Chapter 8: AstroCamp

414 27 1
                                    

"Okay, class. I have an announcement to make. Isa sa activities na gagawin natin for this month ay overnight camping at stargazing. I will give out the permits and I want you to have it signed by your parents and you have to submit it 2 days from now. Is that clear? The activity will be next week. I hope you'll behave yourselves at the campsite. Class dismissed, you may go now." saad ng kanilang guro sa Science na si Miss Manlapaz.

"OMG! Roni, stargazing! Naeexcite ako." saad ni Jelai.

"Ako din sis, finally. Magiging one with nature naman tayo. Nakakasawa din kasi ang school-bahay daily routine natin noh!" Roni said.

"Yes, tama ka dyan sis! Dahil diyan mauna na ako at hindi muna ako sasabay sa inyo ng Kuya Yuan mo sa pag-uwi, dadaan na ko sa office ni Daddy para makapagpaalam at makahingi na rin ako ng allowance. Alam mo naman, may flight pa siya papuntang Cebu mamayang gabi kaya kailangan ko siyang maabutan."

"Sige sis, ingat ka! Aantayin ko na lang muna si Kuya! See you tomorrow sis!"

Habang naghihintay si Roni, ay hindi niya namalayan na bigla na lang sumulpot sa tabi niya si Borj.

"Hi, aking Maria Clara este Roni! Nag-iisa ka ata, wala ba si Jelai? - Borj

"Obvious ba, Borj? May nakikita ka bang Jelai? Wala di ba?"

"Oh easy lang, masyado ka namang highblood e. Bakit nga ba parang sinusungitan mo na naman ako? May problema ba tayo? "

"Wala. Wala naman problema. Ano bang kailangan mo?"

"Hmm.. Wala naman, namiss lang kita kausap. Para kasing hindi tayo gaano nakapag-usap ngayong araw e. And may gusto din kasi akong ibigay sa'yo" ani ni Borj sabay abot ng isang sobre na may kalakip na sulat at larawan na kuha mula sa kanilang play.

 And may gusto din kasi akong ibigay sa'yo" ani ni Borj sabay abot ng isang sobre na may kalakip na sulat at larawan na kuha mula sa kanilang play

Deze afbeelding leeft onze inhoudsrichtlijnen niet na. Verwijder de afbeelding of upload een andere om verder te gaan met publiceren.

"May message pala diyan sa loob pero mamaya mo na basahin kapag mag-isa ka na lang." 

Sa sinabi na iyon ni Borj, biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso na tila ba gusto na nitong kumawala. Hindi na lang iyon pinansin ni Roni at nagkunwari na tila walang kakaibang nararamdaman.

"Uy, picture natin nung play. Ang cute natin dito ah." kalmadong sabi ni Roni habang nakangiti

"Anyway, basta yung message ko sa bahay mo na basahin pag-uwi mo. Teka maiba tayo, excited ka sa camping at stargazing activity natin noh? Nakita ko yung ngiti mo kanina aabot na sa tenga mo e."

" Oo, excited na talaga ko noh! Excited na kaming mga girls. Siyempre bihira lang tayo magkaroon ng ganung klaseng activity. Bonding na rin nating magkakaklase yun. Tsaka excited na ko tumingin sa magandang langit na punong-puno ng stars."

"I see" nakangiting sabi ni Borj habang tinititigan sa Roni. " Pero ako kasi kahit na hindi na tayo mag stargazing, lagi ako naeexcite kasi may magandang bituin ako na laging nakikita." saad ni Borj sabay titig sa mata ng dalaga.

Halos hindi maunawaan ni Roni kung ano ang nararamdaman niya sa sinabi na iyon ni Borj. Buti na lamang ay dumating na ang kanyang Kuya Yuan kaya nakaiwas siya sa malalim na pagkakatitig ni Borj.

"Kuya Yuan bilisan mo na! Ahmm. Sige, Borj. Andyan na kasi yung kapatid ko. Sige. "

"Bye, Roni! See you tomorrow! Ingat ka"

Nakaupo sa sasakyan ang magkapatid ng maalala ni Roni ang tungkol sa mensahe na nabanggit sa kanya ni Borj. Agad niyang kinuha ang sulat at binasa ito:

Sa aking Maria Clara,

Unang-una, Maraming Salamat sa pagpayag na makapareha ako sa itinanghal nating dula, alam kong biglaan muli ngunit binabati kita dahil tulad ng inaasahan, hindi matatawaran ang husay mo. 

Nais ko rin ipabatid sa iyo na labis at nag-uumapaw ang kasiyahan ko sa tuwing nakakasama kita. Nais kong makasama ka sa tuwina. Lagi kong dasal na makita ang ngiti sa iyong mga labi. Sana ay hayaan mo akong mapalapit pa sa iyo. Hayaan mo akong alagaan at makasama ka. Marami pa akong gustong ipabatid ngunit hanggang dito na lamang muna.

Lubos na sumasaiyo,

Crisostomo Ibarra

"OMG! Ano ba 'tong nararamdaman ko na ito? Alam ko, hindi ko man aminin pero dama ko na may nagbago simula nuong nakasama ko si Borj para sa play. Gusto ba ako ni Borj? Pero hindi pwede. Kaibigan ko si Borj. Pero ano bang nararamdaman ko para sa kanya? Ayaw ko lang bang aminin na gusto ko na rin siya? Hay, Roni. Hindi pwede."

Agad namang tinago ni Roni ang sulat ngunit hindi niya magawang alisin sa isip niya ang laman ng mensahe ni Borj.

__________

Dumating na nga ang araw na pinakahihintay ng kanilang klase. Ang camping at stargazing day. Excited at sobrang ingay ng lahat sa bus pa lang papunta sa campsite sa Laguna.

Habang nasa biyahe ay panay  kantahan at kwentuhan ang maririnig na ingay sa bus hanggang makarating na sila sa campsite.

Pagdating sa site, agad nag-ayos ng kani kanilang tent ang bawat grupo. Kasama ni Roni sa tent sila Jelai, Jane at Missy. Binigay na rin sa kanila ang iba pang activities para sa araw na iyon.

Kinagabihan pagkatapos ng lahat maghapunan ay binigyan sila ng 30 minuto free time. Pagkakataon para i-explore ang lugar on their own at syempre makapagpicture picture.

At sa free time nga na iyon na ibinigay sa kanila ay nagawa pang magbatuhan ng popcorn ang mga kaklase niyang lalaki. At dahil may mga pagkakataon na ayaw niya ng magulo at maingay ay minabuti niyang maglakad lakad muna malayo sa kalokohan ng mga kaklase niya.

Sa paglalakad niya ay hindi niya inakalang makikita niya si Borj na nakahiga sa damuhan. Tahimik itong lumapit at pabulong na tinanong ito, "Borj, natutulog ka ba?" Nang hindi sumagot ang binata ay umupo ito sa tabi nito at saka niya ito tinitigan ng mabuti. Napangiti si Roni habang nakatitig sa binata.

"Tutal tulog ka naman diyan. Magagawa kong sabihin 'tong mga bagay na 'to sa ilalim ng napakagandang kalawakan na ito. hehe ang corny pero romantic naman 'di ba?"

Huminga ng malalim si Roni bago pinagpatuloy ang pagmomonologo niya.

"Hindi ko alam kung kailan nagsimula at kung paano. Nung una naiinis pa ako sa iyo dahil lagi mo kong inaasar, napakafeeling close mo pero sweet ka rin naman sa maraming pagkakataon. Kapag wala ka, hinahanap kita. Kapag nga kausap mo si Jane, parang tinutusok yung puso ko eh. Alam mo namang may gusto sa'yo si Jane at kaibigan ko siya kaya ayaw ko rin itong nararamdaman ko pero.. pero.. Borj, I think, I'm starting to like you, yun nga lang mga bata pa tayo. Hindi pa ako handang pumasok sa isang relasyon at nangako din ako sa parents ko na gragraduate muna ako ng college bago ko pumasok sa relationship. Pero kahit anong pigil ko, kahit anong gawin kong pagtatago, sumisigaw at unti-unti nang nag-uumapaw ang pagtingin ko sa iyo. Borj, will you wait for me? " Natawa na lamang si Roni sa sarili niya dahil sa mga salitang binitiwan niya.

"Hahaha, Hay Roni! Kung anu-ano na naman sinasabi mo. Ikaw talaga dear self! " saad ni Roni sa sarili.

Tumayo na siya at papabalik na sana sa kanilang tent ng biglang narinig niya ang tinig na pamilyar sa kanya.

"I can wait, if its you. You are worth the long wait, Roni!"

Nagulat si Roni nang marinig niya ang tinig ni Borj.

"Oh no! Roni! Ano ba kasing naisip mo. Patay! Alam na niya. Ano nang gagawin ko?"

Hindi na niya nilingon ang binata sa halip ay kinuha niya ang lahat ng lakas niya at tumakbo pabalik ng tent.

------------------------------

Unexpectedly YouWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu