Chapter 11: M. U. - Misunderstanding

433 22 3
                                    

4 days before Roni's birthday

"Oh Roni, bakit kanina ka pa ata walang kibo. May problema ka ba?" tanong ni Jelai sa matalik na kaibigan

"Kaya nga sis, may sakit ka ba?" dagdag na tanong naman ni Missy.

"Ah eh, wala mga sis. Okay lang ako. Hmm, sige mauna na ko umuwi ah." malungkot na tugon ni Roni

"Sige sis, ingat ka huh!" sagot ni Jelai na hindi na nagtangkang usisain pa ang kaibigan

"You know what, hindi ako naniniwala na okay lang si Roni. I think may something talaga e. May idea ka ba Jane?" sambit naman ni Missy

"Hmm. Sa palagay ko huh. Sa palagay ko lang naman, I think it has something to do with Borj." walang pag-aalinlangan na sagot ni Jane

"Paano mo naman nasabi 'yun?" tanong muli ni Missy

"Hmm, napansin ko lang kasi simula ng nagpasukan, parang di sila masyadong nag-uusap or di ko sila nakikitang magkasama which is actually weird kasi knowing Borj hindi naman niya iiwasan si Roni ng walang dahilan." wika muli ni Jane.

"Come to think of it, hindi nga madalas sumama sa atin sila Borj. May idea ka ba Jelai kung bakit?" tanong ni Missy.

"Hello! Kung may idea ko, tatanungin ko ba si Roni kung may problema siya?" sagot ni Jelai

"Ay, oo nga naman. Sorry, sis. Peace." nakangiting sagot ni Missy

"Hay naku, Missy ikaw talaga. Sige na mga sis, mauna na rin ako, nandyan na sila Yaya Medel" paalam ni Jelai sa mga kaibigan.

"Bye sis!!" wika nila Jane at Missy

Habang nasa sasakyan ay naisip ni Jelai na maaring tama si Jane sa kanyang hinala. Noon niya napagtanto na simula ng nagsimula ang klase noong isang linggo ay tila nga umiiwas palagi si Borj. Kapag aayain nila itong kumain o di kaya ay may gimik ang barkada ay lagi siyang may dahilan para hindi makasama.

"Ano na naman kayang nangyari sa dalawang 'yun? May nangyari kaya noong summer vacation? Pero wala naman nababanggit sa akin si Roni, naku magtatampo na ata ako sa sis ko, naglilihim na ata sa akin." bulong ng dalaga sa sarili

"Hmm.. Ano na naman ang sinasabi ng alaga ko huh?" tanong ni Yaya Medel sa dalaga.

"Wala ya, iniisip ko lang sila Roni at Borj. Ngayon ko lang din kasi narealize na parang hindi sila nag-uusap." sagot naman ni Jelai.

"Ah, ayun pala. Akala ko kasi si Junjun ang iniisip mo e." mapang-asar na wika ni Yaya Medel

"Yaya talaga." nakangiting sagot naman ng dalaga

"Nililigawan ka na ba ni Junjun? Aba noong bakasyon ay madalas siyang nasa bahay, kung hindi naman ay palagi ang tawag. Teka baka hindi na lang ligaw ah, nobyo mo na ba si Junjun?" seryosong tanong ni Yaya Medel

"Yaya!!! Hindi ko pa boyfriend si Junjun. Ang bata bata pa namin noh. Parang bestfriend ko lang yun." depensa naman ng dalaga

"Eh ano si Roni? Di ba siya ang matalik mong kaibigan?"

"Yaya, si Roni wala ng papalit sa kanya bilang girl bestfriend ko, higit pa sa kaibigan ang turing ko sa kanya. Parang kapatid ko na siya. Si Junjun, hmm. guy bestfriend ganun." paliwanag ng dalaga

"Oh siya sige, hindi na kita kukulitin. Ang akin lang, wala namang masama na magkagustuhan kayo basta alam niyo ang mga limitasyon niyo. Mga bata pa kayo. Pinapaalalahanan lang kita." tugon ni Yaya Medel

"Oo naman po Yaya, hindi ko naman po nakakalimutan 'yun. Ay, Ya!!! Dito na muna ko bababa kila Roni. Uuwi ako agad promise!" pakiusap ng dalaga kay Yaya Medel.

Unexpectedly YouWhere stories live. Discover now