Chapter 13: Memories

369 21 0
                                    


"Sis, akalain mo yun matatapos na ang high school life natin. Ang bilis lang pala ng apat na taon noh?" wika ni Jelai

"Kaya nga sis e, ang dami ding nangyari sa loob ng apat na taon. Ang dami nating mga na-experience and sinong mag-aakala na matututunan natin ang meaning ng salitang love." wika naman ni Roni

"Ayieee.. Ano na ba ang meron sa inyo ni Borj huh sis? Ikaw huh may hindi ka ata kinukwento sa akin e" tanong ni Jelai kay Roni

"Hay naku Jelai, alam mo naman na siya ang guy bestfriend ko. He's really special to me. At happy naman ako sa kung ano ang meron kami. And besides noh, ang love naman hindi lang naman yan for romantic relationship. I can say na he's more than a friend to me. Special friend ganun at kung makapaghihintay siya at nandyan pa rin siya hanggang mag18 years old ako or makatapos ng college at kung hindi pa rin nagbabago ang feelings niya eh di i-level up na namin." paliwanag ni Roni sa kaibigan

"Eh paano kung magbago?" tanong muli ni Jelai

"Honestly, I don't know and ayoko din isipan ang idea na 'yan Jelai.. Basta for now, I-eenjoy ko kung ano ang meron kami." sagot ni Roni

Sandaling natahimik ang magkaibigan ng biglang dumating ang iba pa nilang kabarkada.

"What's up girls? Bakit parang ang seryoso ng mukha ninyong dalawa?" tanong ni Tonsy sa mga kaibigan.

"Wala we were just thinking na ang bilis lang ng apat na taon. Naisip ko lang din, kapag college kaya ganito pa rin tayo? Makakapagbonding pa rin kaya tayo na magkakasama o magkakalimutan na lang tayo?" malungkot na tanong ni Roni sa barkada

"Roni, ano ka ba, I'm sure magkikita kita pa rin tayo. Gagawan natin 'yan ng paraan. And besides tayo naman nila Jelai at Junjun eh pareho ng school e."  wika ni Missy

"Oo nga Roni, and kami naman nila Borj at Jane magkakasama din sa isang school at pare pareho din kami ng course na kukunin plus isa pa, magkavillage naman tayo di ba? Eh di dadalhin ko palagi 'tong dalawang to sa amin so we can still bond." nakangiting wika ni Tonsy

"Tonsy, siyempre madaling sabihin 'yan pero kailangan din nating tanggapin na maraming pwedeng mangyari but I just want you all to know na masaya ko and thankful ako dahil naging kaibigan ko kayong lahat. Thank you sa mga masasayang memories natin, mamimiss ko kayo ng sobra." naluluhang wika ni Roni

"Tama na nga yan. Uy Borj, iiyak na si Roni babes mo, aluin mo na nga baka bumaha pa ng luha dito e." pang-aasar ni Junjun

Binigyan naman ng matalim na tingin ni Roni si Junjun.

"Ikaw talaga Junjun, inaasar mo na naman si Roni e. Tama naman si Roni sa mga sinabi niya e, maraming pwedeng magbago pero ito lang Roni, ako, hinding hindi magbabago." nakangiting sabi ni Borj sa dalaga.

"Ang husay talaga magsingit ng mga banat. Iba ka talaga pareng Borj." pang-aasar muli ni Junjun

"Tama na nga yan guys, may 2 linggo pa naman tayo bago ang graduation. I-enjoy natin 'tong natitirang araw natin sa high school, huwag na tayong magdrama pa." wika naman ni Jane sa barkada

"Tama si Jane. Magkwentuhan na lang tayo. Ano yung pinakamemorable moments para sa inyo ngayong high school? Ano ang favorite year niyo? Ako na mauuna pinakamemorable sa akin yung graduation ni Yuan last year, nung tinanong niya ko sa graduation party if pwede siyang manligaw, as in oh my gosh, hanggang ngayon kinikilig pa rin ako kapag naalala ko.  How about you guys?" kilig na kwento ng dalaga sa mga kaibigan

"Hmm. siguro ako, memorable sa akin yung school play natin nung 3rd year kahit hindi natuloy yung pagganap ko eh memorable pa rin sa akin yung time na nagpreprepare tayo at saka yung mismong araw ng play." wika naman ni Jane habang sumusulyap kay Borj

Agad namang naunawaan ni Borj ang ibig sabihin ng dalaga ngunit hindi na lamang niya ito pinansin. 

"Ako siguro 'yung mga bonding moments ng barkada sa bahay nila Jelai at Roni ang pinakagusto ko at mamimiss ko. And siguro yung mga school trip natin kasi syempre iba yung bonding natin kapag nakakapunta tayo sa ibang lugar." wika naman ni Tonsy

"Ang hirap namang mamili pero siguro ako yung nag graduation ball tayo, siyempre dahil sa wakas doon ko narinig mula kay Jelai na gusto niya rin ako. Pero Jelai, kailan ko ba maririnig ang matamis mong  'oo'?" nakangiting sambit ni Junjun habang nakatingin kay Jelai

"Ikaw talaga Junjun. Pero alam mo, memorable din 'yan para sa akin pati syempre noong tumugtog ka sa prom natin nung 3rd year. Ang tagal bago mo inamin na ako talaga iyong tinutukoy mo noon pero ang sweet mo dun." sambit naman ni Jelai habang nakangiti kay Junjun.

Hinintay ng magkakaibigan ang magiging pahayag nila Borj at Roni ngunit hindi umimik ang dalawa.

"Hmm Borj, Roni. Wala ba kayong gustong i-share? I'm sure marami kayong pwedeng sabihin." tanong ni Missy

Magsasalita na sana si Roni ng biglang tumunog ang kanyang cellphone.

"Hello, daddy? Ah, andyan na po kayo sa gate? Sige po...Guys, sorry andyan na sila mommy eh, may pupuntahan pa kasi kami. Mauna na ko huh. Bye." 

"Ang daya naman gusto ko pa naman marinig ang i-shashare ni Roni, pero ikaw Borj may gusto ka sabihin?" nakangiting tanong ni Missy

"Huh? Ako masyadong marami. Ang hirap mamili." wika ni Borj na bakas ang kapilyuhan sa kanyang mga ngiti.

"Hmm.. Roni, hatid na kita sa gate." alok ni Borj sa dalaga.

"Sige, ikaw bahala" sagot naman ng dalaga.

_______


Tahimik na naglakad palabas ng eskwelahan sila Borj at Roni ngunit kalaunan ay hindi na rin napigilan ni Borj na basagin ang katahimikan. 

"Roni, tungkol sa tanong nila kanina, ano 'yung pinakahindi mo makakalimutan sa high school life natin?" 

"Ang hirap mamili Borj e. Ang dami kasing masasaya at magagandang nangyari.."

Saglit na tumigil si Roni sa pagsasalita at bahagyang tumingin kay Borj. Yumuko ito at muling tinuloy ang sasabihin.

"..pero kung mayroon man akong pinakapaborito at pinakapinasasalamat eh yun ay.."

Pinutol muli ng dalaga ang sasabihin at saka tumawa ng mahina.

"Ano ba 'yun, Roni? binibitin mo naman e." angal naman ni Borj

Natawa na lamang ang dalaga.

"Secret! Hehe. Sige na, ayun na sila daddy! Ingat ka Borj!"

"Uy, Roni sandali! Ano nga yun? Ang daya naman nito oh!"

Agad namang tumakbo palayo si Roni ngunit hindi pa man nakakalayo ay nilingon niya muli si Borj at saka sumigaw ng ---

"Ikaw!"


"Huh? Anong ikaw? Ako? Ano?" pagtatakang tanong ni Borj

Muli lamang siyang tinawanan ni Roni at tuluyan na itong tumakbo palayo..


Hindi maalis ang ngiti ni Roni hanggang sa makarating siya sa kanilang sasakyan. Kakaupo pa lamang niya ay nakatanggap siya ng magkakasunod na mensahe mula kay Borj.


'Voi!'

'Ikaw'

'Solo tu'

'Tanging ikaw!'


------




Unexpectedly YouWhere stories live. Discover now