Chapter 5

5 1 0
                                    


Logan's POV

"Huwag ka nga makulit, Luma!" naiirita nanaman siya.

"Saglit lang naman iyon, Rae. Sabi kasi nila maganda daw sa park na iyon."

Syempre ako ang dahilan. Haha!

Isang linggo na ang nakakalipas noong muntik na siya maaksidente.

Ang pagpunta ko sa kanila ay talagang marami nagbago.

Kinakausap na ako ni Rae simula nun. Hinahayaan na niya ako na sumunod sa kaniya kahit saan. Pero syempre hindi kasali doon ang pagsusungit niya, masungit at irita pa rin siya sa'kin. Hehe, ang cute nga, ih.

Huminto siya sa paglalakad. Dala-dala ko pala ang bag niya na bahay ng malalaking libro. Tch, mabigat rin 'to.

Humarap siya sa akin. Uwian na pala namin at inaaya ko siya sa malapit na park na matagal ko na gusto puntahan, pero ang gusto ko, puntahan iyon na kasama ang mahalagang tao sa' kin, at si Rae 'yon.

"Kung gusto mo ikaw nalang pumunta," ang iritado niyang sagot at nagpatuloy muli sa paglakad.

"Ano ba 'to, hindi ka nakakatuwa, Luma!!!"

Hindi naman ako nabibingi sa sigaw niya, sanay na kasi ako.

Hindi siya nakauwi at nakasama sa' kin. Paano siya makakauwi e dala dala ko bag niya. Pwede naman niya iwan bag niya sakin pero ayaw niya. Sus, gusto rin naman niya gumala tulad ng ganito e.

"Puro mag jowa nandito, baka may classmate tayo dito, ano pa isipin ng mga 'yon."

Naupo siya sa kahoy na upuan at ganoon rin ako.

"Yamo sila. Wala naman tayo masama ginagawa para mag isip sila ng kung ano," kunwaring seryoso ko.

Totoo, gusto ko tumawa ng malakas. Bakit? Masaya kasi ako. Imagine napapunta ko siya dito. Kasama ko siya sa park. Pareho kami nasa park. Lahat dito puro mag jowa, tas nandito kami?

Ah, ang saya!

Dahil inaya ko siya, syempre may handa ako.

"Rae, may kukunin lang ako sa motor, diyan ka lang, ha, huwag ka gagalaw."

Nakita ko ang pagtango niya habang nakabusangot pa rin ang mukha.

Cute! Sarap kurutin ng dalawang pisngi niya!

Iniwan ko na ang bag sa kaniya.

Nagmadali ako pumunta sa motor at bumalik kay Rae dahil baka bigla nalang ito mawala, tch, ang babae pa naman 'to minsan parang multo.

Muntik na ako mapamura na makita kong kumakain na siya ng isang malaking junk food habang naka dekwatro pa ang mga binti.

Wow, chill na ngayon?

"Gusto mo?"

Nakita ko ang binilhan niya ng junk food. Paano siya nakabili e hindi naman siya nawala sa paningin ko?

Wow! Siguro nung kinukuha ko bag ko. Gag* bilis kumilos nito pagdating sa pagkain.

Inilabas ko ang dala ko sa bag ko. Mga junk food, at ang paborito niyang egg rolls. Nagdala rin ako ng sapin at inilatag ko ito sa damuhan.

Ye, picnic kami.

"Charaaan!"

Malaki ang ngiti ko sa kaniya habang siya ay masama nakatingin sa akin.

Masanay ka na Logan sa kaniya, okay?

"Ano iyan?"

"Picnic tayo, Rae!"

EVENINGWhere stories live. Discover now