta ay hindi maganda," Dr. Ramirez said.

"The medication and treatment.."

"Just tell me clearly,"

tinanggal ko nakalagay sa kamay ko at walang ano anong tumayo at hinarap siya.

"Mamatay na ba ako?"

Mabuti at may lakas na akong loob na tanungin 'to.

Ilang linggo ko na ito pinaghahandaan. At kung ano ang magiging resulta.. hindi ko pa alam kung matatanggap ko.

"Gideon.." si mommy.

"Tell me directly, Doc!"

Pinaka-ayaw ko sa lahat yung nagpapaliguy-liguy pa.

Hindi paba sila sawa na maging normal sa harap ko?

Ako kasi, sawang-sawa na!

Linapitan ako ni dad at inilayo ako kay Doc. Pinaupo niya ako sa kama at pinakalma.

"Huminahon ka, anak."

Ramdam ko ang lungkot niya. Nababasa ko sa kanila ni mommy ang sobrang kalungkutan.

Alam ko na ang sagot..

"I'm sorry, Mr. Gideon," Dr. Ramirez said.

Isang linggo na ang nakakaraan na malaman ko ang totoong sitwasyon ko. Wala na akong pag-asa, kung meron man, 5 percent lang. Bakit pa ako aasa sa 5 percent na 'yan? Hahayaan ko nalang ang buhay ko, handa na ako mamatay. Simula' t sapul naman talaga wala na akong karapatan na mabuhay. Pinipilit ko ang sarili ko na makisama sa iba kahit ayaw na ayaw ko. Pinipigilan ko ang puso ko na magmahal ng iba. Lahat ng gusto ko, pinipigil ko.

"Tulad ngayon.."

Nakikita ko siyang tumatawa kasama si Logan. Ang saya-saya niya. Ngayon ko lang  siya nakitang masaya ng ganyan. Ni minsan walang nagpangiti sa kanya ng ganyan.

"Hanga ako sa'yo, Logan."

Pinagmasdan ko lang siya. Nasa gilid ako kung saan hindi nila ako nakikita.

Tch! Gawain ba ng isang matinong babae na umuwi ng ganitong oras? Uwian namin is 3pm tapos uuwi siya ng 6pm at kasama pa ang isang lalake!

Pagkatapos ko magsalita ay iniwan ko na sila. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko kapag nakita ko pa sila nag goodbye kiss sa isa't isa.

Kinabukasan maaga ako pumasok. Habang naglalakad ako sa hallway ay may mga narinig nanaman ako na talagang ayaw na ayaw ko.

"Nakita daw nina Bryan sina Logan at Rae sa park kahapon."

Usapan ng isang grupo ng mga babae.

Binagalan ko ang lakad ko para marinig sila.

"Sabi panga ni Bryan sweet daw nung dalawa. Haha! Diba si Gideon gusto ni Rae? E ano iyon? Porke wala siya mapapala kay Gideon kay Logan naman siya magkakagusto?"

"Baka akala niya maganda siya? Kahit kinakausap siya ni Logan, I'm sure hindi siya pa rin papatulan. Eww, ang taba taba niya at higit sa lahat,"

"HINDI SIYA MAGANDA! HAHAHA!"

Nakakasindi ang mga tawa nila. Sobrang nakakarindi.

Paatras ako na humakbang at na makatapat ko sila, hinarap ko sila.

"Oh, ikaw pala Gideon!" malanding ani Vedonica, ang una kong narinig.

Lumapit silang tatlo sa akin. Si Veronica may gusto sa akin at palagi siya nagpapansin sa akin pero hindi ko siya pinapansin. Bakit ko naman papansinin ang tulad niyang babae?

Yayakap sana siya sa braso ko pero tinulak ko siya ng mahina at tiningnan ng masama. Nagtaka siya sa ginawa ko ganoon rin ang mga kasama niya na sina Sunny at Kally.

"What's wrong, Gideon?" Veronica asked.

I tsked. "May sasabihin akong sekreto sa inyo, girls."

Lumapit ako sa kanila. Nakapamulsa ang pareho kong kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon ko. Dahil sa masama kong tingin sa kanila ay napapa-atras sila.

"Si Rae.."

"Si Rae ang pinakamagandang babae na nakilala ko."

Nginitian ko sila.

Kitang kita ko ang pagkagulat at pagkataka.

"A-Ano?" si Veronica.

Tumango ako. "Kung ayaw niyo magkapasa sa makinis niyong mga mukha, umayos kayo."

"G-Gideon, nagbibiro lang naman k-kami," si Sanny.

"P'wes ako, hindi nagbibiro."

Pagkatapos nun ay umalis na ako.

Lahat ng mga naririnig ko masama tungkol kay Rae, yung nagsasalita pinatatahimik ko. Ang mga mambubully ni Rae, binubully ko ngayon. Hindi paba sila nasasawa na tapakan si Rae? Walang ginagawa si Rae na masama sa kanila para maging gano'n sila. Hindi ko sila maintindihan.

Simula nalaman ko ang kundisyon ko, hindi ko alam kung hanggang saan nalang ako. Wala akong ideya kung kailan titigil ang puso ko. Kaya nag decide ako na hanggat nabubuhay ako, pro-protektahan ko si Rae.

Kahit sa ganitong paraan mapakita ko kung gaano siya kahalaga sa akin.

Buong buhay ko itinagk ko ang nararamdaman ko sa kanya.

Simula bata palang ako alam ko na maikli lang ang buhay ko. Pinilit ko maging normal tulad ng iba, gusto ko umamin kay Rae na mahal ko rin siya, gusto ko siya makasama, gusto ko pakasalan siya, magbuo ng pamilya kasama siya at marami pang iba. Sa totoo niyan, mas matindi ang pagmamahal ko sa kanya kaysa sa pagmamahal niya sa akin. Noong nalaman ko na mahal niya ako, kulang nalang mamatay ako sa saya. Pero.. isang araw may na realize ako.

Si Rae, kahit kailan, hindi siya magiging masaya sa piling ko.

Maikli lang ang buhay ko dito. May sakit ako at anytime pwede mawala.

Maisip ko palang na iwan siya habang nagmamahalan kami ay nasisira na ang ulo ko.

Hindi kami pwede. Kahit pareho ang aming nararamdaman, hindi kami magiging masaya.

Nasa likuran lang ako ni Rae. Tuwing uwian, palagi ko siya sinasabayan. Wala akong pakielam kung mapagod ako sa paglalakad, gusto ko siya makita, se-segundo. At syempre, masiguradong ayos lang siya.

Mahinhin siyang babae. Hindi siya marunong lumaban. Hindi niya alam ang salitag "ganti" at nakakainis tuwing hinahayaan niya ang kanyang sarili na api-apihin. Kahit kasama niya si Logan, hindi pa rin ako kampante.

Bilang nalang naman ako dito sa mundo, at sa natitira kong buhay sa kanya ko ilalaan, kahit sa ganitong paraan..

Thank you~

EVENINGWhere stories live. Discover now