Chapter 1: The First Time I Saw Him

1.1K 30 0
                                    

"Basta ako sure ako na makikilala ko ang prince charming ko one day at darating siya sa time na ready na ako pumasok sa relationship pero for now aral muna!" 

saad ni Roni sa matalik niyang kaibigan na si Jelai. 

Ronalisa Salcedo, 15 years old, an incoming 3rd year high school student sa isang kilalang eskwelahan sa Maynila. Roni's a consistent honor student, sobra ang pagpapahalaga niya sa pag-aaral dahil para sa kanya education is really important sa pag-abot ng mga pangarap niya but aside from that she has always believed in fairy tales and happy ever after. Bata pa lamang siya, naniniwala na talaga siya sa idea ng first and last boyfriend and sa forever. 

"Hay naku, ayan ka na naman sa pagiging hopeless romantic mo. Pero kapag may lumalapit naman sa'yo with intentions of courting you eh grabe mo naman layuan and tarayan. Kaya akala tuloy nila e man hater ka. Hahaha. Hindi kita talaga maintindihan kung minsan sis!" pang-aasar na sagot ni Jelai sa kaibigan.

"Eh kasi nga sis, hayy nakakainis ayoko na mag-explain basta naniniwala pa rin ako sa forever but not now. Ang bata bata ko pa noh!"

"Oh sige na po, di na kita kokontrahin. Umuwi na lang tayo. Okay, sis?" natatawang sagot ni Jelai.

Huling araw ng klase nila as a sophomore student, naglalakad sila sa hallway nang makita nila si Mia palabas ng isang classroom. Mia was their classmate during their first year in high school pero naiba ito ng section nung nagsecond year sila.

"Roni, si Mia oh! Bakit parang inis yung itsura nya?"

"Oo nga noh, tara lapitan natin"

"Mia!" tawag ni Roni

"Uy, Roni, Jelai. Kayo pala. Kumusta? I haven't seen you in a while ah?" bati ni Mia

"Okay lang naman kami Mia, pero ikaw ata dapat naming tanungin kung kumusta ka kasi naman malayo pa lang kita na namin 'yang pagkaaburido mo. May nangyari ba?" ani Jelai

"Eh kasi naman there's this guy na kinukulit ako, tinatanong ako if pwede daw ba kong ligawan. Imagine!! I really don't like that guy. Halos ilang buwan din niya ako kinukulit buti na lang last day na talaga ng klase and hopefully next year hindi ko talaga siya maging kaklase." galit na saad naman ni Mia

"Relax ka lang sis, hinihingal ka na sa galit e." sagot naman ni Jelai.

"Oo nga naman Mia, kalma ka lang. Hehe. Eh teka sino nga ba yung tinutukoy mo? Naiintriga naman kami at bakit ganyan na lang ang inis mo?"

Saktong pagtapos ni Roni sa tanong ay saka naman may lalaking biglang papalapit sa kanila.

"He's the guy I'm talking about!"

Sabay napatingin si Roni at Jelai sa direksyon na tinuturo ni Mia.

And to Roni's surprise, hindi niya namalayan na natitigan pala niya ang binata pero agad din siyang nag-iwas ng tingin.

Dumaan ang binata sa harap nila at nagbigay ng simpleng ngiti kay Mia pero bakas sa mga mata nito ang lungkot.

"Sis, bakit ayaw mo sa kanya? Ang gwapo naman niya ah at mukhang mabait pa pero bakit mukha siyang sad." tanong ni Jelai

"Huh? Mabait? Ah basta, ayoko! Ayoko! And I told him na tigilan na niya ko. And I don't want to explain anything na. Grrr. Sige na girls, mauna na ko sa inyo! Enjoy your summer vacation! Bye girls!"  sagot naman ni Mia.

Naiwan sila Roni at Jelai sa hallway habang naglalakad palayo si Mia. Roni was left wondering kung bakit nga kaya ayaw ni Mia sa nasabing binata.

"Bakit nga kaya? " pabulong na tanong ni Roni

"Huh, may sinasabi ka ba sis?" tanong naman ni Jelai

"Ah, eh. Wala sis. Tara na umuwi na tayo!"

Unexpectedly YouWhere stories live. Discover now